CHAPTER 23 : REVELATIONS PART 2 ‼ Shantal POV. "Nakakatampo ka naman apo, kasi kay lola mo nag mano ka samantala sa akin wala!" rinig kong tila nag tatampong wika ni lolo kaya kumalas ng yakap si lola sa akin. "Ay sorry po lolo, nakalimutan ko po kasi kanina dahil sa nag nagugulohan parin po ako sa mga nangyayari, mano po pala lolo" natatawa kong usal dito sabay kuha sa isang kamay nito at nag mano ako dito, narinig ko naman nag tawanan ang mga kasama namin. "Nako apo hayaan mo yan si lolo mo ganiyan talaga yan minsan nga ayaw mag patawag ng lolo yan e! kasi pakiramdam niya daw uugod-ugod na siya, pero mukhang umiba ang ihip ng hangin ngayon" natatawang saad ni lola. "At alam mo ba apo simula ng nang yari ang krimen na yun sa isla na pag aari ng matalik na kaibigan ng lolo mo hindi na

