"This isn't going to stop till you surrender your Empire to me. But if you don't, I will be forced to kill the both of you." "Until my very last breath." Sambit ko atsaka siya sinugod. Nakita ko ang pagngisi niya bago sanggain ang aking pagtira. Nakita ko naman kung paano maputulan ng ulo ang Emperador ng Umeria sa kamay ng kakampi kong Emperador. Tinira ko ulit siya at kasabay ko na non ang kasama kong Emperador. Ngumisi ulit ang kalaban bago hawakan ng dalawang kamay ang kaniyang espada. Nagsasabay minsan at sunod-sunod ang naging pagtira namin ng kasama ko pero magaling ang kalaban kaya niya ito nasasangga. Nakakabawi pa rin siya sa mga sugat na binibigay namin sakaniya kahit dalawa na kaming magkasama upang labanan siya. "This is quite unfair." Sabi niya habang kami ay magkalay

