Chapter 02
Amelia POV
NAPANSIN ko kung paano biglang napatuwid ng upo si Andrie. He cleared his throat, shoulders tense, tapos bahagyang tumingin sa direksyon ko bago nagsalita.
"Maybe, we can talk about the engagement kapag nakauwi na si Camilla from her pageant."
Sandaling gumaan ang dibdib ko. Parang may maliit na sinag ng liwanag na sumilip sa gitna ng bigat nito.
Pero hindi pa man natatapos ang ginhawa, mabilis na sumabat si Camilla na may panlalaki ng mga mata. "What? Nakauwi ako? You said sasamahan mo ako sa pageant... to support me." Dagdag niya sa nagtatampong tono.
Napasinghap ako nang makita kong napalunok si Andrie, parang nahuli sa bitag. "Yeah...yeah. Sasamahan kita. But still, it's too early para pag-usapan ito."
At muling gumuho ang akala kong konting pag-asa. Kung kanina may bahagyang luwag, ngayon parang sinakal ulit ang dibdib ko. Sasamahan niya. Napayuko na lang ako, pilit na hindi pinapakinggan ang pa-cute na tono ni Camilla, 'yung exaggerated na sweetness niya kay Andrie.
Lalong sumama ang pakiramdam ko nang makita kong bigla itong lumipat ng upoan, umupo sa tabi niya. Para bang gusto niyang ipakita sa lahat kung sino ang may karapatan sa lalaki. Noon, pang clingy si Camilla kay Adrian.
"Pareho lang naman, hijo," biglang sambit ni Tita Glecel, may diin pa sa boses. "Ngayon o after two months, when she's back. Excited lang naman kaming pag-usapan ang engagement."
Sumang-ayon agad si Carmela, halos sabay. "Oo nga. We're all here, might as well start talking." Tapos tumingin siya kay Daddy, parang humihingi ng kumpirmasyon.
Pero malamig lang ang naging sagot ni Daddy. "Kung anong desisyon ni Andrie, respetuhin natin."
Kita ko kung paano agad nanlambot ang mga mukha nina Tita Glecel at Carmela, halatang nadismaya sila naging ni Daddy. Si Mommy tahimik lang na nakikinig sa kanila.
Ako naman, medyo nakahinga ng kaunti. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalo lang masaktan. Dahil kahit papaano, nagpagaan sa loob ko ang naging ako naging sagot ni Daddy, pero sa kabilang banda, mas malinaw ngayon na hindi ko kailanman maaaring angkinin ang taong mahal ko.
At si Camilla? Nakakunot ang noo, nakabusangot, halatang hindi niya gusto ang takbo ng usapan.
Sa kabila ng lahat, ako, nakaupo lang sa gilid, nagtitimpi, nagkukunwaring matatag, kahit ang puso ko, parang punit-punit na.
Biglang naiba ang usapan. Si Carmela ang nagbukas ng topic, at ako ang naging sentro.
"So, Amelia...sino nga ba ang boyfriend mo? Wala pa kaming naririnig kahit isang pangalan. Don't tell me wala pa rin hanggang ngayon?" Halatang may halong pang-uusisa at pang-uuyam ang boses niya. "I think it's about time you get married. Nasa tamang edad ka na. Baka maunahan ka pa ni Khail."
Parang nabura lahat ng kulay sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Nanuyo ang lalamunan ko, kaya ang nagawa ko lang ay mapatingin kay Andrie. Saglit lang, pero sapat para maramdaman kong pareho naming gustong umiwas. Agad din niyang binawi ang tingin.
Bago pa ako makapagsalita, si Daddy na ang sumalo ng sagot.
"Naka-schedule na ang alis niya next year. She'll go to Italy to manage the hotel there," diretsong sabi niya, kaswal pero may bigat ang tono. "And aside from that, I already arranged her engagement with our business partner."
Halos manlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng resto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Dad..." napatingin ako sa kanya, umaasang nagbibiro lang siya. "That's not true!" hiyaw ko sa nanlalaking mga mata ko. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi niya.
Pero nakita ko agad sa mga mata niya—hindi iyon joke. Walang bahid ng biro ang mukha niya.
"Nope," matigas niyang tugon. "I already agreed."
Ramdam ko ang pagkuyom ng mga kamao ko sa ilalim ng mesa, halos bumaon ang mga kuko ko sa palad ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong iprotesta. Pero hindi ko magawa. Ang hirap, parang nabara ang boses ko sa lalamunan.
Napaangat ako ng tingin, at nakita ko ang ekspresyon ni Andrie. Una,,may bakas ng pagkagulat, kita ko pa ang panlalabo ng mga mata niya. Pero ilang segundo lang, parang may apoy na sumiklab, galit? Hindi ko alam. Ang sigurado lang ako, hindi siya natuwa. At gaya ko, wala rin siyang masabi.
Dahan-dahan kong nilipat ang tingin sa Mommy ko. She gave me a small, tipid na ngiti—parang pilit na comfort. Pero malinaw, ni siya man ay walang magawa sa naging desisyon ng Daddy.
Sa mesa kung saan lahat ay tila natuwa sa narinig...ako lang ang parang biglang gumuho ang buong mundo.
Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat sa sinabi ni Daddy, agad namang sumabat si Tita Glecel.
"Mas mabuti nga iyon, Amelia," malakas at buo ang boses niya, parang walang pakialam kung sino ang tamaan. "At least ma-engage ka na kaysa magkagusto ka pa sa taong hindi naman talaga para sa'yo."
Nanlaki ang mata ko, napako ang tingin sa kanya. May laman ang mga salita niya. At alam kong alam niya kung kanino tumutukoy ang mga ito. Parang biglang umikot ang mundo ko sa mesa na iyon, para akong natuhog ng diretsong sibat.
"Tama na, Glecel," awat agad ni Tito Brad, bakas ang pagkairita sa tono.
Pero nagkibit-balikat lang siya, hindi nagpapatinag. "I'm just saying the truth. Mas maganda na maayos ang plano para sa kinabukasan. Hindi lang ito tungkol sa feelings, Amelia. This is about legacy. Sa ganitong paraan, mas lalong lalakas at uunlad ang negosyo ng pamilya. Don't you think that’s the best path for you?"
Parang may humigpit na tanikala sa dibdib ko. Yung bawat salita niya,,parang tinatadyakan ang pagkatao ko. Hindi iyon helpful advice—ramdam kong pangmamaliit lang, parang pilit akong isinisiksik sa direksyon na hindi ko naman ginusto.
Bago pa tuluyang bumigay ang luha ko, napilitan akong tumayo. Hindi ako tumingin kahit kanino. Hindi ko na kayang makipagtitigan sa mga matang puno ng opinyon at plano para sa buhay ko.
"Excuse me," maiksi kong sambit, mahina pero malinaw. Diretso akong naglakad palabas—hindi na ako lumilingon, hindi nagpapakita ng kahit anong reaksyon.
Pero sa bawat hakbang, ramdam kong unti-unting nadudurog ang puso ko.
HINDI ko alam kung paano ako nakalabas ng resto. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko dito sa opisina ko sa hotel. Tahimik, malayo sa mga mata at boses na kanina pa bumabaon sa tenga ko.
Nakatayo ako ngayon sa balcony, nakahawak sa railings habang pinagmamasdan ang mga abalang sasakyan sa baba. Parang normal lang lahat sa paligid, pero bakit sa dibdib ko, parang may unos na hindi tumitigil?
Mariin akong napakagat sa labi habang unti-unting bumigat ang mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan, so I let it fall. Wala namang nakakakita. Wala namang makakarinig.
"Bakit... bakit parang lahat ng desisyon tungkol sa buhay ko.. sila ang gumagawa?" bulong ko sa hangin.
Kanina, parang nilunod ako ng mga salita nila—engagement, negosyo, legacy. Parang wala akong pangalan, wala akong sariling boses. Just a pawn in their perfect world.
Pinikit ko ang mga mata ko, pilit hinahanap yung lakas na wala naman akong makita. Ang sakit isipin na sa isang iglap, kinulong na nila ang future ko sa kamay ng taong hindi ko man lang kilala. At mas masakit, habang nakaupo ako doon kanina, nakikita kong ibang babae ang tinitingnan ni Andrie, ibang pangalan ang binabanggit sa tabi niya.
I tried so hard to smile, to pretend na okay lang...pero ang totoo, I was breaking. Every word na binibitawan nila, parang pako na ipinupukpok sa dibdib ko.
Napakuyom ako ng kamao. mas mahigpit pa kaysa kanina. "I can't breathe," bulong ko, halos pabulong na dasal.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na hindi ako laruan. Hindi ako negosyo. Hindi ako dapat ikulong sa relasyon na hindi ko pinili. Pero bakit ang hirap? Bakit parang wala akong karapatang magsalita?
Lumanghap ako ng hangin, pilit kinakalma ang sarili. Pero sa bawat paghinga, ramdam ko yung gapos na hindi mawala-wala.
For the first time, I admitted it to myself. I'm tired of being the perfect daughter. Tired of always following. Tired of holding everything inside.
At habang dumadaloy ang luha sa pisngi ko isang tanong ang paulit-ulit na kumakagat sa isip ko. Hanggang kailan ko pa kakayanin ito?
Malakas akong napasinghap nang biglang may brasong pumalupot sa bewang ko mula sa likod. Para akong kinuryente, my heart started to pound wildly against my chest. Hindi ko kailangan lumingon para makilala siya.
The scent, subtle na amoy ng fresh linen mixed with a faint trace of sandalwood and mint, ito lang ang amoy na kahit nakapikit ako, hinding-hindi ko malilimutan. Amoy ng lalaking pinipilit kong kalimutan pero paulit-ulit na bumabalik sa mundo ko.
For a second, gusto kong bumigay. Gusto kong hayaan ang sarili kong sandigan siya, ramdamin ang init ng katawan niya sa likod ko. Pero mabilis din akong kumalas, halos itulak ko siya para makalayo sa kanya.
"Andrie," mahina kong sambit pero may diin, iwas ang mga mata. "Anong ginagawa mo dito? Dapat nasa baba ka... kasama si Camilla. Hindi mo siya dapat iniwan."
Pero umiling siya, dahan-dahan, parang pinaparamdam na buo ang desisyon niya.
"I didn't want to be with her," mahina pero malinaw ang boses niya, may bigat na parang tinatadtad ang puso ko. "Ikaw ang gusto kong makasama, Amelia. Not Camilla. Ikaw ang kailangan ko...baka ikaw rin ang mas kailangan ng kausap after what happened kanina." Puno ng concern ang tinig nito.
Parang kinuyom ang dibdib ko. Pilit kong itinuwid ang tindig ko, pilit na pinapatag ang boses.
"Andrie, please... don't." Napalunok ako, halos hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang sarili ko. Hindi ako pwedeng makinig sa kanya. Hindi ako pwedeng maniwala. Baka... matukso ako. At kapag nangyari 'yon, sino ang masasaktan? Ako. Kami. Ang Daddy ko. At lalo na ang Mommy Glecel niya na ayaw sa akin.
Napatitig siya sa akin, nakakunot ang noo, parang gusto niyang sabihin na mali ako pero hindi niya magawa.
Ramdam kong nanginginig ang labi ko habang idinagdag ko, "Magkapatid tayo sa mata ng batas, Andrie. That's the truth. That's the only thing that matters. Kahit anong nararamdaman ko, kahit anong nararamdaman mo, it doesn't change the fact na bawal tayo."
Nakatitig lang siya sa akin, hindi kumikibo. Ang mga mata niya puno ng apoy na hindi ko alam kung galit o pagmamahal. At doon lalo akong kinain ng takot at sakit.
"Please," dagdag ko, halos pabulong na lang. "Huwag mo nang pahirin ang hangganan na pilit kong pinoprotektahan."
Tumalikod na ako sa kanya. Lumayo, kahit bawat hakbang ko pakiramdam ko hinihila ng puso ko pabalik sa kanya.
"Amelia..." tawag niya sa akin, mababa ang tono pero diretso. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? I'm here to comfort you. Like what I used to do, mula pa 'nung mga bata tayo. Sanay na ako na niyayakap kita kapag malungkot ka."
Parang biglang may malamig na hangin na dumampi sa katawan ko. Napahinto ako, hindi ko naituloy ang hakbang ko. His words hit me straight in the chest, hindi lambing, kundi parang sampal na gumising sa akin.
So, para sa kanya, comfort lang lahat ng 'yon? Para bang wala itong ibang ibig sabihin kundi habit?
Napakurap ako nang sunod-sunod, pilit nilulunok ang tila humarang sa lalamunan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko kanina, akala ko pareho kami ng nararamdaman, pero sa isang iglap, naglahong parang bula ang buong akala ko.
"Comfort," ulit ko, halos parang nag-aagree. Tumango pa ako, pilit na kalmado ang boses. "Yeah, right. You've always been like that. Ikaw talaga, you never change."
Kahit ramdam kong nanlalamig ang kamay ko, pinilit kong maging steady ang tono. Ayokong makita niya kung gaano kasakit pakinggan na para sa kanya, habit lang lahat ng yakap na iyon.
Nag-angat ako ng tingin, diretso sa kanya pero may ngiti sa labi. "Thank you, Andrie. For being that friend who never fails to comfort me."
At bago pa niya mahalata ang nanginginig kong labi, ibinaling ko agad ang katawan ko at naglakad palayo. Inside, I was breaking into pieces, pero sa labas, parang walang nangyari.