Back in my arms (de nuevo en mis brazos) [rafi pov] Chapter thirty three All white... Yan ang unang napansin ko sa paligid ko.. Pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko.. Nasaan ako? Anong nangyari? Bits and bits to pieces.. Naaalala ko ang lahat.. Mula sa pagdukot sa akin ni aris, sa papipilit niya ng sarili niya sa akin... Muntikan na niya akong... Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng takot... Galit at pagkasuklam sa lalaking iyon.. Napahawak ako sa pipis kong tiyan.. God!! My baby.. Bago ako mawalan ng malay... May dugo sa magkabila kong binti.. Nanginginig ang mga kamay ko na hinaplos haplos yun... I closed my eyes tightly... Sana nanaginip lang ako.. Sana hindi totoo yung nangyari ... Yung naalala ko.. Naramdaman ko na lang ang pagbabagsakan ng mga luha ko sa mga mata ko..

