KAREN'S POV Nakayakap sa akin si Enzo habang nakaunan siya sa dibdib ko at nilalaro ang buhok niya. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya na ang ibig sabihin ay tulog na siya, bahagya siyang nakadapa at wala siyang suot na pang-itaas. Isa sa napansin ko sa kaniya ay hindi talaga siya nagsusuot ng pang-itaas kapag natutulog siya. Parang sanay na sanay ang katawan niya sa lamig. Hinalikan ko ang buhok niya at mas lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin. Iyong simpleng yakap niya, parang nawala ang lahat ng tampo ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang magtampo sa kaniya dahil kakasal pa lang namin pero umalis na agad siya at iniwan ako. Alam ko kung nasaan siya, pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon. Hindi naman ako nag-usisa sa kaniya kanina dahil alam kong pagod pa siya sa by

