CHAPTER 29: WENDY PRIME “ELIXIR at Samuel, ibaba ninyo ang mga hawak ninyong espada. Ngayon din.” Lumiwanag ang buong kapaligiran na parang nagkaroon bigla ng extra na bilang ng mga pailaw na puti mula sa kung saan, sakto rin na nagkaroon na ng malay ang siyam na babaeng biktima ng matandang babae na salarin saka isa- isang nagtayuan. Namilog ang mga mata ko nang makitang dumating si Veronica, Master at Armando. Prenteng naglakad palapit sa ‘min si Veronica, lalo na sa gawi ni Elixir at Samuel, suot ang mahaba at flowy nitong bestida na hanggang talampakan. Kalmante at dahan- dahang kinuha ang mga espadang hawak ng magkapatid saka sunod na pinuntahan si Daro para padaanin ang kanang palad sa harap ng mukha ng huli. Mukhang ginamitan niya ng kakaibang mahika si Daro dahil wala pang i

