"Tuloy lang akong pumasok sa loob ng bahay wala akong makitang tao sa loob. Kaya pumunta ako sa kwarto ni mama. "Rosely anak. Nakausap mo ba ang Ate Ada mo?" dinig kung tanong ni mama sa kapatid ko. "Opo" ma. Pero sabi ni ate Ada, susunod raw siya, wika ng kapatid ko. "Sana nga'y sumunod ang ate mo. Tatanggapin ko ang galit niya sa'kin dahil wala akong kwentang ina, dahil pinabayaan ko siya. Hinayaan kung lamunin ako ng galit. Marahan kung itinulak ang pinto ng silid ni mama at tumambad sa'kin ang itsura ni mama, na puro pasa ang mukha. "Ma.."Anong nangyari sayo?" gulat kung tanong dito. Ada anak ko," wika ni mama. Nakita kung lumuha ito. Agad akong yumakap dito, subrang higpit ng yakap namin ni mama. Dahil sa totoo lang ngayon lang ako niyakap ni mama. Simula pagkabata ko lagi na it

