HER: Earning Some Haters

1840 Words
"What? Itigil niyo na nga 'yan, nakakairita na," Faye rebuked her two cousins coldly. Hindi man kasi na nangungulit at nagtatanong ang mga ito, pero 'yung walang katapusan nitong pagtingin sa kanya na may halong pagdududa na para bang gumawa siya ng isang masamang bagay ay talagang umuubos nang pasensya niya. "I'm sorry, Insan. It was just, nagtataka lang kami at curious sa kung ano mang naging deal nin'yo para mapapayag ka na magtagalog ni Kirth. And same with Kirth who is willing to make a deal with you," nakakamot sa sintido niyang tanong ni Kaeley. Pasimple namang napaiwas nang tingin si Faye sa dalawang pinsan na nakatingin pa rin sa kanya, pretending that she's bored drinking her shake. Nasa maingay kasi silang canteen ngayon. It was in the middle of their break. Silang tatlo lang din ang magkakasama dahil may mga klase pa ang ibang kaibigan. "Just give this to me Insan. 'Wag niyo nang alamin okay? And please lang Kaeley, Kaevyn, baka pwedeng 'wag niyo na ring masabi kina Mom ang tungkol dito? Mga taksil," she angrily spat to the two. Gulat na napatingin naman sa kanya ang mga pinsan kaya napangisi sa isip na hinarap niya ang mga ito. She could finally remove the two's curiosity about Kirth and their deal at the same time, makakausap niya rin ang dalawa tungkol sa pagiging spy ng mga ito nang mga magulang. "Hala, pa'no mo nalaman?!" gulat na tanong ni Kaeley sa kanya. Tinignan naman ni Faye and pinsan na para bang sinasabi niya na hindi pa ba obvious. Naiiling na kun'yare ay inirapan na lang niya ang pinsan. Wala talagang katalent-talent sa pagsisinungaling at pag-arte ang pinsan niyang si Kaeley. "It was Mom, of course. Nadulas siya kanina at nasabi agad kung sino ang spy niya," nakairap na sagot niya pa. Napanguso naman na napaiwas sa kanya nang tingin si Kaeley samantalang napaiwas din nang tingin sa kanya ang pinsan na si Kaevyn habang nagkakamot ito ng batok. "Sorry na, Insan Lunes. Nag-aalala lang naman kasi si Tita sa'yo kaya pumayag kami. Don't worry, we won't tell her anymore!" promised ni Kaeley na halata ang pagkakaguilty sa mukha. Napatango naman si Kaevyn sa kanya na sinisegundahan ang sinabi ng kambal. Napabuntonghininga na lang si Faye at napatingin sa dalawa. "I know. At naiintindihan ko naman. Ang akin lang ay sana naman 'wag lahat ang i-report niyo sa kanila," nasabi na lang niya. She doesn't want them to stop telling her parents about her since she knows it could help her and her parents get to know each other. And so there won't be a boundary between her and her parents like they had before. Ayaw niya lang malaman ng mga magulang ang kalokohang gagawin niya. She was sure they would be mad at her and reprimand her, causing her revenge to be stopped. "Oh, so ano lang ang sasabihin namin kay Tita?" Kaevyn asked. "Just tell her about my days in school but never tell her about my activities na alam niyong hindi nila magugustuhan okay?" sagot naman agad niya. "Copy!" mabilis na sagot naman sa kanya ng dalawa. Napangiting napatango naman siya sa masunurin niyang mga pinsan. She sipped on her drink while giving her cousins a thumbs up. Her little problem is now solved. "Pero seryoso Insan, curious lang talaga ako about sa deal na me'ron kayo. Knowing you, may kalokohan ka na naman atang binabalak eh," Kaeley suddenly inquired while also sipping on her drink shake. Napaangat ang tingin niya sa pinsan. Hindi agad siya sumagot at nag-isip kung ano ang sasabihin. Or kung sasabihin niya ba o hindi. And when she was decided, umayos siya nang pagkakaupo, leaning closer to her cousins, who subconsciously lean towards her too. "Basta 'wag niyong sasabihin kina Mom 'n' Dad," mahinang sabi niya na mabilis tinanguan ng mga pinsan. "Good. Then I will tell you," she added with a smile and then leaning back in her seat. Before telling them, she sipped again on her drink as she thought about what to tell them first. Then, with an innocent look, she told her cousins, "Gan'to kasi 'yan mga Insan, I was just curious and bored. I decided to play some games with them. Kagaya ng pantitrip ko kay Saeji, I planned on playing tricks with all of them. Mukha kasi silang mabilis mapikon and I want to see those reactions," pagpapaliwanag niya sa dalawa. "Ehh?!" magkasabay na react ng kambal. Napatango pa siya nang manatili lang sa kanya ang tingin ng dalawa. "Yep, sa ngayon 'yan na lang muna ang paniwalaan niyo. I'll tell the exact details kapag nasimulan ko na ang laro ko," smiling back to her cousins, she slowly sipped the remaining cola on her drink. Nagkatinginan naman ang magkapatid bago sabay na napatingin sa kanya pabalik. Then once again, sabay na napailing na lang dahil nakaisip na naman ng kalokohan ang pinsan. At talagang napili pang gawing kalaro ng pinsan ay ang grupong iyon. KANINA PA nakatingin at nag-aabang si Faye sa orasan ng cellphone niya. Bawat minutong lilipas ay titignan niya ang orasan na parang may inaabangan. Nasa loob siya ngayon ng isa sa mga public comfort room ng campus, nagpapalipas ng oras. Mag-isa lang siya dahil pina-una na niya ang mga pinsan sa kadahilanang kailangan na muna niyang mag-CR. Ikalawang linggo na niya iyon sa campus at sa unang linggong lumipas ay naging matiwasay naman ang naging mga araw niya. Maaaring iba iyon sa dapat sana'y magiging unang linggo niya batay nga sa naaalala niya sa nakaraan kung saan naging sikat agad siya sa buong campus dahil sa itsura niya. Well, she is still famous now, but for different reasons. She was famous because of her different personality, which, it was said, had caught the attention of the campus heartthrobs as soon as they saw her. At 'yung dapat na haters niya na lalabas lang, two weeks after her first day, hindi pa man tapos ang first day niya ay nagkaroon agad siya ng mga haters. And now that a rumor about her flirting with the famous Daven Kirth, halos lahat ng naaalala niyang may galit at selos sa kanya noong maging sila ni Kirth ay agad na nagsilabasan. Anyway, as if she would care about the haters. Ang gusto lang ngayon ni Faye ay ang magawa ang mga plano niya and all is well. Kaya naman ngayon nga ay naghihintay siya sa tamang oras at tyempo bago lumabas ng comfort room na kinatatayuan niya ngayon. Based on what she remembers of what was supposed to happen next, this should be the most important day for her and for everyone, dahil ngayon dapat mangyayari ang supposed to be first meeting nila ni Kirth and his gang. Maaaring mag-iba iyon kumpara sa dati dahil nga sa pagbabago ng mga pangyayari sa mga nagdaang araw pero gusto pa ring subukan ni Faye, kung ang mga ganitong importanteng pangyayari ba ay maaaring maulit. Kaya naman nag-isip talaga siya ng magandang palusot kanina para lang makahiwalay siya sa mga pinsan. "Are you the new student?" a slightly high-pitched voice echoed in the whole comfort room. Doon lang napansin ni Faye ang pagpasok ng tatlong babae sa kaninang tahimik na comfort room. Speaking of haters, here and a bunch of unhuman idiots are now facing Faye. Kung minamalas ka nga naman, she was just thinking about how she suddenly earned her supposed-to-be haters that would come after this week, and here they are already, showing their pathetic selves in front of her. Mukhang sa isang linggong pagkakaroon niya agad ng mga haters ay nagkaroon na rin nang lakas ng loob ang mga ito na harapin siya at komprontahin. Maliban kasi sa babaeng napahiya niya lang naman noong first day ay wala nang naglakas ng loob pa na tarayan siya. Maliban sa masasamang tingin ng mga ito na ipinupukol sa kanya at harap-harapang pagbubulungan patungkol sa kanya ay wala ni isang naglakas-loob kausapin siya. And so far, these three pathetic girls will be her second. "Which new student? You know, there are a few of us here in school," inosenteng tanong ni Faye, looking like a harmless animal in front of these b*tches. The three girls overly gasped and clicked their tongues, showing displeasure with Faye on their faces. "H'wag kang sarcastic, girl. Obviously, we are talking about the b*tch newbie here, who leech immediately with our princes as soon as she laid her eyes on them. Isn't that you?" mataray na tanong ng babae sa left side ng nasa gitnang babae. "Am I?" pag-uulit naman na tanong ni Faye, habang nakaturo pa sa sarili with that dumbfounded face she could easily display and muster. "You—" sabay-sabay na saad ng tatlo at inis na sinamaan siya ng tingin. Looking at the angered faces of the three girls, Faye finally released her true self. Smirking at the three, she walks towards them as the three girls unconsciously take a step backwards, shocked by her sudden change of expression. "Lousy b*tches. Weaklings. Unimportant cannon fodder," she harshly spat at the three, who shrank their necks in fear. With a little space from them, she stopped and looked at them coldly. "If you think I would act afraid and weak infront of you, the same that you are doing right now, then dream on for I am not weak and only for display type of a girl. Katulad nin'yo, gets?" Faye said, smiling but with a warning tone in her voice. Pleased by their afraid faces, Faye snorted before taking a step backward from the three. She was about to leave but then she remembered something so she turns back to them again. "And to clarify something, I didn't seduce or flirt with anyone, yet okay? It was them who got so curious about me without me doing anything yet, to get their attention, so do not blame me for it. Blame your prince charming. Tsaka niyo na ako sisihin kapag nagsimula na akong akitin sila ng isa-isa, like literal. Okay?" Faye said and then, with a sweet angelic smile, she turned her back and walked out. Bago tuluyang makalabas ng comfort room, muli niyang nilingon at tatlo na napatalon pa ng muli siyang lumingon at pinagtaasan ang mga ito ng kilay bago tuluyang naglakad papalabas. Habang naglalakad sa isang pathway papuntang garden ay napatingin ulit siya sa orasan ng selpon. "There, it's time," Faye muttered excitedly when she saw the clock hit the time she was waiting for. So, with her prepared look, she looks at herself in her reflection on the phone and then walks to the familiar road where she was supposed to find her cousins and Kirth and his company, arguing. Walking aimlessly like a little cat, she finally gets to the place where the scene should be enacted. Smirking inside her mind, she walks towards the people with a frown. Seeing the complete characters for today's important play, she became more excited. Then let the lights, camera and . . . ACTION! to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD