EPISODE 46 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. KASAL pa rin kami ni Caden. Iyon ang sinabi niya sa akin noong nakaraang araw. Nang sabihin niya iyon sa akin, hindi kaagad ako nakasagot at natameme ako. Siya na lang ang gumawa ng paraan upang hindi maging awkward ang paligid. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mawala sa aking isipan kaya pinapunta ko ang aking abogado na nag asikaso noon sa aking annulment papers sa kasal namin ni Caden. Gusto kong malaman kung may alam ba siya sa sinabi ni Caden, kung kasabwat din ba siya ng lalaking ‘yun. Imposible na wala siyang alam na peke ang papeles na binigay niya sa akin dahil isa siyang magaling na abogado sa pamilya namin. “May kinalaman ka ba tungkol sa pag peke sa annulment namin ni Caden, Mr. Cruz?” tanong ko sa kanya. Pinabantay ko mun

