Chapter 10 - Blood Sun Raue's Point of View Maaga akong gumising para pumunta agad sa Ward Hall. Sana hindi pa gising si Lee. Nasa harapan na ako ng pintuan, akmang bubuksan ko na yung pinto bigla iyong bumukas at nakita ko si Lee. "Ahm.. Doon ako natulog sa dorm ko." Bungad ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. "Hindi ko naman tinatanong." Shoot! Oo nga naman! Nagmumukha tuloy akong defensive. "Oo nga 'no. Hehe, sige gagayak na ko." Pumasok na ako sa loob at nilagpasan siya. Lumabas na din siya. Nakahinga ako nang maluwag. Pero bakit ba kasi ako kinakabahan? Ano namang pakielam ko kung malaman niyang hindi ako dito natulog. Aish! Pumasok na ako sa banyo. Naghubad na ako ng damit ko, nakita ko naman yung sugat ko sa salamin. Siguradong makikita 'to mamaya pagnaka uniform na ko.

