Chapter 8 - To Protect Sun Raue's Point of View "I heard na servant ka ng Mafia Prince." Sabi sakin ni Lee. Nandito ako sa Ward Hall, sa kanya pala itong maliit na bahay. "Sad to say, oo." Sagot ko sa kanya. Nakahiga ako sa sofa habang siya kumakain. "Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin na sya ang Mafia Prince?" Tanong ko. "Ayaw niya pasabi." Maikling sagot niya. Tapos na siyang kumain kaya tumayo na siya at dinala ang pinagkainan niya sa sink. "Bakit naman?" Tanong ko ulit pero nagkibit balikat lang siya. Papasok na sana siya sa kwarto niya pero huminto siya at humarap sakin. "Ang swerte mo nga eh dahil sa dami na gustong maging servant niya ikaw ang pinili niya, mapoprotektahan ka niya. Kaya sana protektahan mo din siya dahil marami ding gustong pumatay sa kanya... Sun Raue." Na

