00000022 It's all in the head Nagising akong naririnig yung ingay ng mga taong nasa paligid ko. Idinilat ko yung mata ko pero agad ko itong naipikit dahil sa liwanag ng kwarto. Iniangat ko yung kanang kamay ko para unti-unti uling dumilat. Nakita ko sa harap ko si Mommy at Daddy kausap si Zico. Inilibot ko yung mata ko sa kwarto at nakita kong nasa hospital ako. Si Zico ang unang nakapansin sa akin kaya madali syang nagpunta sa tabi ko. “May masakit ba sayo?” hinalikan nya yung labi ko at pati buong mukha ko. “Anong ginagawa ko dito?” garalgal kong tanong sa kanya. Masakit yung lalamunan ko, ilang oras na ba akong tulog? Iniupo ako ni Zico saka sya kumuha ng tubig sa isang table. “Nawalan ka ng malay kanina sa resort. Akala ko ba okay ka lang?” Napatingin ako sa bintana ng kwarto a

