EPISODE 60 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW, “HINDI ako makakauwi ngayong gabi, love. May kailangan akong tapusin sa office ko na trabaho. Pangako, uuwi ako ng maaga bukas. Mag ingat kayong dalawa ni Owen dyan sa bahay.” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na hindi umuwi si Caden sa bahay namin. Makalipas ang dalawang linggo pagkabalik namin sa aming bakasyon sa Mykonos, Greece ay naging busy na siya sa trabaho niya. Palagi na lang din siyang umaalis at laging may tumatawag sa kanya. Ayokong may duda sa kanya—hindi naman niya ako lolokohin eh. Mahal na mahal ako ni Caden… mahal niya kaming dalawa ni Owen. “Ate Nica, okay ka lang ba?” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Chantal. Dumalaw kasi siya ngayon sa bahay namin. Nalaman ko na hindi ko m

