Matapos kaming kausapin ni Helena ay hindi rin ito nagtagal at umalis din ito kaagad sa guild. "Yosh! You heard the Principal. The event is on the day after tomorrow. Magpahinga na muna kayo." Sambit ni Gin sa amin. Kani-kaniyang buhay ang mga kasama ko. Lumabas kaagad si Lemon kasama si Chelsea para siguro kumain, sina Law at Zeldrick ay pumunta sa kung saan, si August ay pumunta sa isa sa mga kwarto ng Guild at si Elroy naman ay nagpatuloy lamang sa paglalaro. Hindi rin ako nagtagal sa Guild at lumabas din ako. Pumunta ako sa likod nito kung saan may malawak na lupain. There is an event coming. Kahit na galing ako sa misyon ay hindi sapat na dahilan yon para hindi mag-ensayo. At isa pa, I'm completely useless during my first mission. Napapaismid na lamang ako sa sarili ko kapag naa

