1 Finally home

4772 Words
Nakakaramdam na ng gutom at init sa kanyang balat ang dalagang si Abegail mula sa kanyang kina uupuan, inaantay nya ang kanyang sundo pero hindi nya inasahang medyo matatagalan pala ito, kaya napagpasyahan niyang umupo at mag muni-muni doon,para itong munting waiting area sa lugar na iyon, napapaligiran ito ng mga bulaklak at mga puno ng mangga na hitik sa bunga, bakit ba naisipan pa niyang umalis sa lugar na iyon n mas higit pa nga ang maibibigay niyon kesa sa lungsod na kanyang pinanggalingan. Meron din naman siyang mga na ipundar, pero mas sinisipagan pa niya ang kanyang pag tratrabaho para sa mga bata na tinutulungan niyang makapag aral. Matagal na siyang pinapa uwi ng kanyang Mommy Lucia para siya na lang ang mamahala sa kanilang resort. Bakit nga ba hindi? Ano nga aba ang naging rason nya para tanggihan ito? Naging mapait ang kanyang naging ngiti ng maalala ang mga iyon. Ngayon nya lang napagtanto ang lahat, na kahit sa dami ng kanyang pagkakamali tinatanggap pa rin siya ng kanyang pamilya at nag aalala ang mga ito ng lubos sa kanya. Napa buntong hininga at ganon na lamang ang kanyang pagkagulat ng biglang may dumaan na dalawang van sa kanyang harapan, nagkakantiyawan ang mga sakay nito at nagulat rin siya sa lakas ng tawanan ng mga ito. Napako ang kanyang mga mata sa lalaking naka upo katabi ng driver. Sadya bang nakatitig ito sa kanya? Nagulat siya ng huminto ang pangalawang van na sinasakyan ng binata at nakitan nyang bumaba ang driver nito at lumapit sa kanya. “Maam Abegail, paki anatay na lng daw po saglit ang Señor bumili lng daw po si Sir ng pagkain nyo, kasunod lang po namin siya kanina” wika nito “Maraming salamat kuya Arman, Antayin ko na lng po siya dito, nagugutom na nga din po ako” sabay tawa nya, napa sulyap siya sa binata, nakatitig pa rin ito sa kanya, may mga bughaw itong mga mata, matangos na ilong, at ang mamula-mula nitong mga labi, ngumiti ito sa kanya at kita nya ng pantay pantay at maputi nitong mga ngipin. Ngumiti na lang siya dito bilang tugon dito,pero pakiwari nya’y hihimatayin siya sa excitement na kanyang nadarama. Bakit ba siya kinikilig hindi naman na siya isang nagdadalaga. “sige maam mauna na po kami sa inyo baka po kasi mainip na itong mga bisita” at tumalikod na ito sa kanya para bumalik sa van. “sige Kuya marami pong salamat” at bumalik na siya sa kanyang upuan. Napatingin na lamang sa likod ng papaalis na sasakyan. "Ano kaya ang meron ngayon at puro mga foreigners ang guest ng Resort nila Dad,paniguradong busy nanaman ang magasawang Kent"turan nya sa kanyang sarile.Ang tinatahak kasing dereksiyon ng mga ito ay papasok sa isang ekslusibong resort/farm na pagmamay ari mga Kent na halos kalapit lamang din sa hacienda ng mga ito.Hindi pa man nag iinit ang kanyang pang upo nang maya maya ay dumating na ang kanyan inaantay,napangiti siya ng malaki ng makita kong sino ang bumaba mula sa isang itim na 4x4, ang makisig at ang gwapo nyang ama… “My Princesss…”naka bukas ang mga bisig nito na palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo. “We miss you so much anak, sa wakas eh napilit ka na din naming umuwi dito, dont worry about sa mga naiwan mo Manila, meron ng nag aasikaso doon, hindi na nakasama sa amin ang Kuya Daniel mo’t may tinatapos lang,masama din kasi ang pakiramdam non kagabi at na ulanan” mahabang wika nito. “Maraming salamat Dad” wala na siyang masabing iba at tumulo na ang kanyang mga luha. Na ikina lamlam ng mga mata ng kanyang mabait nyang ama. “Don’t worry anak everything will be alright, andito ka na” pang aalo ng kanyang ama. “halika na at ng maka uwi na tayo, inaantay na tayo ng iyong ina't maramimng inihandang pag kain yon,..” at sumakay na nga siya at kanina pa siya nakakaramdam ng gutom, pero bago pa paandarin ng sasakyan nila ini abot nito ang binili nitong siopao,alam ng ama niya na paborito niya ang siopao. “alam kong gutom ka na,kaya kainin mo muna yan habang nasa biyahi tayo” "thanks dad alam na alam mo talaga mga paborito ko" saad ni Abby "Your welcome anak sige na at ubusin mo na yan"saka na sila umalis.. CHAPTER 2 The Surprice Hindi na niya namalayang naka idlip pala siya, pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa malaking tarangkahan na sila ng resort na pag mamay ari ng kanyang mga magulang. Pagbukas nito ay tumambad sa kanya ang nakakamanghang tanawin ng asul na karagatan, ang hardin ng kanyang ina na puno ng namumulaklak na halaman na gaya ng rosas at iba pa. Napapaligiran din ito ng mga puno ng mangga na hitik sa bunga at mga puno ng niyog,malawak ang lupain na iyon ngunit kailangan mag ingat sa katabi nitong farm, ilang taon na ding hindi nag uusap ang kanyang mga magulang at ang may ari ng katabi nilang farm mula ng maganap ang insidenting naging dahilan kong bakit siya umalis at minsang ayaw na niyang bumalik kong hindi lang dahil sa kanyang mga magulang at sa mga pangyayaring ndi inaasahan.Natigil lamang ang kanyang pag mumuni muni ng marinig niya ang tinig ng kanyang kuya Daninel. “Abby…” sambit ng kanyang kuya Daniel. “You’re finally home now” sabay yakap ng mahigpit sa kanya at inikot ikot siya nito. “Kuya nahihilo na ako ano ka ba” saway nya sa kuya nya ng nakangiti. “We’ve got a surprise for you and I’m pretty sure you’re going to love it.” Turan nito sa kanya “Ibaba mo na nga iyang kpatid mo’t pinagtitinginan na tayo ng mga guest sa pinaggagawa nyo dyan” ang malamyos na tinig na nagmumula sa kanilang likod. It was here mom not her biological one pero walang makakahigit sa mga sakripisyo nito at ang mga ginawa nito para sa kanya. Napangiti siya ng masilayan nya ito, ang walang kupas nitong kagandahan at ang mga mata nitong nag niningning sa pagmamahal para sanya. Napaka buti nitong tao hindi lang sa kanya kundi pati na din sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Mom… you look so gorgeous as ever Ma” sabay halik nya dito. “Para kang ama mo magsalita sa pang bobola bata ka” nakangiting wika nito. “We miss you so much anak, halika na at para makakain na tayo, nagluto kami ng favorite mong kare-kare” wika ng Mommy Lucia nya. “And we have someone we want you to meet” Naka ngiting ng kanyang daddy “Dad sino na naman po yon?Baka mamya kay kuya intresado yon” pabirong nyang tanong sa daddy nya na alam naman nyang hindi siya makakakuha ng sagot dito. Nagtungo muna siya sa rest room ng bahay. Going to the rest room, napansin nyang may tao sa lanai, nakatalikod ito sa kanya na wari nyay may binabasa ito, hindi na lang niya ito inusisa baka close friend ng family nila, kaya pagkatapos ay nag deretso na siya sa dining area nila. Umupo siya kaagad sa tabi ng kanyang kuya na kanya ng nakasanayan, when she was about to reach her favorite ulam she notices someone is with them, Nag angat siya ng ulo and to her surprice… Yeah…guess who? It was the pogi blue eyed man, na nasa van kanina, dali dali niyang inilapag ang bowl ng kare-kare, at bumaling sa kanyang Mommy. “Ma, I don’t know that you have a visitor, sorry po” namumula nyang saad, gusto nyang himatayin sa hiya, para siyang bata na padalos dalos sa ginagawa, tahimik lang ang mag asawa na wari mo’y nakikiramdam sa nagaganap at ang kuya naman nya ay nanatawa ang expression ng mukha. “kuya bakit hindi mo naman sinabing may bisita sila Mommy” pagmamaktol niya sabay tago ng kanyang mukha sa likod ni Daniel. “I know na yan na ang gagawin mo pag nakita mo na yang kare-kare harapan mo, wala ka ng ibang kasama dito kundi yang kare-kare mo” panunukso ng kuya nya. “Tama na nga yang asaran nyong dalawa, behave yourself Abby” natatawang saway ni Lucia sa kanila. “Abby we want you to meet William, Veronica’s son, my youngest sister naaalala mo pa ba?” “William this is Abegail our daughter not by blood but still our daughter for us, naka ngiting pahayag ng kanyang Daddy Albert “ pag pasensiyahan mo na siya at ang weakness talaga niyan eh ang kare-kare na luto ni Lucia and sometimes she gets too clumsy” dagdag ng kanyang ama na nangingiti na. “Dad, nakakahiya na po” wika ni Abby na siya namang pagtayo ni William at pag abot ng palad nito sa kanya. “Finally… it’s nice to meet you Abegail, maraming ng na ikwento si tito Albert about sayo” titig na titig ito sa kanya na hindi nya mawari kong may dumi ba siya sa mukha bakit ganon na lang ito makatitig sa kanya at ikinagulat pa nya ang bahagya nitong pagpisil sa kanyang palad. “Nice to meet you din, ang galing mo pa lang managalog” bahagya siya tumingin sa kanyang ama at pabirong pinnlakihan ng mata ito. Parang nawala ang gutom nya doon. “Magaling magturo si Mama at istrikto din kaya siguro natuto din kami” sagot ni William sa kanya.. Hindi nya alam kong nabusog ba siya sa kinain nya kasi pakiramdam niya bigla siyang naging conscious sa bawat galaw nya, lalo pa at minsan nahuhuli nyang nakatingin sa kanya si William na wari mo’y may gustong sabihin sa kanya, nangungusp ang mga mata nito sa kanya. CHAPTER 3 SO FAST Natapos silang kumain na hindi niya mawari ang kanyang sikmura kong gutom pa ba or excited na makasama pa ang binata nilang bisita, na para bang may nagliliparang paru-paru sa loob nito. Ngunit ndi pa man sila nakakarating sa sala biglang tumunog ang cellphone ni William at kailangan muna nitong bumalik sa mga kasamahan nito at may biglang pagpupulong na gagawin. Nagpa alam ito sa mag asawa at napag utusan siyang ihatid ang binata sa tarangkahan ng kanilang bahay, na alam niyang sinadya ng kanyang ama, para mabigyan silang dalawa ng kahit ilang minuto man lang na makapag usap. "Anak ihatid mo muna si William sa labas" nakangiting sabi ng kanyang Daddy. Nang malapit na sila sa tarangkahan nagpa alam na ang binata sa kanya. "Aalis muna ako Abby" at tumalikod na ito sa kanya pero sa kanyang pagtataka humarap ulit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay “I’ll be back, may aasikasuhin lang ako, marami tayong pag uusapan pagbalik ko” then he kissed her forehead at umalis na.. Naiwan siyang parang lumulutang sa alapaap at nagtataka, ang dami nyang mga katanungan na iisip. "bakit ganon?bakit parang may nangyayaring hindi ko alam?bakit parang close na kami ehhh ngayon lang kami nagkakilala? Alam na ba ito nila Mommy? "tanong nya sa kanyang sarile Pagpasok nya ng kabahayan napansing nya ang malaking ngiti ng kanyang daddy. "Dad whats going on?, is there anything that you want to tell me?" naka busangot nyang tanong dito "Magpahinga ka na muna anak, saka na tayo mag usap,e injoy mo na lang ang pag stay dito satin,baka sakaling magakaron ka na ng lovelife" nakakalokong sabi ng kanyang Daddy "Dad" saway ni Abby dito "what's wrong Iha? go to your room now para makapag pahinga ka na" naka ngiting saad nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang umakayat sa kanyang kwarto para makapag linis na dn ng katawan.At parang kanina pa siya nanlalagkit,parang pinagpawisan siya ng husto sa mga pangyayari kanina. Pa akyat na siya ng mapansin nyang halos walang pinagbago buong kabahayan, alam mo talagang inaalagan ito, ang mga balustre ng hagdan ay nangingintab. Karamihan ng kagamitan sa loob ng mansion ay mga antigo na, dahil ang bahay na ito ay ipinamana sa pa kanyang daddy. Pagpasok ni Abby sa kanyang silid ay nagulat pa ito ng mapansing may nakalatag na bagong dress, kulay puti itong off shoulder dress na may disenyong mga bulaklak sa laylayan nito. "galing kaya ito kay Mommy?"napangiti na lang siya. May mga nabago sa kanyang kwarto gaya sa kanyang kama na pinalitan ng mas malaki kesa noon,may bedsheet itong pink and white ganon din ang mga unan.May sariwang bulaklak ng rosas sa isang mesa doon na nakalagaya sa isang plorera na malapit sa isang slidding door patungong terrace nya na nasa gawing likod ng mansion.Ang baba nito ay ang kanilang malaking swimming pool,tanaw nya mula dito ang kabuuan niyon kaya alam nya kong sino ang tao doon at kita dito ang malawak na hardin ng mga bulaklak ng kanyang ina. Pagpasok nya ng banyo napansin nya na bagong renovate ito, meron itong malaking bath tub at ang mga shower head ay yong parang pang fifty shades of gray, may malalaki din siyang cabinet na nag mistulang walk in closet niya.Sa tagal ng panahong ndi siya naka uwi, hindi nya alam kong kelan iyon napagawa.Mahal na mahal talaga siya ng kanyang tumatayong magulang kahit na hindi siya tunay na anak ng mga ito, kahit kelan hindi nya naramdamang iba ang turing ng mga ito sa kanya. Lalo na ang kanyang Mommy na sabik sa anak na babae. Naalala tuloy nya noong una nyang apak sa mansion nito, halos maluha ito ng makita siya at sabihin ni Nana Maria ang dahilan kong bakit niya ito dinala sa kanila, para sana maging taga pag silbi ito sa mansion. Pero agad siya dinala ni Lucia sa hapagkainan, pagkatapos ay niliguan siya at binihisan ng pinagliitan na mga damit ng kanyang kuya Daniel "Ito muna anak ang iyong isuot sa ngayon, bukas na bukas ay mamimili tayo sa mall ng iyong mga damit." na alala niyang sabi sa kanya ni Lucia noon. "maraming salamat po maam Lucia"nag aalangan niya ngiti. "No anak, simula ngayon dapat ang itatawag mo sa akin ay Mommy na.Ako na ang magiging nanay.Gusto mo ba iyon anak?"naka ngiting saad nito sa kanya. "talaga po?dito nyo na po ako patitirahin sa inyo?Hindi nyo na po ako ibabalik sa amin? " na iiyak na tanong ni Abby. "Oo anak dito kana titira sa amin, sa susunod na pasukan doon kana din mag aaral sa school ni kuya Daniel mo".malumanay na sabi sa kanya ni Lucia. "Marami pong salamat, magpapakabait po ako dito basta po wag nyo akong ibabalik sa amin,wala naman din po si Mama ko doon, tapos ang daddy palage na lang lasing at umiiyak,ayaw na daw akong makita,natatakot na ako kay Kuya, parang nawawala na siya sa kanyang katinuan."Naluluha niyang sabi dito. Naawang niyakap siya ni Lucia at nasa ganong silang eksena ng dumating si Albert Kent ang asawa ni Lucia at naki akap na din ito sa kanila. "Welcome to the family princess" mapag mahal na sabi ni Albert sa batang si Abby. Hindi na namalayan ni Abby na naka idlip pala siya.Hindi na nya namalayang nakatulugan nya ang mga kaisipang iyon. CHAPTER 4 WILLIAM'S LOVE . Nagising si Abby sa kanyang pagkakatulog na may tumatawag sa kanyang pangalan. "Abby....Abby wake up.. .its getting dark outside, you havent seen my surprice yet.Wag mo akong tulugan."Nagmamaktol na hiyaw ni Daniel sa kanya "Abegail wake up"sabay katok sa pinto "wait kuya ano ba, nagpapahinga ang tao ehhh"napakamot na lang siya sa ulo,saka binuksan ang pinto, ganon kakulit ang kuya nya, hindi ito aalis hanggang hindi siya bumabangon. "ang bilis mo talagang makatulog, akala ko pa naman nag aayos ka lang ng mga dala mo, abay kanina pa ako na ngangatok dito ehhh"derederetsong pasok ng kanyang kuya sa kanyang silid na nagkakanda haba na ang nguso.Natatawa na lang siyang pinapanuod ito. "ano ba saan tayo pupunta hindi ba pweding bukas na lang surprice mo kuya" pang aasar niya dito. "wala ka namang gagawin,matutulog ka lang kaya" sabay tayo nito "unahan tayo doon sa favorite spot natin,ang mahuli bibili ng pizza limang box"sabay takbo nito pababa "Ang daya mo talaga kuya"sabay habol nya dito "ano ba naman itong mga bata na to, magkanda hulog kayo sa hagdan"hiyaw ni Nana Maria na tumakbo pa sa sala galing sa kusina, na mukhang ni nerbyos na naman ata sa kanila "sorry Nana" nakangiting saad ni Abby sabay takbo palabas ng mansion, naiiling na lang ang mag asawang Kent sa dalawa,. magulo at maingay talaga ang mansion pag nasa bahay silang dalawa, ika nga ni Lucia "ang mga anak nya ang kulay at buhay ng buong hacienda" Sa labas... sa dalampasigan naghahabulan ang dalawa,kong hindi mo alam kwento ng pamilya ay mapagkakamalan mo ang dalawa na magkasintahan, they look good together, at natural na malambing ang dalawa sa isat isa. "hoy Daniel Allen Kent umaandar na naman yang pagiging kabayo mo, binibilisan mo namang tumakbo,hindi ba pweding kahit mag kunwari ka lang na mabagal"yamot nyang sabi sa kuya nya "ayokong bumuli ng pizza wala akong pera hahaha"pang aasar nya kay Abby. Lingid sa kanilang kaalaman,may mga matang mapanuri ang nag mamatyag sa kanilang dalawa. William's POV "Kakatapos ko lang mag ehersisyo ng tapikin ako niMendez at may ininguso sa may dalampasigan. Muntik pa akong madapa ng makita ko ang babaeng naging dahilan kong bakit nasa Pinas ako ngayon ng wala sa plano." "She looks so beautiful ang simple with her dress na bumagay sa alon akon nyang buhok" napangiti na lang siya.Ngunit nag igting ang kanyang panga ng makita nya kong sino ang kahabulan nito. "bakit ang ganda nilang tingnan dalawa?Bakit hindi siya natutuwa sa kanyang pinsan pag kasama nito si Abby."kahit alam nyang kapatid lang ang turing nito. "Nag seselos ba ako? " "s**t self can you please stay calm, marami ka pang dapat gawin" Nawawala siya sa wisyo pagdating kay Abby.Ang gusto nya siya lang ang makakahawak at lalapit dito.Hindi nya tuloy namamalayan na sumusunod na pala siya sa mga ito.Dinala siya ng kanya mga paa sa pinaka dulo ng resort na pag aari pa rin ng mga Kent. Meron ditong bagong gawang malaking bahay kubo version, mukhang lahat gawa sa kawayan pero alam mong pinagkagastusan yong bahay kubo na in modern version.Naka glass slidding window ito, maganda ang pagkakagawa. Marahil ito yong pinagpuyatang gawin ni Daniel para kay Abby.Ang sinabi sa kanyang surpresa para dito. "Ok, stop Abby, close your eyes muna"narinig nyang saad ng kanyang pinsan na si Daniel "we're here na ba Kuya?ang bilis mo kasing tumakbo" hinihingal na tanong ni Abby. "Yeah but please dont open your eyes yet,I'll count muna ng one to three then you can open your eyes" Daniel giggled.. "Ok one..two..three..!!!!! " sabay nilang wika "Oh...my... gosh.. is this for real Kuya?Ginawan mo ako ng bahay kubo,ndi lang kubo kundi malaking bahay? "hindi makapaniwalang wika ni Abby, magugulat ba siya ehhh isang architect ang kanyang kuya. Pero ndi siya makapaniwalang gagawan siya nito ng ganon kalaki, naalala kasi nya mahilig silang magbahay bahayan dati, minsan nagpagawa sila ng tree house sa kanilang daddy kaya lang palage silang nag babangayan kasi nasisikipan silang dalawa dalawa na may mga dalang unan. Pero ito... "Napakaganda naman nito kuya at napaka laki"namamangha nyang saad dito. Hindi siya makapaniwala,para bata siya ulit na gusto maglaro ng bahay-bahayan.Pumanhik siya sa hagdan para tingnan ang loob. "Oh my... I got my own stuff here.... "tili ni Abby, namimilog ang mata nya sa kasiyahan at pag kamangha, fully furnish ang kanyang kahay kubo modern version,from sala to dinning, to her bedroom ,ang kusina nya kumpleto na din lahat ang kagamitan, mga lulutuin nlng ang kulang.. "Kuya mga lulutuin na lang ang kulang"sambit ni Abby,nakita nyang na ngingiti lang si Daniel sa kanya "bakit mukhang ayaw mo na akong patuluyin sa bahay mo ha, kaya ginawan mo na ako ng sarile ko dito"pang aasar ni Abby. "Yeah.. sususluhin sila Mom at Dad hahaha" sagot ni Daniel. "thank you so much kuya"luampit sa dito at niyakap ito "for you Princess makita ka naming happy mas triple yon para sa amin"kinabig siya nito at hinalikan sa ulo. "ahem" tikhim ng isang pamilyar na boses. Sabay pa silang napalingon sa may pinto at nanlaki ang mata ni Abby sa kong sino ang kanyang nakita "oh hi" yon lang ang kanyang nasambit ng dalaga at bumitaw sa pagkaka akbay ni kuya nya. "oh its you insan buti nakita mo kami"kindat ni Daniel kay William. "may nakita kasi akong magandang dilag kanina kaya lang kong makatakbo naman eh kala mo nasa marathon"nakangiting saad ni William at nakatingin kay Abby. "bibili kasi ng pizza ang mahuhuli, eh wala pa ring binatbat itong kapatid ko"pang aasar ni Daniel sa kanya "pano mkaka abot sayo yan Daniel eh sa haba ng biyas mo,nakakalimutan mo atang naipaglihi ka ata ni Tita Lucia sa kabayo noon"natawang sagot nito. "Alaskador din pala itong pogi na to"pabulong na sabi ni Abby sa kanyang sarile.Pasimpleng tumayo siya at kinuha ang isang box ng pizza at inilapag sa lamesita sa sala, sinimulan na niya itong kainin ni hindi na siya nag alok sa dalawang lalaki na kasama nya. CHAPTER 5 IM FALLING Lingid sa kaalaman ng dalaga ay pa simple siyang tinititigan ni William. Ngayon lang siya naka encounter ng babaeng ang kahinaan eh kare-kare at pizza. Naaliw siyang tingnan itong ngumunguya ng pizza at may kaunti ng mantsa ng catsup ang gilid ng labi nito.Para siyang na aakit na lumapit dito at punasan ang bibig nito, pero pinipilit nyang magtimpi. "Abby...."palihim nyang sambit "bunso...aalis muna ako, may kukunin lang ako sa bahay,.. may ipagbibilin ka ba?Buti at nandito pa si William para samahan ka,alis muna ako"paalam ng kuya nya. "sige kuya, paki sabi kay Nana yong mga unan at bedsheet ko kamu pahatid naman dito please".. turan ni Abby,para siyang bata na sabik maglipat sa bahay-bahayan. "No prob. bunso" ika ni Daniel at umalis na nga ito. Nahuli nyang nakatitig si William kanya na parang may gustong gawin at di mapakali. "bakit? may proble. a ba sa mukha ko? tanong nya dito "yeah"sagot ng binata sabay lapit nito sa kanya at pinunasan ang catsup sa gilid ng kanyang labi at at sinipsip ng binata ang kamay na may catsup.Nanlaki ang mata ni Abby "you taste delicious" saad nito "what!? "histerya niya tanong dito na nanlalaki ang mata "haha nothing, can I your bathroon?"naka ngising tanong nito sa kanya na hindi man lang inaantay kong papayag ba siya ir hindi. "anong nangyayari doon?"nahihiwagaan nyang tanong sa sarile pero para siya kinikilig. Sa banyo naman ay hindi mapakali si William, nag iinit siya pag lumalapit kay Abby, parang gusto na lang niya itong siilin ng halik pag nasa malapit. "I need to cool down" sabi ni to at ngali-ngaling pumasok sa sa shower area at naligo. "hanggang kelan ako makakapag timpi Abby? "sambit nya.Palabas na sana siya ng mapansi wala palang towel na nakalagay sa towel holder nito. "s**t"napamura ito "should I go out naked? "nakangisi nyang saad sa sarile. "and make Abby run?"babaliw na ata siya at kinakausap nya ang kanyang sarile. "baby hand over a towel please" sigaw nga sa loob ng cr. "what "baby"? tama ba pandinig ko?"bulong nito "ahm wait lang William, dumating na mga gamit ko, I'll just get it sa malita"dali dali niyang tinungo ang kwarto kong nasaan ang mga hinatid na maleta,para na ngang ayaw na siyang pabalikin sa mansion sa mga pinadala ng mommy nya.Nakita naman nya ang towel at agad na dinampot iyon.Dali dali nyang tinungo ang banyo kong nasaan ang binata. "William ito na yong towel" sabay pasok nya banyo kasi hindi naman nakasara ito. "why are you naked?" gulantang nyang sabi dito sabay takip ng towel sa mata. " I need the towel Abby" nakangising saad ng binata at hila sa towel na nakatakip sa mga mata ng nya. "what the.."nanlalaki mga mata nya sa nakikitang kahubaran ng lalaking ito na wari moy walang paki alam na naka hubo siya. "whats wrong? haven't you seen a naked maam before?" saad nito habang nagpupunas ng basang buhok at katawan. "Ano? ikaw pa lang ang nakita kong walang kahihiyan na nakikipag usap sa babae kahit naka borless. " alam nyang na mumula na nh sobra ang mukha nya. "ow's really? tudyo pa nito sa kanya habang papalapit ng papalait sa kanya hanggang naramdaman na lamang nya ang malamig na pader ng banyo sa kanyang likuran. "Anong gagawin mo?wag kang lalapit."kinakabahan nyang banta dito "bakit? "tanong nito sa kanya na halos na aamoy na niya ang hininga ng binata sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Tinitigan siya nito at walang pasubali ay agad siya nitong hinalikan sa labi. "Will...."sambit nya sana sa pangalan nito pero hindi na nya natapos sapagkat hinalikan na siya nito ng mapusok, nagpupumiglas siya dito ngunit sadyang iniipit siya nito sa pagitan ng katawan nito at pader ng banyo. Nadadarang siya sa ginawa ng binata at naging malikot na dn ang mga kamay nito, nagawa nitong ibaba ang itaas na bahagi ng kanyang dress para malantad ang kanyang malulusog na dibdib.Sinunggaban iyon ng binata at hinalikan at sinipsip ito. "Ohhhh" napaungol napaliyad ito sa ginawa ng binata. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa kabilang dibdib nya at pinipisil pisil ito. Umakyat ang halik nito at bumalik sa kanyang labi, pagkatapos ng mahabang halik saka na siya nito pinakawakan. Napa awang ang kanyang mga labi sa nangyari. "dont do that Abby please...."nagsusumamong saad nito sa kanya na para bang hirap na hirap. " fix your self babe please habang nakakapag timpi pa ako "pagsusumano nito.Naunawaan nya kong ano ang ibig sabihin ng binata at inayos nya ang kanyang dress at wala ng lingon-lingon na lumabas ng banyo. "damn"mura nito sa sarile at napahilamos na lang siya sa kanya mga palad. Nagtuloy tuloy na lang si Abby sa salas para ayusin ang mga naiwang pizza ang isang box noon ay ibinigay nya sa nag hatid ng mga gamit.Halos mangalahati ang nabawas sa kinainan nyang isang box at ang natirang dalawang box ay itatabi nya ito sa ref para may maiinit siya sa microwave.Nakita nya itong meron siya sa kusina at may note pang from Dad,na pangiti na lamang siya na nakita nyang pinag ambagan ang mga gamit nya ng kanyang mga magulang at kuya sa bahay.Busy siya sa pag liligpit ng lumabas sa sala ang binata at nakita nya itong nakabihis na, naka short at white tshirt Ito na medyo humapit sa katawan kaya bumakat ang mga muscles nito.Nagbaba siya ng tingin nang matama ang kanilang mga mata, ngunit lumapit naman ito sa kanya. "can i stay here for a while" tanong nito sa kanya.Kibit balikat lamang ang sinagot niya dito. "aayusin ko lang yong mga gamit ko"sabay tayo nya at humila siya ng isang maleta para dalhin sa kwarto.Alam niyang umiiwas lang ito sa kanya.Kaya tumayo ang binata at kinuha ang maleta sa kamay nya. "ako na ang mag dadala ng mga yan sa kwarto mo".Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang binata at pumasok na lamang siya sa kanyang kwarto. "tulungan na kita" sabay sabi nito ng makita siyang nag aayos ng sapin ng kama. "salamat "tangi ngang nasabi dito dahil umiiwas siya sa binata. Ramdam niya ang pag iwas ni Abby sa kanya, pero anong magagawa nya, "I just cant control my self everytime she's near" gusto nyang sabunutan ang sarile nya.Kaya lumabas siya ng kwarto pagkatapos nyang tulungan ito sa paglalagau ng bedsheet para bigyan space ang dalaga at ng kapanatagan ng loob.Inaayos na ni Abby ang kanyang mga gamit at damit sa kabinet ng maramdaman nyang lumabas ang binata sa kanyang kwarto. "hay" sabay buntong hininga nya,para siyang nasasakal at na eexcite pag nasa malapit lang ang binata. "i love his smell" sambit ng kanyang isip, nakaramdam siya ng lungkot ng lumabas ito ng kwarto akala nya kasi pati sa paglalabas ng mga damit at pagsasalansan nito eh tutulungan siya nni William.Ngunit wala ang binata. Natapos na niyang ayusin ang mga gamit ng mapansin ang isang maletang nasa sulok, hinila nya ito at binuksan para ilagay sa isang estante ng kabinet.Laking gulat ng makita nya kong kanino ito. "Kanino to?bakit may mga damit dito na pang lalaki?at mga briefs? "tanong niya sa kanyang sarile,wala sa kanyang loob na amuyin ang mga damit at hindi nga siya nagkamali, kay William nga ang mga gamit sa maleta kaya hinila nya ito ibinalik nya ito sa sulok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD