00000027 Leaving on a jetplane Hulaan niyo kung sino yung kanina pari't parito sa harapan ko? Si Zico. Dahil pinoproblema niya yung isang truck nila na tumumba sa highway kaninang tanghali. "Zico... accidents happen. Hindi naman siguro sadya yun." "No, baby. Hindi pwede yun. Talagang hindi nag-iingat yung driver nun." Nakakunot lang yung noo niya habang pabalik-balik sya from one end of the living room to the other. "Narinig mo naman diba? Nasa hospital yung driver and yung dalawa pa nyang kasama. And besides, bumabagyo! Madulas yung daan," tumayo ako kahit na feeling ko babagsak ako paharap sa bigat ng tyan ko. Hinarang ko sya para matigilan sya sa paglakad. Umangat yung tingin nya sa akin kaya hinawakan ko yung magkabilang braso niya. "Tapos ang laki pa nung truck na dala nila.

