Unti-unting nawarak ang palakol ni Varis na hindi rin nito inaasahan. Tila bumaliktad ang takbo ng laban. Ngayong napagtanto na ni Law ang kahinaan ng kalaban ay wala na sa kaniyang epekto ang gift nito. Madali niya itong na-cancel at nawalan na ng pag-asa ang kalaban. Kasabay ng nangyari ay ang pagkawala ng tinik sa lalamunan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nagawang lusutan ni Law ang laban na ito. Matapos magamit ulit ni Law ang gift niya ay hindi rin nagtagal ang laban. Matapos ba naman ipakita ni Law ang kakayahan niya ay kusang sumuko na ang myembro ng Spiders. Wala siyang laban sa partner ko. What do they expect? Law is a heir of Cronus. He's on the same league of Helena. Walang makakatalo sa kanya. Nang inannounce ng announcer ang winner ay hindi rin nagtagal ay bumalik rin s

