“Insan!” malakas na tawag ni Kaeley kay Faye pagkakita niya rito. Pero dahil naglalakad si Faye habang parang wala sa sarili ay hindi ito kumibo na parang hindi narinig ang pagtawag sa kanya ni Kaeley. Instead, she was walking in a daze with that serious face of hers. Knowing that Faye is not on her usual self, Kaeley and Kaevyn looked at each other. Parehong nagtatanong ang mga tingin sa isa’t isa, pero pareho rin nilang hindi alam ang sagot. Sa huli ay nilapitan na lang nilang dalawa si Faye na balak pa yata ang lumagpas mula sa kanila. “Hoy, Insan!” malakas na tawag ni Kaeley at may kalakasan pang tinapik sa balikat si Faye. Dahil doon ay tuluyan na ngang nabalik si Faye sa wisyo. Gulat siyang napatingin kina Kaeley na nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya. “Oh, Kae, Ley. G

