Days passed... Matapos ang photoshoot ko ay agad ay agad na nagpasalamat ako sa lahat ng mga kasama ko ngayon. Sa photographer at mababait na mga staff na silang nag-aayos ng lahat. Maging sa make-up artist na nag-ayos sa akin. Ginawa kong busy muli ang sarili ko sa trabaho, kaysa maghintay kung kailan babalik ang asawa ko. Agad namang lumapit sa akin si Jamie nang bumaba na ako sa maliit na platform. "Ang gaganda ng shots mo. Your face is really a big assest of yours," malaki ang ngiting saad nito sa akin. "Walang pangit na Gallado," mayabang na sagot ko sa kaniya. "How about the Angeles?" "When April was born, she made the Angeles' genes decline. Mabuti na lang nakabawi sa akin si Dad." Natawa si Jamie sa sinabi ko. May hitsura naman si April, pero dahil asar ako sa kaniya, hindi

