KAREN'S POV Napatingin ako sa mga lalaki bumaba sa van at lumapit sa kotse ko. Napalunok ako nang makita ko ang isa na may baril sa beywang niya. Hindi ko alam kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa akin. Mahigpit akong humawak sa manibela ng sasakyan. Hindi ako magdadalawang isip na banggain sila kapag kinulit nila ako. Ang Ferrari pa naman ng asawa ko ang dala ko. Are they carnapers? Kukunin ba nila ang sasakyan ko? Pero hindi ko magawang bumaba dahil paano kung saktan nila ako? Kumatok ang isa sa may bintana ng kotse ko, pero hindi ko iyon binubuksan. Kalalabas ko pa lang sa may sementeryo at hindi masyadong mga bahay sa may kinaroroonan namin ngayon. At kung may makakakita man sa amin duda ako na matutulungan nila ako. Muling kumatok ang lalaki sa kotse ko, pero hindi a

