CHAPTER 12 :
Shantal POV.
Kasalukoyan kaming abala sa pag handa ng mga pag kain na dadalahin namin sa mansion para sa pag celebrate ng pasko, kada pasko kasi doon kami mag tipon-tipon sa malawak na harden ng mansion nila don asthon kaya nakasanayan na namin ang set up kada taon ayon sa kagustohan nila donya celeste at lahat ng mga nanirahan dito sa hacienda dadalo doon at marami din mga handa dala ng bawat pamilyang dadalo at marami din ibat-ibang palaro sila donya celeste na may premiyo at para din daw may lingawan ang mga tao at hindi atokin sa hanggang sa pag sapit ng alas dose, mag exchange gift na rin kami at mag bunot lang ng number sa box at kung ang number na nabunot kapareho ng hawak ng isa sa mga nag bumunot kayong dalawa ang mag palit ng gift pero hiwalay ang mga kalalakihan sa mga kababaihan ganon din ang mga bata at kung may personal kang iregalo sa isang tao ilalagay lang sa isang mesa tapos tawagin lang ng emcee ang pangalan ng regalohan naka sulat sa card ng regalo mo, hindi na isali sa bunotan kaya subrang saya pag pasko na dito sa hacienda lahat kami ay excited na para mamaya alas kuwarto pa ng hapon dapat doon na kami sa mansion para makatulong narin sa mga gawain doon kasi maraming handa sila donya at ngayon dumating ang mga anak at apo nila don asthon at donya celeste galing sa ibang bansa at manila ang iba, bihira lang ang mga yon pupunta dito hacienda kaya hindi ko masyadong kilala ang mga anak at apo nila donya kasi minsan ko lang din sila nakikita.
"Anak ikaw na ang mag luto dito sa biko kasi masarap daw ang biko mo sabi ni señior at séñiora kaya noong isang araw sabihin ko daw sayo ipag luto mo sila ng masarap na biko na favorite nila simula nung natikman nila ang gawa mong biko" naka ngiting saad ng ina, ngumiti at tumango naman ako dito.
"Opo nay ihanda ko na po ang mga kakailangan ko sa pag luto ng masarap na biko ni shasha kung matikman ng iba tiyak pati pangalan nila ay makakalimutan" proud kong usal kaya natawa si nanay.
"Kaya pala nong first time kong matikman ang biko mo anak nakalimutan ko ang pangalan ng tatay niyo pinalabas ko pa sa kuwarto namin kasi akala ko ibang tao siya nakapasok sa kuwarto namin" natatawang wika ni nanay kaya natawa narin ako.
"Asus ang sabihin mo mahal, nalasing ka lang ng emperador na ininom niyo nila luisa iinom-inom ka pa kasi kahit hindi mo naman kaya" mapanuyang sabi ng kaniyang ama sa ina.
"Nakisama lang ako no! saka pwede ba sean wag kang panirang momment buti pa ayosin mo na yong mga dadalhin natin sa mansion sila shasha na ang bahala dito ibang natirang lolotuin dito sa bahay mauna na tayo sa mansion para makatulong sa ibang gawain doon" mahabang wika ng ina.
"Iniba mo lang ang usapan mahal" usal naman ni tatay.
"Tumigil ka sean baka iba naman lumabas diyan sa bibig mo minsan pa naman nakakalimutan mo kaharap yan mga anak mo at o ang ibang tao" usal ni nanay.
"Oo na," tila sukong sagot ni tatay napakamot pa ito sa ulo at napailing iniwan kami ni nanay dito sa kusina.
"Anak alam mo naman ang mga gawin dito sa mga hindi pa natapos na lotuin at itong maja blangka mabilis lang naman itong lutuin saka masarap ka kasi gumawa niyan maha blangka anak" tila nag uuto na wika ni nanay at kumikindat pa ito sa akin kaya napapailing akong natatawa dito.
"Ay si nanay binobala pa ako, sige na po ako na ang bahala dito mag patulong nalang po ako kila sandro" saad ko dito.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!" usal ni nanay at kinurot pa ang tongki ng ilong ko bago ito lumabas sa kusina, napapangiti nalang ako sa inasal nito, kinuha ko ang malagkit na bigas para ibabad muna ito sa tubig para hindi ito mag hilaw mamaya pag lotuin na, nang matapos ko itong hugasan at lagiyan ng panibagong tubig iniwan ko na ito para utusan sila sandro mag kudkod ng niyog may mga niyog naman na kinuha nila kahapon.
"Ate anong maitotolong ko sayo!" saad ni sam ng maabotan ko ito sa sala habang binabalot nito ang gift nito ayaw kasi nito ako ang mag balot kanina ng ibalot ko ang gift namin nila nanay,kahapon kaming lahat pumunta sa bayan para mamili ng kaniya-kaniya naming mga regalo.
"Aba kanina ka pa diyan hindi ka pa rin tapos?" tanong ko dito.
"Patapos na po ate tatlo kasi itong gift ko e!" anito kaya napataas ako ng kilay umupo sa tabi nito.
"Para saan naman yan pangatlo?" usisa ko dito kasi pag kakaalam ko para sa exchange gift ang isa nitong gift at ang isa daw para sa matalik nitong kaibigan, pero para kanino naman ang isa diko nakita kanina ang binalot nito sa pangatlo nitong gift.
"Secret ate" tipid nitong sagot.
"May pa secret-secret ka pang lalaman diyan" sagot ko dito at tinusoktusok ko ang tagiliran nito dahilan ng pag hagikgik nito.
"Basta ate hindi na secret pag sasabihin ko sayo" sagot nito na nakanguso.
"Asus, sige na itabi mo na mga yan kung tapos kana, tawagin ko muna sila kuya mo" aniya ko dito sabay tayo ko at iniwan na ito sa sala.
Lumabas ako sa bahay at nakita ko sila sandro abala sa pag balat ng mga niyog siguro sinabihan na sila ni nanay.
"Sandro, santino pag katapos niyo diyan paki kodkod na rin ha kasi mag luto na ako ng biko at maha blangka para maaga din tayo susunod kila nanay sa mansion" sabi ko sa mga ito ng makalapit ako sa kanila.
"Opo ate" sagot ni sandro.
"Ayan na pala si jude mag patulong ka sa pag kodkod santino kasi kunin ko pa yong kalabaw at baka para kung aalis tayo mamaya mailagay ko na sila sa kulongan nila" saad naman ni sandro, kaya napalingon ako sa tinignan nito si jude meron itong mga bitbit.
"Hi everyone, may maitotolong ba ako sa inyo?" agad nitong wika at nilagay sa upuang kawayan ang mga dala nito, alam ko mga gift nito yon kasi kasama din namin siya kahapon pumunta sa bayan pero hindi ko nakikita ang mga pinabalot na nitong regalo.
"Kuya jude pwede pakitulongan sa pag kodkod ng niyog itong sila ate may gagawin pa kasi ako e!" usal ni sandro.
"Ano ba kayo kararating lang tao inoutosan niyo na" sabat ko.
"No problem shasha saka wala akong dalang pagkain papunta sa mansion kaya kung pwede pashare nalang sa dala niyo, wala kasi akong alam na lotuin" anito na napakamot pa sa batok nito.
"O siya sige, ipasok mo muna sa loob ng bahay yan mga dala mo baka mapag diskitahan ni bantay pag laruan niya yan kasama sila queenie king at snow" saad ko dito, sila queenie king ang dalawang pusa na inampon ko pero nanganak agad si queenie ng isa pinangalan kong snow dahil sa maputi ito at subrang kapal ng balahibo tapos kulay blue ang mga mata parang yong nakikita kong mamahalin pusa sa tv marami nga humihingi kay snow yong iba bayaran daw nila pero hindi ko talaga binigay si snow lagi itong tumatabi sa akin sa pag tulog o kahit saan ako naka buntot ito sa akin kaysa doon sa nanay niya tulad ngayon naka lingkis na naman ito dito sa mga pa ko, at binilihan ko pa nga ito ng babyron at gatas kasi ayaw nito dumede sa nanay nito kaya tumaba na ito ngayon, kinuha ko ito sa paanan ko at pinanggigilan ang bango din nito kasi pinalugaan ko sila kanina bago ako naligo.
"Tsst sana ako nalang si snow" rinig kong mahinang wika ni jude bago ito pumasok sa loob ng bahay namin, kaya kunot noo akong sumunod dito.
"Anong sabi mo?" tanong ko dito.
"Wala ang sabi ko umpisan na natin mag kodkod ng niyog akin na yong kudkodan" nasimangot nitong wika.
"E! bakit nakasimangot ka diyan kong ayaw mong tumolong mauna ka nalang sa mansion" saad ko dito at pumasok sa kusina.
"Hindi a! akin na yong kukodan at pang salo sa niyog" anito naka sumunod sa akin sa kusina kaya lumingon ako dito ngumiti ito ng malawak sa akin, kaya inirapan ko nalang ito at nilapag ko muna si snow, kinuha ko ang kukudan namin ng niyog sa ilalim ng lababo at kumuha narin ako ng planggana na isa para pansalo sa niyog ikodkod take note mga te itong planggana hindi namin ito ginagamit sa pag laba para lang talaga ito sa kusina lalagiyan namin ng lolotuin namin lalo na pag marami kaming niloloto.
"O ayan" usal ko at inabot dito ang kaylangan nito.
"Mukhang marami kang lotuin biko a!" saad nito sabay tingin sa binabad kong malagkit na bigas nasa planggana na rin.
"Oo kaya bilisan niyo na mag kokod ng niyog habang saingin ko itong malagkit matagal kasi ito buti nalang naka gawa na ako ng maraming batik kagabi kasi yon ang matagal gawin" mahabang wika ko dito.
"Masusunod mahal kong prensesa" sagot nito at nag baw pa talaga kaya binatukan ko ito.
"Puro ka talaga kalokohan sige na aabotin tayo ng siyam-siyam dito e!" singhal ko dito napakamot naman ito sa ulo kung saan ko ito banda binatukan ng yumuko ito.
"Ito na nga mag kodkod na ng niyog , sadista ka talaga" usal na naman nito kaya matalim ko lang itong tinitigan, kaya tumakbo na itong palabas ng kusina habang bitbit ang kudkodan ng niyog at planggana,napapailing nalang ako sa tinuran nito, at inumpisahan ko ng asikasohin ang mga kaylangan ko sa pag gawa ng biko at maha blangka.
Nang matapos ang pag gawa ko ng maha nilagay ko na bilao na may dahon ng saging inayos ko ang pag kalagay na may design para sa crismass at makukulay ito dahil food coloring pinag lalagay ko siyempre meron din yong plain lang pati ang biko ganon din ang ginawa ko.
"Wow ate ang ganda, makulay ang galing talaga ng ate ko" manghang usal ni sam habang naka tingin sa ginawa kong kakanin.
"Asus binobola mo pa ako mag bihis kana doon mag dala kana rin ng extra mong damit siguradong pag pawisan kananaman mamaya sa kakalaro, hugasan ko lang itong mga ginamit ko sa pag luto mamaya aalis na tayo papuntang mansion" saad ko dito.
"Opo ate" sagot nito at lumabas na ito sa kusina, kaya hinugasan ko na ang mga ginamit ko bago ako aakiyat sa kuwarto para makapag bihis narin pero bago yon maligo muna ako ulit kasi pinag pawisan ako sa pag luto buti nalang tinulongan ako ni jude nakakangalay kasi ng kamay mag halo lalo na kung marami at yong isang yon pag katapos namin mag luto ayon kumuha ng plato sumandok agad ng biko kahit umousok pa at nag timpla ng kape mag meriyenda mo na daw siya kasi bigla siyang nagutom ng maamoy ang aroma ng biko with balat kamansi flavour mabango kasi ang biko masarap pag lagiyan mo ng balat ng kamansi ako lang naman ang nag luluto ng ganiyan kahit si mama di niya daw alam na puwede pala lagiyan ng balat ng kamansi ang biko kaya ayon nagustohan na nila ang lasa ng biko ko kaya palaging ako ang inoutosan nilang mag biko, noong bago ako mag 18 years old ng nag luto ako ng biko kasi kada kumakain ako ng biko parang may hinahanap akong kulang sa lasa ng biko ni nanay kada mag luto siya maging sa ibang biko na nakain ko kaya nag iisip ako anong kulang sa lasa ng biko at isang araw nakita kong maraming bunga ang kalamansi ni tatay dito din sa bakuran ng bahay namin kaya sinubukan kong mag luto ng biko at nilagiyan ko ito ng pinong-pino na balat ng kalamansi at pag kalagay ko palang maamoy na aroma ng kalamansi mula sa usok ng gata bago sinalang ang malagkit at ng maluto na ito nilasahan ko and boom ang sarap ng kinalabasan lasang-lasa ang flavour na balat ng kalamansi sa biko lalo na kung malamig na ang biko lalabas talaga ang sarap kaya nasagot ang kulang na lasa na hinahanap ko sa biko at nagustohan yon nila tatay kaya simula noon ako na ang taga luto ng biko minsan may nag request pa sa akin na ako nadaw ang mag luto ng biko kung may okasyon sila, hindi naman ako tumanggi kasi hilig ko na rin mag luto, saka tama lang ang tamis pag ako ang mag luto ng biko para hindi ka mag sawa.
"Ate pahingi na rin kami ng biko sarap-sarap kasi yong kuya jude nasa labas kumakain nakataas pa ang paa habang kumakain, humihingi kami ayaw niyang mag bigay kasi para lang daw sa kaniya yon e! dami nun puno ang plato pero ang damot " sumbong ni santino sa akin, umiililing nalang ako sa katakawan ni jude.
"Kumuha kana nalang diyan sa kawali sinadiya ko talagang tumira kasi mag hahanap si tatay bukas alam niyo naman si tatay basta may biko kaylangan may matira ipares niya sa kape, at yong matira diyan saka ko na ilagay dito sa taperware pag malamig na para bago tayo maka alis ilagay ko muna doon sa ref para hindi mapanis at linisan ko muna yan kawali bago ako maligo, at pag katapos niyong kumain hugasan niyo yan kinainan niyo at mag bihis narin kayo ng maalis na rin tayo" mahabang saad ko habang nag huhugas ng plato.
"Opo, ate" tipid na sagot ni santino habang kumukha ng biko at kumuha narin ito ng dalawang baso at nag timpla ng kape bago nito nilagay sa tray at lumabas na ito dito sa kusina, sabagay mag alas tres na ng hapon mga ganitong oras talaga nag memeriyenda sila ng kahit anong puwede nilang makain na meriyenda at ganito sa probinsiya kahit mainit ang panahon coffee is life parin.
"Ako din po ate hihingi ng biko mo nakalimutan ko kasi humingi pag pasok ko dito excited na po kasi ako, at ate ang damot po ni kuya jude ayaw niya mag bigay ng biko niya ang dami kaya yon" naka ngusong usal ni sam at humalikipkip pa ito, pareho sila ng sumbong ni santino.
"Aba-aba nag susumbong kapa talaga at kuya jude lang itawag mo sa akin dahil sa hindi kita binigiyan ng biko at nawala ang kuyang pogi, saka kunti nalang yong natira kaya hindi na kita binigiyan kulang pa nga yon e!" sabat bigla ni jude kaya kunot noo ko itong tinignan.
"Ang sabihin mo kuya ang takaw mo talaga at grabi ka kumain sa dami non kulang pa talaga o baka may alaga kang bulate diyan sa tiyan mo" pambabara ni sam kay jude.
"Kasalanan yan ng ate mo sinarapan niya masiyado ang biko niya kaya ayan tuloy gusto ko pa dumagdag" giit pa ni jude kaya napabuntong hininga nalang ako sa dalawang ito.
"Tama na nga yan ang iingay niyo, saka sam diba masamang sumasagot sa nakakantanda baka gabaan ka" usal ko at kinindatan si sam humagikgik naman ito.
"Anong matanda ka diyan sha 25 years old pa lang ako at mag kakaanak pa ako ng isang dosena o mahigit pa gusto mo ikaw pa gawin kong ina ng mga anak ko e!" saad ni jude kaya humagalpak na ng tawa si sam ako naman kunot noong tinitigan si jude.
"Bago mo po maanakan si ate kuya dumaan ka muna kay tatay baka habolin ka pa ng itak" natatawang usal ni sam.
"Teka ka lang muna anong anakan yan pinag sasabi niyo, at pano ba gumawa ng bata hindi ba nakakabuntis yong halik lang" takang ani ko at naalala ko naman yong pag halik ni jude sa akin doon sa batis kaya takot akong lumobo bigla itong tiyan ko tulad ni Kimberly bigla lang ito nabuntis at lagi akong tinatarayan pag mag kasalubong kami kasama nito sila trina at mercy na palagi akong inaaway noon bata pa kami hanggang ngayon palagi parin akong pinag sasabihan ng hindi maganda pero kung madilta sila mas maldita ako lalo na kung hindi na kung hindi naman totoo ang pinagsasabi nila sa akin kung noon bata pa ako hinayaan ko silang bulihin ako ngayon hindi na kasi tinuruan din ako ni bukikang pano lumaban pag nasa katuwiran ako, nabalik lang ako sa ulirat ng biglang tumawa ng malakas si jude sinabayan pa ni sam kaya masama ko silang tinignan.
"Hahaha soon baby malaman mo rin kung pano gumawa ng bata at hindi nakakabuntis ang halik lang dapat may higit pa sa halik at ilan round pa bago ka mabuntis" wika ni jude at nakakalokong ngumisi parang aso at anong ibig nitong sabihin diko gets ang pinagsasabi nito pero wala na akong oras para alamin pa yon.
"Tst tst tst ate buti pa ako alam ko pero minor pa ako para sa bagay na yon, ar gusto ko pa makapag tapos bilang sundalo o di kaya maging agent" usal ni sam itong kapatid kong ito parang siya pa ang matanda sa akin kung umasta.
"Ewan ko sa inyo, sige na kumuha na kayo ng biko para matapos na ako dito sa kusina at nang maka gayak narin tayo papuntang mansion, saka sam saka mo na isipin yan pag susundalo mo ilan sakong bigas pa ang kainin mo bago mo malaman kung ano ba talaga ang gusto mo sa pag laki mo, gaya ko noong bata pa ako gusto kong maging doctor pero ng tumongtong na ako sa high school nag bago ang isip ko at kung dati mahilig ako sa laruan ng pang doctor at ginagamot kunwari sila nanay at tatay pero ng mag grade four na ako hilig ko ng gumuhit at mag paint hanggang sa nakalimutan ko na ang pangarap kong maging doctor kasi iba pala ang gusto ko talaga yon ay ang maging architect kaya yan ang kinuha kong course at saka kumuha na rin ako ng fine art course kasi sayang daw ang talent ko sa pag paint kaya palagi akong late makauwi kasi kaylangan kong pumasok sa ibang subject ko at kung hindi pa nag tawag ng meeting sa paaralan hindi alam nila nanay kumuha ako ng isang course na fine art " mahabang wika ko sa mga ito, tinignan ko si jude tulala itong nakatitig lang sa akin parang malalim ang iniisip nito kaya pinitik ko ang daliri ko dito ng ilan beses bago ito bumalik sa ulirat.
"Tulala ka na diyan, may nasabi ba akong relate sa pag katao mo o na open up kita?" tanong ko dito.
"Ah nothing may naisip lang ako" sagot nito at tinungo ang lababo at mabilis nitong hinugasan ang ginamit nitong palato.
"Tulala si kuyang pogi sa kagandahan mo ate hehehe" usal ni sam, at lumabas na ito dito sa kusina na may dalang plato may laman na biko hindi ko napansin naka kuha na pala ito ng biko naka fucos kasi ako kakuwento ko, kaya napakamot naman ako ng kilay bumaling kay jude.
"Diba gusto mo pa kumain ng biko bakit hinugasan mo na yong palato mo?" tanong ko dito.
"Gusto ko pa sana kasi masarap ang pag kagawa mo pero ayaw ko pala mag pakabusog hirap na baka makasali ako sa laro mamaya" naka ngiti nitong wika pero halata dito hindi abot tainga ang ngiti nito.
"Sa bagay baka biglang sasakit ang tiyan mo" sagot ko nalang dito gusto ko sanang tanungin dito kung may problema ba ito, pero saka nalang.
"Tulungan na kita sa pag linis dito sa kusina para mabilis kang matapos" usal nito, tinanguan ko lang ito at ningitian.