40. Phoenix and Raven

1119 Words

Wala akong imik na pumunta sa field. Para bang hindi ko naririnig ang mga tunog sa stadium. Doon ko na lang napagtanto na mula nang makita ko kung sino ang makalaban ko ay kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko. Nang makarating sa field ay bumungad sa akin ang makakalaban ko na naunang makapunta rito kesa sa akin. "Let's have a fair fight." Walang kaemo-emosyong sambit nito. Hindi ko ito sinagot bagkus ay napalunok na lamang ako ng malalim. Umalingawngaw ang pito ng announcer at hinanda ko na agad ang sarili ko. Agad kong ginamit ang gift ko at pumwesto ako ng pang depensa. Tila naghahanda pa lamang ako ay natigilan ako nang makitang wala na sa harapan ko si Zail.  Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa field upang hanapin ito pero hindi ko pa naiikot ang tingin ko ay parang bumagal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD