EPISODE 68 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “AYAW mo na ba talagang mag modelo ulit, Ate Nica? Ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagpapatuloy sa aking modeling career. Hinihintay na ng lahat ang pagbabalik mo, Ate Nica.” Natigil ako sa aking ginagawang crochet at napatingin ako sa aking kapatid na si Sabel. Dumalaw siya ngayon sa bahay dahil may importante raw siyang sasabihin sa akin at nakakasiguro ako na ito ang kanyang nais na pag-usapan naming magkapatid. Inilapag ko muna sa may lamesa ang kasalukuyan kong ginagawa na crochet at humarap ako sa aking kapatid at tinignan ko siya ng seryoso. Minsan ay naisip ko na rin na bumalik sa ako sa pag momodelo. Suportado naman sa akin si Caden at gustong-gusto na niya na rin talaga akong bumalik sa mga dati kong pinagkakaabalahan noon. Pero a

