Chapter 16 - Gangs Sun Raue's Point of View Paglabas ko ng sementeryo, tumunog na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit sa bulsa ko. Unknown number yung nagtext pero tiningnan ko pa rin. "Sunny, magkita tayo sa East Bay. It's me Ryo." Oo nga pala, magkikita pa kami nito. Malapit lang naman 'yon dito kaya maglalakad nalang ako, isa pa, hindi ako tinatamad maglakad ngayon dahil gusto ko rin mag isip-isip. Pagdating ko sa East Bay maraming tao ang nandoon. Anong meron dito? Hindi ko nalang pinansin at hinanap si Ryo pero matagal-tagal na rin akong naghahanap pero hindi ko pa siya nakikita. Umupo muna ako sa isang bench nang mapagod ako, nakaramdam na din ako ng gutom, tanghali na din kaya bumili na ko ng meryenda sa isang street vendor. Hindi naman ako maarte sa pagkain, kaya ok

