"Buhayin mo siya. Or your friend will die." "No. I can't. Wala akong kakayahan magpabuhay ng isang patay." Rinig kong wika ni Amara habang umiiyak. Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit ng aking batok. Pagkakita ko saaking sarili ay nakatali ako sa isang makapal na poste na nakatayo sa gitna ng lupa. Ang lupang kinalalagyan ko'y hugis bilog na nasa gitna ng hindi ko mawaring lugar sa ibaba. Nakahiwalay ako sa lupang kinatatayuan ng mga kalaban. Sobrang layo nila saakin na kahit kakayahan ng bampira ay hindi ito kayang matalon. "Sino ang may kakayahan?" Madiing tanong ng babaeng may mga pintura sa mukha at mga simbolong nakasulat sakaniyang katawan. Napatingin ako sa parang higaan na kung saan ang lalaking pamilyar saakin ay nakahiga. Natatakpan siya ng ibang mga kalaban kaya hindi k

