Chapter 09
Amelia’s POV
AKALA ko aalis na siya nang bitawan niya ako, pero hindi pa pala tapos si Andrie. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, mahigpit, halos bumaon ang mga daliri niya sa balat ko.
"Andrie, bitawan mo ako!" I struggled, trying to pull away, pero parang bakal ang mga daliri nitong bumaon sa kamay ko. "Nasasaktan ako!"
Hindi siya nakinig. Imbes na pakawalan ako, yumuko siya at binuhat ako na parang sako ng bigas. “Andrie!” I shrieked, pinagsusuntok ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo. “Ibaba mo ako, damn it!”
Hindi niya pa rin ako pinakinggan. “Sige, sumigaw ka pa. Para marinig ka ng mga tauhan… o ng dalawang matanda.”
That was enough to make me stop. Nanlamig ako sa sinabi niya. My lips parted, pero walang lumabas na salita. Nakaramdam ako ng hiya, at takot na rin. Ayaw kong maging dahilan ng gulo sa hacienda.
“Where are you taking me?” I hissed near his ear, half angry, half scared.
No answer from him. Tahimik lang siya habang patuloy sa paglalakad. Hanggang sa maramdaman kong huminto siya, at ibinaba ako sa lupa. Nasa kwadra na kami. My heart raced when I saw where we were heading next—the small kubo by the river.
Alam ko na agad. Dadalhin niya ako sa kubo.
That place... it held too many memories. Dito ako lumaki. Iyon ang tinirhan ng Daddy Amery ko noong panahong hindi pa niya maalala ang nakaraan. The same kubo that became our safe place—our home. My chest tightened as nostalgia washed over me.
“Hindi ako sasama,” I told him firmly, shaking my head.
Mabagal siyang lumapit siya, pero may kumpiyansa. “You will,” sabi niya, mababa ang tono, halos pakiusap pero may bigat. “Just this once, Amelia. Let’s forget everything. Let’s just… remember who we were.”
Napapikit ako. I could feel the lump in my throat. Gusto kong sumigaw ng hindi, pero sa totoo lang, namiss ko rin siya. Namiss ko ‘yong tawanan namin, ‘yong simpleng buhay noon bago naging komplikado ang lahat.
“Only this time,” I whispered, halos hindi ko na narinig ang sarili ko.
Nang marinig niya ‘yon, bahagyang lumambot ang mukha ni Andrie. He reached for my hand again, this time gently, almost afraid to break me. And for a fleeting moment, I let him.
For now… I’ll let it be. Kakalimutan ko muna ang lahat—ang mga galit, sakit, at takot. I just wanted to breathe.
Tahimik akong lumapit sa mga kabayo. The smell of hay and the sound of their soft snorts filled the air. My heart softened the moment I saw her.
“Hey, Starlight…” mahina kong sabi habang hinimas ko ang leeg ng kabayo. Agad itong suminghot at tumabi ng bahagya, parang kilala pa rin ako. Napangiti ako ng bahagya. “Na-miss mo rin ako, ‘no?”
“She never forgot you,” narinig kong sabi ni Andrie sa likuran ko. His voice was calm now, may halong init na hindi ko alam kung paano tatanggapin. “You know, she’s been restless since you left. Just like me.”
Napalingon ako. Nakatingin siya sa amin ni Starlight, may malalim na ngiti sa labi pero halatang may bigat sa dibdib.
“She remembers your touch, Amelia,” patuloy niya, lumapit at hinaplos din ang kabayo. “Remember the day we chose them? You said she looked like the moon—calm outside, but full of storms inside.”
Napatawa ako nang mahina. “I can’t believe you still remember that.”
“How could I forget?” he whispered, tinitigan ako sa mata. “That was the first time you smiled at me.”
Nag-iwas ako ng tingin, pero hindi ko napigilan ang ngiti. “You were so annoying that day,” biro ko, pilit na tinatago ang kilig na gumapang sa dibdib ko.
“And yet you still rode beside me,” sagot niya, mas lumapit pa.
Napahinga ako nang malalim, sabay tingin sa malayo kung saan kami pupunta. The wind brushed against my skin, bringing back pieces of our past, 'yung halakhakan, habulan, at mga lihim na titig.
“Let’s go, Starlight,” mahinang sabi ko habang inaayos ang saddle. “It’s been a while since we ran free.”
“Just like before,” sabi ni Andrie, sumakay sa kabayo niyang si Rex, kapatid ni Luna. “Let’s see if you still remember how to beat me.”
Napangiti ako, sabay sabing, “You never let me win anyway.”
“I did,” he murmured, tinitigan ako nang matagal. “You just never noticed.”
Bago ko pa siya masagot, sabay kaming humarurot papalayo. The wind hit my face, and for the first time, I felt alive—like the world had paused just for us.
Mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa renda at pinaarangkada si Starlight papunta sa malawak na bahagi ng kalsada. Tumatawa ako habang sumisigaw, “Habulin mo ako, Andrie!”
Narinig ko ang mabilis na pagtakbo ng kabayo niya sa likuran ko, kasabay ng halakhak niyang dati ko nang gustong marinig. “You’ll never win against me, Amelia!” sigaw niya, halos nilamon ng hangin ang tinig niya.
“We’ll see about that!” sigaw ko pabalik, mas binilisan ko pa ang takbo. Ang hangin ay sumasalubong sa mukha ko, nakakalasing sa sarap ng pakiramdam, freedom, excitement, at kaunting takot na may halong kilig.
“Easy, Starlight” bulong ko habang nararamdaman kong humihigpit ang liko ng kabayo. Tumawa ako nang malakas, at narinig ko si Andrie sa likuran, humahabol pero halatang hinahayaan ako.
“I could’ve caught you a long time ago!” sigaw niya.
“Then why didn’t you?” tanong ko habang lumilingon, sabay sulyap sa ngiti niyang hindi ko makalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas.
“Because I like watching you run free,” sagot niya, nakangiti pa rin.
Unti–unti kong binagalan ang takbo nang matanaw ko ang pamilyar na tanawin, ang ilog na kumikislap sa ilalim ng araw, at ang kubo sa gilid nito.
Ang kubong iyon ay parang lumang larawan na nabuhay sa paningin ko. Gawa sa matandang kawayan at pawid, may duyan sa gilid, at bintanang may puting kurtinang sumasayaw sa hangin. Sa harap ay may maayos na mga paso ng halaman, mga halamang alaga pa noon ni Nanay Eva. Sa likod nito, dumadaloy ang ilog na parang kumakanta ng mga lihim ng nakaraan.
Pagkababa ko sa kabayo, hinaplos ko muna si Starlight bago ko ito itali sa malaking puno ng acacia na naroon. Si Andrie naman ay ibinaba si Rex at tahimik lang akong pinagmamasdan.
“Still looks the same,” sabi niya habang tinatanggal ang guwantes niya.
“Only older,” sagot ko, sabay tingin sa kubo. “Pero hindi ko akalain… it still feels like home.”
Lumapit siya sa akin, marahan lang, parang ayaw basagin ang sandali. “You always said this was your favorite place,” bulong niya. “Now I understand why.”
Ngumiti ako, bahagyang napapikit. “This was where everything started.”
“And maybe,” sabi niya, halos pabulong, “where everything can start again.”
Saglit akong natahimik. Hindi ko alam kung dahil sa simoy ng hangin o sa paraan ng pagkakasabi niya, pero ramdam kong bumilis ang t***k ng puso ko.
Tumingin ako sa kanya, saka mahina kong sabi, “We’ll see, Andrie. We’ll see.”
PAGPASOK ko sa kubo, agad akong binalot ng amoy ng kahoy at lumang kawayan. Parang walang nagbago ang mesa sa gitna, ang lumang duyan sa gilid, at ang maliit na aparador na gawa pa ni Daddy noon. Lahat ng bagay ay nasa parehong pwesto, ang lumang mesa sa gitna, ang duyan na gawa sa ratan, at ang lumang kurtina na bahagyang kupas na sa araw.
Dito ako lumaki. Dito rin nabuo ang napakaraming alaala. Dito rin nagsimula ang damdamin na hanggang ngayon ay tinatago ko.
Lumingon ako sa paligid, hinahaplos ng mga mata ko ang bawat sulok. Nakikita ko pa rin ang mga batang bersyon namin, ako, si Khail, at si Andrie. Si Daddy Ethan at Mommy Nathalie, nakaupo sa labas habang nagkakape.
Napangiti ako. Ang mga alaala… ang bilis nilang bumalik.
Narinig ko ang mahinang tunog ng mga yabag sa sahig. Bago pa ako makalingon, maramdaman ko na lang ang mga braso niyang dahan-dahang bumalot sa baywang ko.
"Remember this place?” mahina kong tanong, halos para sa sarili ko. “You used to sneak in just to play with us.”
Narinig ko ang mababang tawa ni Andrie sa likuran ko. “You make it sound like I wasn’t part of this family,” biro niya, pero may halong lungkot sa boses. “You know, I always felt like I belonged here more than anywhere else.”
Napayuko ako. Totoo naman. Si Andrie ay halos lumaki rin dito, laging kasama namin. Pero habang tumatagal, may isang damdamin ang unti-unting nabuo sa puso ko, isang damdaming alam kong mali.
Mali, dahil tinuturing siya ni Daddy na tunay na anak at legal na ampon. Pero kahit ilang beses kong pigilan, hindi ko kayang itanggi kung gaano siya naging mahalaga sa akin.
Napasinghap ako nang humigpit sa pagkakayakap ang mga braso niya sa baywang ko mula sa likuran. Hindi ko na nagawang tumalikod. I just froze, letting his warmth sink in.
“Andrie…” mahina kong sabi.
Hindi siya agad sumagot. Narinig ko lang ang mabigat niyang paghinga sa likuran ko, at kung paanong dahan-dahan niyang inilapat ang baba niya sa balikat ko.
“I missed this,” bulong niya, halos pabulong pero malinaw. “You. This place. Everything.”
Pinikit ko ang mga mata ko, hinayaan kong sandaling manahimik ang paligid. Alam kong mali, pero hindi ko kayang itulak siya palayo. Hindi ngayon. Hindi rito, sa lugar na saksi ng lahat ng masasaya naming alaala.
Gusto kong sabihing hindi pwede, pero ang totoo… gusto ko rin. Gusto kong maramdaman ulit kung ano ‘yung dati naming meron, kahit sandali lang.
Kaya imbes na lumayo, nanatili akong nakatayo ro’n, nakasandal sa dibdib niya, nakikinig sa t***k ng puso niya na tila sabay sa t***k ng akin.
Sa isip ko lang lumabas ang mga salitang hindi ko masabi.
Let me have this, Andrie… kahit ngayon lang.
Because when I return to Manila, I’ll be gone. And you’ll never know.
Pinilit kong ngumiti, kahit nakatalikod. Dahil minsan, kailangan mong itago ang sakit sa likod ng mga sandaling gusto mo pa ring maramdaman.
At sa yakap niyang iyon, alam kong kahit sandali, muli kong nahanap ang tahanan ko—sa maling oras, sa maling tao, pero sa parehong t***k pa rin ng puso.
Kumalas si Andrie mula sa pagkakayakap, iniharap niya ako, raised my face to his. Sandali kaming nagkatitigan. Parang may kung anong gusto niyang sabihin, pero sa halip ay ngumiti lang siya, ’yung ngiting matagal ko nang hindi nakikita.
“Like old times,” mahina niyang sabi, sabay ngiti ng pilyo.
“Wait—Andrie, what are you—” Hindi ko na natapos dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng kubo.
“Andrie!” halos pasigaw kong tawag habang pilit kong binabalanse ang sarili ko habang hinahatak niya ako. “Let go, please! Ano ka ba!”
“Come on, Amelia!” Tumawa siya, hindi man lang lumilingon. “Don’t act like you didn’t miss this.”
“Miss what? Yung mababasa ako?!” reklamo ko, pero kahit ako ay halos mapatawa sa tono ko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na hangin mula sa ilog. Bago pa ako makapigil, itinaas niya ang laylayan ng pantalon at humakbang papasok sa tubig.
“Andrie, I swear, if you—”
Pero huli na. Hinila niya ako nang mariin, at sa isang iglap, naramdaman ko ang malamig na tubig na bumalot sa paa ko, hanggang sa tuluyan niya akong dinala sa gitna ng ilog.
“ANDRIE!” sigaw ko, habang nabasa ang buong damit ko.
Tumawa lang siya, ‘yung tawang dati kong gustong marinig araw-araw. “You still hate surprises, huh?”
“Hindi ako handa!” sabi ko, habang pinapahiran ng kamay ang basang mukha ko. “Look at me, basang-basa ako!”
“Then stop complaining and enjoy it.” Lumapit siya, sabay talsik ng tubig gamit ang kamay.
“Don’t you dare—!” Pero tinamaan ako sa braso, kaya gumanti ako. Isang talsik, dalawang talsik, hanggang pareho na kaming nagtatawanan, basang-basa, at humihingal sa gitna ng ilog.
Tumingala ako, pinagmamasdan ang liwanag ng araw na sumasayaw sa ibabaw ng tubig. Sa unang pagkakataon, wala akong iniisip na problema. Wala akong nararamdamang bigat. Just laughter. Just him.
Nang mapatingin ako kay Andrie, nakatitig na naman siya. Hindi na siya tumatawa, pero may ngiti pa rin sa labi.
“What?” tanong ko, pinilit kong gawing magaan ang tono.
He shrugged lightly. “You still look the same,” sabi niya. “Except… now you’re harder to let go.”
Napayuko ako, pilit tinatago ang ngiti. “Stop saying things like that.”
“Why?” tanong niya, sabay lapit pa ng kaunti. “It’s true.”
Tumigil ako, huminga nang malalim, at saglit na tiningnan siya. Ang tubig sa pagitan namin ay tila nagiging manipis na hangin, isang hakbang lang, kaya niya na ulit akong abutin.
At sa ilalim ng araw at sa gitna ng ilog na saksi ng kabataan namin, muli kaming nagtagpo, hindi bilang mga batang naglalaro, kundi bilang dalawang taong pilit binabalikan ang isang mundong dati lang sa kanila.