─Giging's Life─

1089 Words
25 YEARS AFTER Malaki na si Kim. Isang simple pero bibong bata. Hindi sya masyadong maputi pero maganda sya. Mabait at matulunging bata si Giging... Yun ang palayaw nya dito sa probinsya. Minsan nga lang habang tinitignan si Giging ehh naiisip kong kamusta na kaya si Max?.... Mabuti kaya ang kalagayan nya? Sana na sa mabuti na syang poder ngayon. ─Giging POV─ Galing kami ni onyok sa palengke dahil namili kami ng gulay at prutas para sa akin. "Ma!! Nakauwi na po kami ni onyok". Sigaw ko papalapit ka mama Nakita kong tulala nanaman si mama at lumuluha ng di ko alam kung bakit... Kaya niyakap ko sya at nag tanong "Ma ano nanaman iniisip nyo? Lagi na lang kayong tulala ni Hindi ka man lang nagkukwento sakin... Ayy, nay ahh". Ang sabi ko "Ano?". Lumingon sya sakin at taas kilay na sumagot "May nanliligaw sayo noh... Tas Hindi mo kayang sagutin kasi mahal mo pa din si papa noh hahaha Kaya pa la... Aray!! Ma nagbibiro lang naman ehh". Pabiro ko sabi kay mama "Anong nanliligaw.... Hoy wala akong manililigaw tumigil ka nga Jan Giging". Natatawang sabi ni mama Kinurot ako ni mama sa tagiliran at natatawang nangatwiran "Ohh yan!!! Tumawa ka na hahaha". Ang pagpapakalma kong sabi "Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan". Natatawang sabi ni mama "Si mama naman ohh... Pinapatawa lang kita hahaha masyado ka namang stress tignan mo ohh... Nakakabawas ng ganda". Wika ko kay mama "Nako!! Tumigil ka na nga". Natatawang sambit ni mama sabay alis sa pagkakayakap ko sakanya "Ayy mama!! Alam mo ba na nag apply kami nina onyok at Crisha ng Scholarship sa NZ University. Kapag yun na approve ng president at ng principal ng school, pwede akong mag-aral dun pero stay in. May mga dorm room kasi dun for scholar students to be able to stay there para makapagfocus sa school. Ano sa tingin mo ma". Balita ko kay mama "Wahh!! Ang galing talaga ng anak ko... Pagbutihin mo lang anak at ng makaahon tayo sa buhay. Diba sabi mo gusto mo mag stewardess". Galak na tugon ni mama Nakikita ko na parang malungkot si mama sa aking balita. Biglang namula ang mata ni mama at may tumulong luha. Dahil doon... Napatanong ako ulit kay mama "Ma... Ano ba kasi iniisip mo? Bat di mo masabi sakin". Pagpipilit kong tanong kay mama "Basta!! Wag mong alalahanin ang problema ko. Ang asikasuhin mo ay ang pag-aaral mo". Tugon ni mama sabay punta sa loob ng kubo Alam kong may problema si mama... Hindi nya lang pinapahalata at sinasabi. Pero okay lang, maghihintay ako na sabihin ni mama ang problema nya sa akin mismo. Ayoko naman pangunahan si mama dahil baka masaktan lang sya kung pipilitin ko pa. Nalungkot ako ng konti dahil sa dinadalang problema ni mama. Habang nakatingin sa malayo... Nagulat ako sa sumunod na nangyari "Ahhhnong ginagawa mo jan tulala ka nanaman". Sambit ni Onyok ng sinundot ang tagiliran ko "Ayy!!!". Gulat na sambit ko "Ano ba naman yan onyok kakagulat ka naman nagmomoment yung tao ehh". Naiinis kong sabi "Sus!! Moment moment... Kumain ka muna baka gutom lang yan". Natatawang sabi nya sabay alok ng ubas "Alam mo onyok para kang kabute... Kung saan saan ka sumusulpot ehh". Pabirong sabi ko "Pwede na bang Buboy Villar? Tssk". Sabi nya habang nagpo-pogi pose "Che!!! Bahala ka na nga Jan... Babaw ng kaligayahan mo". Wika ko habang papunta sa kubo para dalhin ang gulay na pinamili namin. "Anong mababaw... Sandali!! Haha gwapo naman si Buboy ahh". Pagpilit ni Onyok "Buboy?!? Ikaw??? Tssk malabo". Pagtanggi ko Habang inaayos ang kusina, my narinig akong sigaw ng babae sa labas... "Gigingggggg!!!". Sigaw ng isang babae Ng marinig ko ang tinig na iyon, dali-dali akong lumabas para makita kung anong nangyayari "Crishaaaa!!!". Pabalik kong sigaw "Beshieeeee na approve na scholarship natin!! At pwede na tayo mag-aral sa NZ University". Tuwang tuwa nyang sabi "Eme! Talaga ba?". Gulat na sabi ko "Ano? Approved na ang scholarship natin sa NZ University... At ibig sabihin dun na tayo mag-aaral? Oh my ghad". Buong galak na sabi ni Onyok "Ulit ulit Onyok ha ulit ulit? Inulit mo lang sinabi ko ehh". Naiinis na sabi ni Crisha "Tuwang tuwa...─Ano? Ano?─ tuwang tuwa lang naman ehh kahit kailan talaga Crisha panira ka". Medyo naaasar na sabi ni Onyok "Huyy ano ba kayong dalawa hahaha wag na kayong magtalo sisimulan nyo world War III ehh". Pabiro kong awat sa kanila Sobrang saya namin sa balita ni Crisha... Na approve na ang scholarship naming tatlo sa NZ University, sa wakas!! Sa ilang buwan na paghihintay at nasuklian na din ang aming pagsisikap. Sa isang buwan ay pwede na kaming pumasok sa NZ University. "Omsiiii kailangan nalaman toh ni mama halikayo dali". Naeexcite kong sambit Pagpasok namin sa kwarto nakita namin na nakahandusay si mama sa sahig kaya agad kaming humingi ng tulong kina tita Amada "Ma!! M-mama... Mama! Tulong Onyok tawagin nyo sina tita dali". Nagmamadali kong sabi Di nagtagal, dumating na sina tita Amada para dalhin si mama sa ospital. Naiwan kaming magpi-pinsan sa bukid para sa aming kaligtasan. "Nag-aalala ako para kay mama... Sniff... Ano ba kasi nangyari sa kanya". Wika ko habang naka yuko sa balikat ni Crisha "Besh wag ka na umiyak ohh gagaling din si tita". Pagpapatahan nya sa akin. "Sana nga... Sniff... Ang dami nya ng problema dadagdag pa toh". *At the Hospital* ─Jazz POV─ "Doc... Ano pong resulta ng test nya? May sakit po ba si ate?". Nag-aalalang tanong ni Amada "Uhm... According to the test na ginawa namin sa kanya, she has iron deficiency. Ito ay ang pagbaba ng dugo dahil sa sobrang stress. At dahil sa palagi syang stress, lalong lumalala ang kanyang pagka-anemic at naaapektuhan ang kanyang kalusugan. Dahil dito naaapektuhan ang kanyang lungs, at sa pagtakbo ng dugo sa kanyang buong katawan. At dahil Hindi sya nagte-take ng medicine, minsan nagma- malfunction ang kanyang mga nerves kaya namumutla at nanghihina sya". Ang paliwanag ng doktor "Doc... Ano ba? May magagawa ba kami para bumalik sa dati ang lakas ko?". Nanghihina kong tanong "I will give you some medicines that helps your blood runs like before pero dahil sa paunti-unti ng nabubutas ang iyong lungs, I will recommend you to have check at the best doctors". Paliwanag ni doc "Pano yan... Wala naman tayong sapat na pera para ipagamot ka sa maynila". Sabi ni Amada "Amada... Nakikiusap ako na kung pwede wag mo ng sabihin ky giging ahh. Ayoko na kasing mag-alala pa sya ehh". Pakiusap ko ─TO BE CONTINUED─
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD