Chapter 46 - Trap Luxury's Point of View Mabilis ang paghinga ko nang imulat ko ang aking mga mata. Mabilis na dumalo sa'kin yung lalaking nakasuot ng eye patch, na si Geize? Zhieon? Aizer? Err... whatever. "Are you okay?" Bumangon ako bago tumingin sa kanya, hinahabol pa rin ang aking hininga. Tumango ako bilang pagsagot. "You had a bad dream." He said. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang napakahabang panaginip ko. Panaginip na nagbalik sa'kin sa nakaraan. Iyon ang eksaktong nangyari noong Mafia War, five years ago. Yung mga pangyayaring nakalimutan ko noon ay naaalala ko na ngayon. Malinaw na sa'kin ang lahat. Kung sino ang pumatay sa mama ko, kung bakit nawala ang katawan ni papa, at kung sino ba talaga si Aizer. Naramdaman ko ang pagdampi ng daliri ni Zhieon sa pisngi k

