KAREN's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid, nasa isang kwarto ako. "Baby..." napatingin ako kay Enzo na nagliwanag ang mukha nang makitang gising na ako. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan niya ako. Kaya nanatili akong nakahiga. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay pero nang tumingin ako sa bintana sa labas ay madilim. "Stay still. Malalim ang sugat mo ang you need to rest more dahil over fatigue ka na rin daw," masuyong saad niya sa akin. "Do you want something? Are you hungry?" Tumango ako sa kaniya. "Okay, I will buy you food." Hinalikan niya ako sa noo, pero bago pa siya makaalis ay pumasok na si Tita Wella. "My darling," puno ng pag-aalalang saad ni Tita sa akin. "Okay ka lang ba? Stupid me, siguradong hindi

