Chapter 44 - Vipers Luxury's Point of View Saktong pagbagsak ni Lei Elvise sa lupa ay ang muling pagkakagulo sa paligid. May nakita akong Rising Sun na lumapit sa kanya para ialis siya sa gulo. Bat niya pa kasi 'yon ginawa? Nakita kong nagulat din ang Mafia Prince sa nangyari kay Lei Elvise. Tumingin muli ako sa Mafia Queen at wala na sa gilid niya si Papa. Saan niya dinala si Papa? Mas lalo kong naramdaman ang galit ko. Fuck you hard, Mafia Queen! Bukod sa mga naka-itim na maskarang mga Crusadeous ay sumusugod din sa'kin ang mga naka-blue masks. I don't have any idea who they are. Ngayon ko lang sila nakita. Hindi kaya ay kaalyado sila ng Mafia Queen? Nang wala nang mga sumusugod sa'kin ay dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa Mafia Queen. Kita ko sa mga mata ang takot. I smirk

