07

2001 Words
Nakasakay na ako ng elevator at pasara na ito ng may kamay na humarang dito para bumukas ulit. Nakita ko ang ma-among muka ni Ashton. Agad akong umiwas ng tingin, ang aga-aga siya agad ang nakita ko. Medyo nag pa late nga ako ng pasok para hindi ko siya makasabay, dahil alam kong maaga itong pumapasok sa kanyang opisina! Hindi ako maka galaw ng maayos, hindi din ako komportable na kasabay ko siya. Naiisip ko parin ang panaginip ko, bakit ba ganto yung tadhana! Kung kelan ayaw ko siyang makit, saka kami pinag kikita. "Good morning, Yoshi!" Bati nito sa akin at napatingin ako sa gawi nito, na nakitingin rin sa akin . Nag katitigan kami ako rin naman ang unang mag iwas ng tingin! Fuck it! I hate my mind!! "Good morning din po Sir!" Sagot ko dito pero naka tingin parin sa harap ang aking mga mata, hindi ko pa siya kayang titigan sa mata. Dahil sariwa pa sa aking isip ang panaginip ko! Hindi na siya nag salita at nakatayo nalang ito sa aking tabi, mukang nawalan ata ng gana dahil mababakas ang pag ka seryoso sa kanyang muka, kanina makikita mo ang mga ngiti nito sa labi at mata. Makikita mo sa pinto ng elevator ang walang ka reaction nito! Ewan ko biglang bumigat ang pakiramdam sa loob. "Let's have a dinner later?" Sabi kaya napatingin ako sa gawi niya, diretso parin ang kanyang tingin. "Sorry sir, busy po ako ngayong araw!" Sabi ko dito nakita ko naman itong tumango. Hindi na siya nag salita or nag tanong pa hanggang bumukas na ang pinto ng elevator, lumabas na ako ng hindi nag papa-alam at tuming sa kanya. Required bang mag paalam pa? Lumingon ako sa elevator at naka sara na ito. Napa buntong hininga ako, para akong nabutan ng tinik sa dib-dib. Pag pasok ko nakita ko agad si Bri na naka ngiti sa akin. Alam ko na yung dahilan nito kaya wagas kung maka ngiti sa akin! Nakita ko itong papalapit sa pwesto ko. "Beks, thank you nabalitaan ko tinapos mo raw yung gawain namin!" Bakas sa boses nito ang saya, buti pa siya ako hindi dahil sa nang yari kanina! "Hindi na ako mag iinom ng ganun, last na 'yon... promises!" Tumango-tango lang ako sa kanya, dahil kailangan ko ng umupo baka nakita ako ni Miss Regz! Malalagot ako, kung sabagay late naman ako umuwi ka gabi pati tapos na ang mga gawain ko. Kaya free ako buong mag hapon, kung tutuusin nga kahit hindi na ako pumasok ngayon okay lang. Pero sayang yung sahod no! Mahirap kaya kumita!! Wala akong gana ngayong umaga, ewan ko kung bakit bigla nalang nag bago ang aking mood. Gusto ko nalang humiga at matulog buong araw, naka tulala lang ako sa screen ng aking laptop. "Hoy, Yoshi! Kanina pa ako salita ng sakita dito, wala ka manlang naririnig!" Bigla akong napa tingin kay Trix na nasa harapan ko ngayon. "Ano ba yung sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya, napa buntong hininga siya at tumingin sa akin. "Tingnan mo! Kanina ka pa kasi tulala jaan mga ilang oras na, may meeting daw sabi ni Ma'am Regz." Umayos ako ng upo at sinara ang laptop ko, nag ayos muna ako ng mukha ko. Baka kasi anduon si Ashton ayoko maging panget sa harapan niya. Napailing nalang ako sa nga naiisip ko, hindi ko alam kung bakit ganun ang pumapasok sa utak ko. "Tara na, anduon na sila!" Nadismaya ako ng makita kong wala si Ashton sa meeting, kundi ang secretary niya lang ang nanduon. Umupo na ako sa pagitan ni Bri at Trix, lalo lang ako nawalan ng gana ngayong araw. Bakit iniwasan ko pa kasi, Sir Ashton kanina masyado kasi akong malandi at maarte, akala mo main lead sa isang movie or story! Hindi ko alam kung anong ng yayari sa akin, kung bakit ko siya langing iniisp. Basta ang alam ko lang masaya ako sa prisensya niya, masaya ako pag nasa tabi ko siya at naririnig ko ang boses nito. I don't know what's wrong with me, but I'm happy with him! Mahal ko naba siya? Or nasanay lang ako sa prisensya niya? He is the man how care about you! Like you're precious gem or diamond's! Hindi siya mahirap mahalin, pero ang hirap sumugal sa kanya! Hindi mo alam kung may nararamdaman ba siya sayo?! Or ako lang talaga ang nag bibigay ng meaning sa lahat ng mga ginawa niya! Ashton is sweet and gentleman but not a boyfriend or husband material! Napa tingin ako sa gawi ni Bri dahil tinapik niya ako, nakita ko itong naka may tinuturo gamit ang nguso niya. Kaya napatingin ako sa gawi nuon, bigla akong kinakabahan ng makita ko si Ashton na naka tayo sa harapan. Nag katinginan ang aming mga mata, agad ko rin inalis at nag kunyaring nag lilibot ng tingin sa buong paligid. Para hindi niya akalain na tinitingnan ko siya. Ayoko mag katitigan ang aming mga mata dahil na aakit lang ako sa pungay ng kanya mga titig. Parang gusto ko nalang mag laho sa pwesto ko ngayon. Inayos ko ang aking suot na polo at dumiret'so ng tingin. Napatingin ako kay, Austin ng bigla ako nitong kalabitin. Mahilig silang mangalabit porket naka harap si Ashton! "Okay kalang ba?" Tanong nito sa akin Tumango lang ako dito at nag thumbs up! Para maka sigurado siya na okay lang ako. Tumango siya bilang pag sang-ayon. Tumingin na ulit siya sa sasinasabi ni Ivan sa harapan. Tinuon ko na din ang aking atensyon kay Ivan, baka hingan pa ako ng idea ay wala akong masabi. Ayokong mapahiya sa harapan ni Ashton, hindi ko kakayanin baka ika-matay ko! Matapos ma-approve ang ni Sir Ashton ang presentation ng aming department ay natapos na rin ang aming meeting. Nag pa huli akong lumabas ng meeting room, nakita ko si Sir Ashton na lalabas na'rin. Nanglaki ang aking mata na makita ko na may babaeng lumingkis sa kanyang bewang. Biglang napa kunot ang aking nuo sa aking nakita, biglang nawalan ako ng sa mood. "Excuse me!" Saad ko sa kanila habang mag ka yakap. Nakaharang pa sa daan, nakitang may daan duon pa nag landian! Nakakahiya naman sa makakakita ng mga kalandian nilang dalawa! Dumaan ako sa gitna nilang dalawa, nabungo ko ang balikat ni Ashton nag diretso lang ako ng lakad diko na sila tiningnan dalawa. Pero alam kong nakatingin siya nung nabungo ko ito, sinadya ko talaga iyon dahil sa inis ko. Masyado na siyang babaero, dapat sa kanya pinuputol na si Ashton jr! "Yoshi! Let's have dinner, I know na gutom kana dahil hindi ka kumain kaninang tanghali." Pag-aaya sakin ni Austin. Tumango ako dito bilang pagsang ayon dito. Dahil gutom na 'din naman ako, dahil tama ito hindi pa ako kumakain ng tanghalian dahil wala akong mood at oras para kumain kanina. Bigla nalang nawala kaninang umaga masaya naman ako sa mga nag daang araw pero bigla nalang nag iba ang timpla ang mood ko ngayon. Nandito kami ngayon sa harap ng restaurant hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Austin, eh mukang mamahalin to. Baka mawalan siya ng pera kung dito pa kami kakain, pwede naman sa karinderya nalang hindi naman ako maselan kahit nga fishball at kikiam lang okay na ako. "Hoy Austin bakit dito tayo wala akong pera, saka wala tayong pang bayad jaan! Sobrang mahal jaan mga mayayaman lang nakakain jaan." Hatak ko sa kanyang braso kaya napa hinto ito sa pag lalakad. "Akong bahala sayo sagot ko 'to" Sabi nito sabay hila sa akin at nag lakad na kami papasok. "Wag kang mag alala libre ko, Yoshi ayokong nakikita kitang nagugutom." Pumasok na kami sa loob at umupo sa pang dalawahang tao agad na may lumapit sa aming waiter para kuhanin ang aming order. Hindi ko alam kung ano pipiliin ko bukod sa sobrang dami ay, sobrang mahal 'din ng presyo halos sampong beses ang double ng presyo sa karinderya. Wala na akong nagawa kung hindi umorder dahil ako nalang ang hinihintay ng waiter, naka order na kasi si Austin. Pinili ko ang pinaka mura sa menu nila gusto ko sanang tubig nalang ang drinks ko pero hindi pumayag si Austin kaya siya ang namili. Kaya red wine ang kanyang sinabi, ewan ko ba sa kanila bat pag gantong mga mamahiling restaurant hindi uso ang mga tubig or kaya softdrinks laging wine or kaya mga mamahaling juice. Eh twenty peso lang naman yung tang or kaya nestea pag dito umaabot ng 200 pesos drinks lang! Nakaka ganda at nakaka talino ba yung mga drinks nila! Nilibot ko muna ang tingin sa loob ng restaurant na ito hanggang sa mapapad ang aking tingin dalawang taong naka upo. Nakatingin ako sa lalaki habang nag tatawanan sila ng kasama niya, bigla akong napa iwas ng tingin ng tumingin din sa gawi ko si Ashton. Napasulyap ako sa kanya ang kaninang nag masaya at nakangiting mukha niya ay biglang naging seryoso. Nakikita mo sa mukha ng babae ang pag tataka kung bakit naging ganun nalang ang pag iiba ng reaksyon niya. Dumating na ang order namin kaya hindi na ako tumingin kala Ashton at sa babae niya. Sinimulan ko na lang kumain ng tahimik at enjoy-in ito dahil minsan pang mang libre si Austin kaya dapat sulitin kona baka hindi na ito maulit. "The stake was so good." Sabi ni Austin habang ninanam-nam ang stake niya kaya napangiti ako ng bahagya. "You should try this one, Yoshi" sabay lapit sakin ng tinidor niya na may stake kaya agad kong sinubo iyon. Tama nga siya masarap nga iba-iba ang lasa ng stake na 'yon sa ibang stake na nakin ko lagat naman masasarap. "Ang sarap naman niyan, ito oh try mo yung akin." Sabi ko sabay kuha ng pag-kain ko at sinubo sa kanya. "Masarap din diba?" Nakita ko naman tumango tango ito kaya tumawa nalang ako at pinag patuloy ang pakin namin dalawa. Patapos na akong kumain ng biglang may kamay na humagod sa gilid ng bibig ko, kaya na patingin ako nakita ko kamay pala ni Austin at pinupunsan ang dumi ko sa may labi. Nagulat ako ng bigla niyang kain ang kanyang daliri na pinang pahid sa may labi ko. "Oh bakit ganyan ka makatingin? Sayang eh mahal pa naman!" Pag dadahilan nito hindi ko na siya pinasin at pinag patuloy lang ang aking pag-kain. Halatang hindi ako gutom na gutom noh, halos maubos kona ang lahat ng inorder niya para sa sarili niya, mukang ako lang ang kumain ng lahat, nakakahiya tas siya pag babayad sulit na sulit ko ang libre niya. "Cheer's!" Sabi nito sabay labit ng kanyanv wime glass sa akin kaya kinuha ko 'din yung akin ang pinag dikit ito. Ahhh! Hindi talaga ako sanay sa mga gantong inumin palibhasa mga pang mayayaman. Samin kasi mga red horses, alfonso with coke, or kaya gin na may tang dalandan ganun lang yung uso samin. Hindi yung red wine, vodka, mojito at kung ano anong pang rich drink nayan. Yung mga alak kasi namin du'on mo malalaman kung sino talaga ang malakas mag inom. Matira matibay dahil pag naka isang bote kana at hindi kapa sumusuka, umiiyak or kumakanta ng wala sa tono ang tawag sayo nun dinuga. Yung iba nga sampong inom nga lang tulog na. Sa wine kasi sipsip lang yung inom nila hindi bottoms up, kaya dika talaga malalasing masyado mahihilo kalang pag dika sanay. Nag paalam muna ako kay Austin dahil pupunta muna ako sa restroom upang mag umihi at mag ayos na 'din ng aking sarili dahil tapos na kaming kumain. Bubuksan kona dapat ang pinto ng bigla itong bumukas at kaharap ko ang lalaking kinahihinaan ko, at kina aayawan, kana bwibwisitan ko! Walang iba kung 'di ang nag iisang Ashton the great. Tumabi ako upang makadaan siya palabas ng makalabas ito ay ako naman dapat ang papasok ng biglang may sinabi ito na kinatigil ko sa pag pasok ng restroom. "Busy today huh, What a liar!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD