Napaismid na lamang ang mga kasama ko sa nangyari kay Zeldrick. Pinairal nanaman nito ang kayabangan niya at tuluyan na itong napalibutan ng mga ugat. "f*****g asshole." Iritadong sambit ni Lemon. Tila nawalan na kami ng pag-asa nang hindi na ito makagalaw sa gitna ng field. Bakit pa kasi nakipaghintayan pa siya?! "Looks like there's already someone who'll clean the Guild." Bulong ni Elroy. Napasinghap na lamang ako nang nagsimula ng maglakad ang kalaban ni Zeldrick papalapit sa kanya upang kunin ang bell niya. Mukhang masyado akong nagtiwala kay Zeldrick. I overestimated him. Kahit sa laban ay sadyang kupal- "Winner! Zeldrick from the Grim Reapers!" Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ng announcer. Agad napunta ang tingin ko sa field at hindi ko mapigilang mapangan

