ILANG mga katok sa pinto ng kwarto ang narinig ni Saña kaya naman naalimpungatan siya at tuluyan nang nagising. Pupungas-pungas na tumayo na animo ay parang zombie at medyo hilo pa sa pagkabigla ng paggising. Saka pinahiran ang mata para matanggal ang namuong muta roon kung mayroon man at pinihit ang doorknob ng pintuan para magbukas iyon. “Breakfast,” sabi nito na akay ang tray ng pagkaing hindi na niya inusisa ng tingin. Diretso lang ang tingin niya sa mukha nito. Sa inis ay agad din niyang isinara pabalabag ang pintuan at bumalik sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Kulang na kulang pa siya ng tulog at ang gusto lang niya ay makatulog ng mahimbing, iyong walang aabala sa kanya. Kasalanan ng walang-hiyang Alejandre na iyon. Kung alam lang nito ang ginawa nito kagabi ay baka hindi rin it

