"Alas otso ng gabi ng pumasok sa loob ng silid si Steven, tingin ko'y mainit ang ulo nito naibagsak pa nga nito 'yung pinto, mabuti na lang at hindi nagising si baby Sven. Tuloy-tuloy lang itong lumakad patungo sa banyo. Inilagay ko si baby Sven, sagitna ng kama. Nagmadali akong humiga ng marinig kung papalabas na ito ng banyo, yumakap ako kay baby Sven, ipinikit ko rin ang mga mata ko upang isiping nitong natutulog na ako. Narinig kong tumunog ang cellphone nito." "Sige," pupunta ako bukas siguro'y aagahan ko na lang ng punta diyan. Huwag mong isipin 'yun dahil nakaraan na 'yun," narinig kung wika ni Steven! sa kausap nito. Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang yabag ng paa nito papalabas ng silid. Pinilit kung makatulog dahil tingin ko'y hindi dito matutulog si Steven." "Na

