6. The New Student

1271 Words
Nasa amin ang lahat ng atensyon ng mga estudyante. Lahat sila ay hinintay ang mga susunod na mangyayari na para bang nanonood lang ng palabas. Hindi ako nagpatinag sa sinabi ng lalaking kaharap ko at taas noo akong humarap dito. "Its perfect for me then." Sagot ko.  Mas lalong bumakas ang pagkairita sa mukha ng lalaking kaharap ko. "Hindi ka ata nakakaintindi eh. Sige ipapaintindi ko sayo." Naging alerto ako sa sinabi nito. His eyes turned grey. W-wait. Its not grey! His f*****g eyes turned metal! "Sabi ko kasi sayo umuwi ka na."  Bigla na lamang nag silutangan ang lahat na bagay na metal. Pens, railings, and even blades! A-Anong klaseng gift yon? "Siguro kaylangan ko munang ipakita sayo kung anong klaseng eskwelahan to." Napalunok ako nang malalim. Hinanda ko na ang sarili ko para sa atake nito. I won't die here! Nang nagsimula ng lumipad papunta sa akin ang mga pinalutang niya ay bigla na lamang may babaeng sumulpot sa harapan ko.  A girl with a chestnut hair. Ang mga bagay na lumipad papunta sa akin ay bigla na lamang tumilapon sa kabilang dereksyon. Unti-unting napaawang ang bibig ko. She repelled it! "What the f**k are you doing August?!" Sambit ng lalaking kaharap namin. "Stop it Zel. She's principal Helena's guest." Sagot ng babae.  Natigilan ang lalaking kaharap namin sa sinabi nito. Kahit ako rin ay nabigla. Helena knew I'm here. "What the heck-" Hindi pinansin ng babaeng nangangalang August ang lalaking nasa harap namin at tinalikuran niya ito.  Nang humarap siya sa akin ay mas lalo kong nakita ang mukha niya. Her eyes were white. Pero bumalik din ito kaagad sa pagiging brown. She has a two piercing in her inner lobe. "Follow me." Sambit nito.  Hindi ako nagkaroon ng chansang magsalita nang nauna siyang maglakad sa akin. Wala akong nagawa kundi sundan ito. Naiwang tulala ang mga estudyante na nanonood sa amin sa biglaang pagdating ni August. Sino ba siya? Naunang naglakad si August habang nakasunod ako. Tahimik lamang ito hanggang makapasok kami sa loob ng kastilyo.  "I know why you're here. Sinabi sa akin ni principal Helena." Pangunguna ni August.  Natigilan ako sa sinabi nito. S-Sinabi sa kaniya ni Helena? Kung ganon- "She said that you saved her life on her way here. Bilang pasasalamat ay pinapasok ka niya sa eskwelahan na to." Dagdag niya.  My eyes slowely widened and ny mouth fell open. Sinabi iyon ni Helena? What is she planning? Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Ito na ang chansa niyang patayin ako. "A-Ah, sinabi niya na pala sayo-" "As if I'll believe that crap." Natigilan ako sa paghakbang. Natahimik ako sa biglaang sagot nito. F-f**k.  Nagsisimula nakong pagpawisan dahil sa kaba. Tutal malalaki naman ang bintana rito, kung hindi umayon ang lahat sa plano ay lilipad na lang ako papalayo. "Principal Helena is not that kind of person who gets help from others." Walang kaemo emosyong sambit ni August.  "Pero hindi ko alam kung bakit niya kaylangang magsinungaling sa akin." Dagdag niya.  Naalerto ako nang humarap ito sa akin. She looked at me with her cold eyes. "But I trust her. Hindi ko alam kung sino ka at bakit ka nandito. Pero dahil sa kagustuhan niya ay hindi ko na yon aalamin pa." "But let me tell you. All of us here might be a heartless killers, but all of us think highly and respect Principal Helena. Mess with her and we'll not think twice to kill you." Pagtapos niya sabihin yon ay muli niya kong tinalikuran at nagsimula ulit siyang maglakad. Habang naiwan akong tulala sa mga sinabi niya. Tumagal rin ng ilang segundo bago ako matauhan at sundan siya. Crap. Iba ung naramdadaman ko sa sinabi niya. Ano bang maganda run kay Helena? Ganito ba nirerespeto ng mga estudyante ang principal nila?  Tsk. I guess I can't take the queen's head that easily. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang huminto si August sa tapat ng isang pintuan.  "Pagtyagaan mo muna yan sa ngayon. Tutal naman bihira mo lang din yan magagamit." Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto. "You still haven't summoned your familar yet, right? Hm, the classes for rookies were already over. Kaya pag-aralan mo na lang ang pagsummon mo sa familiar mo kapag nakasali ka na sa guild." Sambit ni August.  Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.  "Ano ba ang mga guild na pagpipilian ko?" Marahang tanong ko. Tinignan ako nito na para bang may sinabi akong mali. Kasunod nun ay ang pagkurba ng labi niya. "Oh, we don't pick guilds here." Sambit nito. Sinimulan nakong talikuran ni August at nagsimula na itong maglakad papalayo. "The guild picks us." Pahabol niya. Tuluyan ng nawala sa paningin ko si August.  Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya au napagpasyahan ko ring pumasok sa loob ng kwarto. Isang maliit na kama at aparador lamang ang laman nito. Katabi ng kama ay isang bintana na tanaw na tanaw ang kabuoan ng Academy. So rito muna ako sa ngayon huh?  Kaylangan ko ng lumakas kaagad at magawa ang trabaho ko. Mas mabilis ko itong matapos ay mas mabilis kong maiaalis sina Liev sa lugar na yon. Napahawak ako bigla sa tyan ko nang marinig kong tumunog ito. Wala pa pala akong kinakain mula kagabi.  Paano ba naman kasi ako magkakaroon ng gana sa mga nangyayari ngayon? "Gusto mo kumain?" Tumaas ang lahat ng balahibo ko nang may marinig akong nagsalita sa kwarto. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto pero tanging ako lamang ang nasa silid. G-Guni-guni ko lang ba yun?  "Dito." Muli akong kinilabutan nang may nagsalita nanaman. Pero kahit saan ako tumingin ay wala talagang tao rito maliban sa akin. "Hays, dito sa baba." Natauhan na lamang ako sa sinabi nito. Tumingin ako sa baba at bumungad sa akin ang isang puting pusa. "Bonjour!" Sambit ng pusa.  Napaatras ako ng nagsalita ito. U-Ung pusa!  "Eh, you also have powers yourself. Bakit ganyan ang reaksyon mo sa akin?" Giit nito.  Natigilan ako sa sinabi niya. I-Isa siyang gifted?  "I-Isa kang takeover type na gifted?" Marahang tanong ko. Baka katulad ko rin siya na takeover ang gift.  Umiling ito sa akin at tumalon sa kama ko.  "Nope! I'm Lemon Kievah Charlotte, and I inherited, Artemis' Goddess of haunt's gift!" Masiglang sambit nito sa akin. "I can control any animals that I touched! I can control their senses, body and I can even make them speak!" Dagdag nito. Napahanga ako sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na marami pa lang maangas at malakas na gift.  Mula sa nakaharap ko kaninang lalaki, kay August at sa babaeng nagsasalita ngayon na nangangalang Lemon.  Ibang-iba sila sa mga gifted na nakaharap ko, pati na rin sa mga gift ng mga bata sa Base. Maikukumpara ko ang mga gift nila sa mga one digit codes. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halong takot, kaba, at excitement.  Hindi ko mapigilang kabahan lalo na't sila ang makakalaban ko sa oras na piliin kong tapusin si Helena. At the same time, hindi ko mapigilang ma-excite. Lumalabas lamang ako sa Base para sa trabaho at bihira lamang ako maka harap ng isang gifted. All this time, ang nasa isip ko lang ay sobrang lakas na namin. Kaming mga one digit codes. Pero nung nakaharap ko sila, natauhan ako na hindi ganon kaespesyal ang gift ko rito. At kahit na sabihing nasisiraan nako, gusto ko pang makita ang iba. Kahit na alam ko na darating ang araw na kakalabanin ko rin sila, I want to know their powers. Gusto kong makita kung ano ba ang totoong kakayahan ng isang gifted galing sa academy. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD