I woke up early kahit na late na akong natulog kagabi. Naghilamos at toothbrush lang ako at agad na akong bumaba naabutan ko si Madona na nagluluto pa lang ng agahan. "Good morning!" masayang bati ko sa kaniyang. Nagtatakang napalingon naman ito sa akin. "Good morning, Ma'am. Maaga po yata kayong nagising," nakangiting bati nito sa akin. "Yeah, feeling ko kasi may magandang mangyayari ngayong araw," sagot ko at nagtungo sa may coffee maker para mag-brew ng kape. Sumandal ako sa may counter top habang hinihintay ko ang kape ko. Sabay kaming dalawang nag-agahan. Madalas ay late na akong bumabangon at minsan naman ay hindi agad ako bumaba kaya hindi talaga kami nagsasabay ni Madona. Ngayon lang ulit dahil nga maliban sa maaga akong nagising ay bumaba rin ako. "Maglilinis ka ba ngayong

