G-Grim reapers? Kasunod ng ilang segundong katahimikan ay napuno ang paligid ng kumento ng mga estudyante. "G-Grim reapers?! Seryoso?!" "S-So, ibig sabihin isa siya sa mga elite gifteds?!" "No way! Yang babaeng yan?!" "Answerte naman niya! Kasama niya sina Miss August!" Katulad nila ay hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko ba ay kulay lang ang magbabago sa lawa? Bakit naging dugo ang tubig nito? "Oh? A new member huh?" Halos mabingi ako sa biglaang pagtili ng mga babaeng estudyante. Lahat ng atensyon nila ay napunta sa lalaking bagong dating. A guy with a grey hair and dark brown eyes. He looks elegant in his blue shirt and denim jeans. "Gin! Kelan ka pa nakabalik?" Sambit ni Helena sa lalaki. "Kakabalik ko lang po galing sa misyon." Sagot nito. Napunta ang tingin sa

