13

2209 Words
Minulat ko ang aking mata bumungad sa akin si Ashton na mahimbing na natutulog. Mukang pagod na pagod at naka yakap pa ito sakin. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking likuran. Hindi ko na matandaan kung ilang rounds ang ginawa namin, sobrang dami niyang pinutok sa aking pang-upo kagabi inabot kami nang madaling araw dahil sa pinag gaggawa niya. Pinilit kong tumayo at pumunta sa banyo at maligo at mag linis na dahil feeling ko ang panget at ang salaula kona. Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala upang ligpitin ang mga iniwan kalat duon kagabi. Pumunta nadin ako sa kusina upang mag luto ng aming almusal ngayong umaga. Sobrang daming stock ng pag kain sa ref ni Ashton mukang hindi ito nawawalan ng laman, kinuha ko ang bacon, hatdog at nugget kumuha nadin ako ng itlog upang iprito. Matapos kong mag luto ay nag sinangag na din ako ng natirang kanin kagabi kesa masayang lang kaya niluto ko na at makain namin. Nauna na akong kumain kay, Ashton dahil mamatay na ako sa gutom pag hinitay ko pa ito. Mukang nasa kalagitnaan palang ito ng kayang tulog mukang nanaginip pa ito. Ayoko naman gisingin ito at baka sumakit pa ang ulo dahil sa bitin sa tulog, hahayaan ko muna siyang matulog ng mas mahaba at matiwasay. Matapos kong kumain at mahugasan ang pinag kainan ko. Ay naisipang ko naman mag linis ng kanyang penthouse kesa naman tumunga-nga lang ako. Kaya mas mabuti pang linisin ko nalang ito para naman may magawa ako at matulong sa kanya, ayoko naman maging pabigat lang ako dito jusme. Wala naman masyadong lilinisin kasi malinis na mag wawalis na lang ng kaunti kaya sinimulan ko na ito. Kinuha ko ang walis sa may cabinet na puro pang linis at simulan walisin ang lapag, sanay na ako sa mga kanitong gawain kaya maning-mani na lamang ito sa akin. Matapos kong mag walis ay pag pupunas naman ng sahig ang sinunod ko. Pati ang mga estante ay hindi ko pinagpas pati ulitmo mga naka displayed ay kinuskus ko, sinugarado kong walang matitirang alikabok duon. Halos 30 minutes na matapos ko ang buong sala at kusi pati na rin ang cr. Ngayon naman ay sinunod ko ang kwarto na pinasukan niya kahapon upang mag palit ng damit, hindi pa ako nakakapasok sa kwarto na ito dahil hindi kami dito kagabi pumasok dahil magulo daw ito at hindi niya pa nalilinis. Kaya ako nalang ang mag lilinis para pag pasok niya dito ay ma-surprise siya na nalinis kona. Lumaki ang mata ko ng pag pasok ko dito dahil sobrang kalat nga yung mga damit ay nag kalat sa higaan at lapag, pati ang kumot niya ay nasa lapag na may mga papel at kalat din. Akala mo ay budega na ang itsura nito. Halos napa buntong hininga ako tama bang pinasok ko pa ang kwarto na ito, mukang dito ata ako mapapagod. Kinuha ko na nag basket at sinumulan ng mag linis dahil mukang matatagalan ako dito sa kwarto niya. Inamoy ko ang mga damit at pants para malaman kung madumi ba or malinis at inigay ko sa basket ang marurumi at inipon ko sa kama niya ang malinis upang tupiin mamaya matapos kong ipag separate ang malinis at madumi nag walis na ako ng sahig dahil puro dumi na ito. Kahit kasulok sulukan ay winalis ko pato ang ilalim ng kanyang kama upang sigurado kong malinis talaga ito. Sinunod ko naman ang mop para maging maganda at makintab ito tingnan, hindi niya ba nililinis or pinapakinis ang kwarto niya? Baka wala na siyang time para asikasuhin to dahil sobrang busy niya sa trabaho. Naiintindihan ko naman siya sa part nayun. Tinupi ko na ang damit niya at nilagay sa kanyang drawer at sinimulan mag pinas ng mga display sa loob ng kwarto niya yung iba ay makikitaan mo ng alikabok dahil iba na ang kulay nito. Wala naman masyadong naka display sa kanyang kwarto kung hindi libro at kung ano-ano lang pati ultimo lamp side ay pinunasan ko, pati din ang massage chair ay hindi naka ligtas sa akin. Napangiti ako habang nag pupunas ng picture frame na nasa righ side table niya dahil, ang gwapo at cute ni Ashton nung bata pa ito. Ang cute niya pala nung bata pa siya kitang kita sa pictures niya, sana hindi nalang siya lumaki. Kuha ang litrato na ito habang naliligo siya sa swimming pool nasa may hagdan ito at nakaupo habang suot suot ang isang swimming trunks at may life vest at arm floater sa dalawang kamy habang naka peace-sign pa ito. Halatang takot na takot siyang malunod dahil sa sobra niyang gamit na salbabida. Ako nga halos malunod na nung bata ako dahil tumatalon ako sa pool at hihintayin na sapuhin ni papa. Lalo akong napa ngiti dahil sa isa niya pang picture, na naka naka tayo at naka suot ng Spiderman habang hawak niya ang isang Spiderman na laroan habang naka pose niya na ala Spiderman. Kitang kita mo ang saya sa mga mata niya dito, pati ang ngiti niya ay umabot na hanggang tenga kahit bungi pa ang ngipin nito. Matapos kung punasan yun ay lumipat na ako sa kabilang side table upang ito naman ang aking punasan. Inuna ko muna ang minimalist na lampshade niya pati narin ang bible, wala itong masyadong nakapatong dito hindi katulad ng isang table na may mga baby pictures niya dito naman ay wala. Habang nag lalampaso ako ng table ay may nahulog na kung anong papel sa lapag kaya pinulot ko ito at tiningnan kung ano iyon. Laking gulat ko ng makita ko ito, isang picture ni Ashton at ng isang babae masaya silang nakangiti sa picture habang mag kadikit ang kanilang mga pisngi ng babae. Hindi ako pwedeng mag kamili sa nakita ko at kilalang kilala ko ang babae sa picture. Walang iba kundi ang pinsan ko si Adrianna, litong-lito ako mag kalila naba sila dati palang? Paano sila nag kakilalang dalawa? Bakit parang hindi sila nag uusap at parang hindi nila kilala ang isa't-isa? Bakit nila ito na ikwento sa akin? Ano nga bang meron sa kanilang dalawa na hindi ko alam? Nalilito ang utak ko kaya binalik kona lang ang picture sa ibabaw ng lamesa at bigla may pumukaw ng tingin isang pula na box at naka nasa ilalim nung ang isa pang picture nilang dalawa na naka tayo at naka hawak sa bewang ni Adrianna si Ashton, bahang naka tuxedo ito at naka gown naman si Adrianna at naka ngiti silang pareho sa camera. Kinuha ko ang maliit na box at binuksan ko iyon. Upang makita ko kung anong laman niyon, isang sing-sing ang ganda nito tingnan with diamonds stone sa gitna na lalong nagpa ganda dito lalo. Bakit meron si Ashton nito? Para kanino naman kaya ito? Para sa akin ba ito? "Mi amore!" Sigaw ni Ashton sa labas mukang gising na siya, kaya agad kong sinara ang box at binalik sa pwesto nito at lumabas na nang kwarto niya dahil tapos nadin naman ako mag linis. Buti nalang tapos na ako nung magising siya, para hindi ako naiilang galawin ang mga gamit niya dahil wala naman siya. "Kumain kana nag luto ako ng almusal kanina habang tulog ka." Saad ko dito may tinitingnan sa cellphone ng makita ako niyo ay agad itong tumayo at lumapit sa akin. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Sabi nito nito habang nakayakap ako at naka sandal ang ulo ko sa matipuno niyang dib-dib. "Nag linis ako ng bahay, pati kwarto mo nilinis kuna din kasi sabi mo kagabi madumi duon." Agad niya akong binitawan sa pag kakayakap at tumungin sa akin ng diretso. "Bakit ka pusmok duon! Binigyan ba kita ng permiso na pumasok sa loob ng kwarto ko, Yoshi!!" Galit na sabi nito sa akin kaya natakot akong tumingin sa mga mata niya. "Tangina naman!" "P-pero sabi mo marumi ang kwarto kaya nilinis kuna, saka w-wala din akong magawa kanina." Takot kong sabi sa kanya at rinig ko ang pag buntong hininga niya. "Putangina! Kayang kong linisin ang sarili kong kwarto! Sana 'di kana lang nakialam at nanahimik kana lang dito sa sala!!!" Mukang lalo itong nagalit sa 'kin base sa tono ng boses niya. "Tsk. Tara at kumain, bago pa ako mawalan ng gana dahil sa pinag-gagawa mo!" Wala akong nagawa kaya sumunod na ako sa kanya sa may kusina, dahil ayokong magalit pa ito sa 'kin lalo. Umupo ako sa upuan at pinanuod ko siyang kumukuha ng pagkain, napa tingin ito sa gawi ko at pinanlakihan ako ng mata. Kaya kumuha ako ng plato kahit nanginginig ang mga kamay ko, pipilitin ko nalang kumain kahit kumain na ako kanina at busog pa naman ako kahit papapo dahil medyo marami rami ang nakain ko kanina habang tulog ito. Pinilit kong isinubo at kainin ang nasa plato habang siya ay masaya at masiglang kumakain ng mga ni luto pagkain ko para sa kanya. Matapos kaming kumain ay naligo na si Ashton habang ako ay nag liligpit at naghuhuga ng pinag kainan namin. Nag iisip nadin ako ng pwedeng lutuin para mamayang tanghali, tatanungin ko nalang ito kung anong gusto niyang ulamin. Pag katapos kung mag hugas ay tapos na pala itong makigo at nanunuod na sa tv ng basketball. Kaya tumabi na ako sa kanya upang manuod na din kahit wala akong alam sa basketball, kahit dati nung bata ako wala akong kahilig hilig dito. Umiiyak pa nga ako at nag susumbong kay mama kapag tinuturuan at nag lalaro kami ni papa ng basketball. Hindi talaga ako marunong lalo na mag shoot! Hindi ako shooter and ayoko din maging shooter! Tutok na tutok siya sa pinapanuod niya pinilit kong manuod pero lumilipad parin ang aking isip sa picture na nakita ko sa kanyang kwarto kanina. Hindi ko mapigilan lang isipin 'yon, kahit na anong pilit kong ituon ang isip ko sa ibang bagay ay du'on lang nauiwi. Madaming nabubuong katanungan sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan, kung hindi parang sasabog ang utak ko. Ngunit hindi ko alam kung paano ko kukunin ang kanyang atensiyon. Baka magalit nanaman ito pag nag tanong pa ako, baka lalong masira nag araw niya dahil sa 'kin at ayaw kung mangyari iyon. Ngunit kailangan ko talagang malaman bahala na kung magalit ito sa 'kin basta matangal lang ang mga bumabagabag sa utak ko. "Hmm, Ashton! May itatanong sana ako sayo," Kinakabahan kung sabi sa kanya, paano ko ba ito sasabihin. "Sure, ask anything and I will answer that." Nakatingin na sabi nito na lalo tuloy akong kinabahan. "H-habang nag lilinis kasi ako kanina, nakita ko yung pictures niyo ni Adrianna. Matagal na ba kayong mag-kakilala?" Sabi ko sa kanya at narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Yeah, since college days. Same school kami nag aaral nung nasa California pa ako. Yung kaibigan niya at kaibigan ko ay mag kasintahan kaya lagi kaming mag kakasamang apat. Kaya naging magkaibigan kaming dalawa," mahabang paliwanag nito kaya tumango tango lang ako sa pag ku-kwento nito. "Bumalik ako dito sa Pilipinas nung naka graduate na kaya, hindi na kami nag kikita at wala narin communication simula nuon. Kaya nagulat ako ng nakita kung mag pinsan pala kayo nung graduation mo duon ko nalang ulit siya nakita." "Ganun ba. Sobrang close niyo siguro no! Ang saya niyo kasi sa picture eh." "Yeah before but may mga sarili na kaming mga buhay ngayon. Hindi na namin mababalik ang nakaraan pa." Seryosong sabi niya "Kung papipiliin ka mabalik ang dati, pipiliin mo ba iyon?" Seryoso kung tanong. "Oo, mas pipiliin kung bumalik sa nakaraan." Walang pag dadalawang isip na sagot niya. "Mas pipilitin kung bumalik sa dati, kesa ngayon!" Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero ako naman ang nag tanong niyon, kaya dapat hinda kona ang sarili ko sa mga sagot niya. Ginusto ko ito eh pero kailangan kong maitanong lahat ng katanungan ko. "Mas masaya kaba nuon? Kesa sa ngayon, Ashton?" Sabi ko dito nakita ko ang pagka lito sa mga mata niya. "Pwede mo naman hindi sagutin. Nasasayo parin ang disesyon." "Yes definitely yes! Sobrang saya ko nuon kesa ngayon. I was genuinely happy that time, yung nararamdaman kong saya nuon ay totoo... totoong totoo!" Nakangiti niyang saad kaya alam ko na totoong masaya siya nu'on. Sobrang sakit ang naramdaman ko, sana hindi ko nalang pala tinanong ito kung ganto lang din ang magiging resulta. Dapat sinarili ko nalang ang mga tanong sa utak ko edi sana masaya ako at hindi ganto ang nararamdaman ko. Mukang sa aming dalawa ako ata nag nasira ang araw. Parang gusto ko nalang mag kulong sa kwarto at iiyak itong nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa dahil nanjaan si Ashton, habang masayang nanunuod. Gusto ko pa sanang mag tanong ngumit baka hindi kona kayanin ang mga isasagot niya, baka tuluyan na akong bumigay at umiyak sa harapan niya. Baka ang sagot niya ang maging dahilan nag pag ka durog ng puso ko at maging sanhi ng pakasira at pagkawasak ng mundo kong binuo kasama siya. Naging masaya ka 'din ba sa 'kin? Yung totoong saya katulad ng saya na nararamdaman mo nuon? Yung saya na gusto mong balikan at pilit mong pipiliin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD