Pare-pareho kaming napanganga nang casual na binati ni Gin ang taga deity. Not to mention na si King pa ang binati niya. "Wah! Gin!" Mas lalo kaming nabigla nang sinalubong ni Aqua ng yakap si Gin. Walang makareact sa amin at lahat kami ay natulala. "Woah, long time no see, Gin." Sagot ni King dito. Akala ko nung una ay nabingi lang ako sa sinabi ni Gin. Pero mukha ngang magkakilala sila ni King. Hindi lang ako ang nabigla sa pagsagot ni King dito kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. W-What the heck? Mas matagal nilang kasama si Gin tapos hindi rin nila alam?! "W-Woah, Zail. You're back." Nabigla si Gin nang makita ang isa pang kasama nina Aqua. Ang lalaking tumulong sa amin. So that means ay magkakakilala nga sila. M-May kinalaman kaya yun sa pagtulong niya sa amin? "Kumpleto

