Chapter 39 - Engaged Lux's Point of View Wala akong ginawa buong araw sa loob ng kwarto ng Mafia Prince kundi titigan siya. Simula nang dumating ako dito ay hindi pa siya nagigising. Kanina pa umalis sina Mr. Marlowe at Lei Elvise dahil may kailangan pa daw silang ayusin. Gusto pa ngang maiwan dito ni Lee dahil baka raw may makakilala sa'kin pero sinabi kong mag-iingat ako at hindi ko tatanggalin ang takip sa mukha ko. Tumayo ako sa sofa at dahan-dahang lumapit sa kanya. I miss him so much. Damn. Please, Zrach, wake up. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. Hindi ko pa rin talaga siya kayang tiisin. Lumayo akong konti sa kama ng Mafia Prince nang may kumatok sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko pa ba o hindi pero nang ilang segundo ay hindi pa pumapasok ang kumatok ay lum

