(*Alexie Balbuena*)
Pag labas pa lamang namin sa arrival area ay agad ng nakita ni Althea ang kanyang mga magulang habang kumakaway ang mga ito sa amin..
Napangiti ako,masaya ako para sa mga ito. Dahil sa wakas, sa apat na taon na pagkawala'y nito sa mga magulang ay magkakasama na silang muli..
Mabuti nga at nakonbinsi na namin ito, para lumabas na sa publiko at kalaunan ay nagpasya narin itong sumama sa amin pauwi ng Pilipinas.
Isang buwan kaming mamalagi sa Pilipinas, para sa mga proyektong tinanggap ko. Ilang fashion show, guesting and interviews. May ilang charity events din akong gustong daluhan sa isang buwan na iyon.
Nasa loob na kami ng van nang pormal naming mabati at makilala ang mag asawang Olivarez. Nawalan narin kase kami ng pagkakataon kanina, dahil nag umpisa ng dumami at magkumpulan ang mga tao.
Kaya agad agad kaming pinasakay ng mga securities na siyang umalalay sa paglabas namin sa airport. Mabait ang mag asawang Olivarez, makikita ang kasabikan ng mga ito sa matagal na nawalay na anak.. Hiniling din nila sa amin na mamalagi mona kami ng ilang araw sa kanilang tahanan na hindi naman namin tinaggihan kahit pa mayroon na akong sariling condo sa Makati na siyang pinakamalapit sa airport.
Sa isang subdivision sa taguig ang tirahan ng mga Olivarez. Pagparada ng sasakyan sa bakuran ng kanilang tahanan, ay agad ko ng binuksan ang pintuan ng van at nauna narin ako sa paglabas. Maganda ang panahon at kahit paano medyo malamig ang samyo ng hangin sa aming balat..
Napapikit ang aking mga mata, iba parin talaga ang simoy ng hangin sa sarili mong bansa. Naisip ko...
Hindi mawala ang kagalakan sa aking puso.. Its been a while... At narito akong muli, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.. May pagkasabik, galak, at kaba na paminsan minsan ay sumusundot sa aking kamalayan..
Ngunit alam kong nalalamang parin ang pananabik. Makikita kona ulit si lolo kahit pa nga madalas din naman ako nitong dalawin sa States dati at ganon rin pag nasa europe ako.
I heard that my dad was here too for the moment kaya nagagalak ako. Its a really good timing to come home.
I'm so happy na magkakasama ulit kaming tatlo sa Mansion, like the old times, magkakasalo sa hapagkain tulad ng bata pa ako.
Kaba? Yes.... kinakabahan ako pano kung mag krus ang landas namin ni Matthew? Kaya kona ba siyang harapin without my heart and body shivers?
Ano ka ba hindi kana isang 15 yrs old or 17 yrs old na marupok, na lunod sa pagmamahal kay Matthew. Its been 7 years Alexie! Pinatatag at binago kana ng panahon. Kaya mo ng magkontrol ng emosyon, tumapang kana at hindi basta natitibag, remember?
Ang pagpapaalala ng isang bahaging yon ng utak ko. Yeah right...
I'm not the same Alexie anymore. I'm not that f*****g child anymore! Who's crazy, madly inlove with him... I wasn't that girl anymore....
********
"Pasok, pasok kayo." ang masaya paring sabi at pagpapatiuna ng mommy ni Althea.
Masayang sumalubong din ang dalawa pang babae na sa tingin namin ay mga kasamabahay ng Olivarez. Nakakatuwa na tulad ko, malapit din ito sa mga kasambahay nila. Nakita namin ang higpit ng yakapan ng mga ito at ang maluha luhang mga mata ng dalawang babae ng makita siya.
"Segi na asikasuhin mona at paupuin ang mga bisita mo at kami ni Gigi ang kukuha ng mga bahagi nyo sa sasakyan." anang isa na tiwanag nito sa pangalang ate Jing.
Pero bago pa makaalis ang babae ay agad itong pinakilala ni Althea sa amin ganon rin ang isa pa. Para pa ngang kinikilig ito ng tumingin sa akin.
"Mas maganda kapa pala lalo sa personal." ang nahihiyang palatak nito.
"Gustong gusto kana nya simula pa noon, number one fan mo yan." ani Althea sa akin habang nakangiti. Magiliw kong binati at niyakap si Ate Jing ganon rin ang isa pa na nagpakilalang Gigi.
Hindi pa man kami nakakaupo'y sunod sunod na pumasok naman mula sa glass door sa isang bahagi ng sala ang ilang lalaking kilalang kilala ko. Bukod sa isa na mas bata na ngayon ko lamang nakita.
Ang isa ay agad na sinugod ng yakap si Althea. Si Noah, siya pala ang pinsan ni Althea. Napangiti ako ilang beses kona rin itong nakausap noon at mabait naman ito. Napatingin ako sa lalaking nakasunod sa kanya...
Then sunddenly my f*****g world stopped, when my eyes met his... Kasabay ng pagkabog bigla ng dibdib ko, napamura pa ako ng lihim... nang maramdaman ko ang tila bahagyang panginginig ng tuhod ko.. At bago pa ako maigupo ng sari saring emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata, at nang puso kong, tila nawala sa sarili nitong ritmo, ay agad na akong nag iwas ng tingin..
What is he doing here? Ang piping tanong ng isip ko. Alam ko naman na magkrukrus parin ang landas namin pero hindi ko inaasahan na ngayon na iyon mismo! But then, naalala ko na malapit pala ito kay Althea at kaibigan din ito ni Noah.. Ooh....and thats explained it all....
Pinilit kong umiwas ng tingin mula rito.. Binati rin kami nila Carl, Vince, Uno, at isa pang nag ngangalang Klient. Narinig ko pa ang tila masayang pagpapakilala ni Althea sa amin kay Matthew pero ni hindi ako nag abalang tanapunan man lang ito ng tingin..
I just dont want to waste my precious time just to have a piece glance of him..
Muli akong napatingin sa tatlong lalaki.... Lalong naging gwapo ang mga kupal! Ngunit tulad ng dati ay mas nalalamang parin para sa akin si Matthew, ito ang pinaka gwapo sa paningin ko. At kahit nga si Matthew, napansin ko rin ang malaking pinagbago nito.. Lalo ata itong kumisig at mas lalo pang lumapad ang dibdib... Pero ang labi nito ay tila ganon parin, tila lagi parin itong nangangako ng matamis at mapusok na halik... Gusto kong batokan ang aking sarili ano ba tong pumapasok sa isip ko... Guard yourself Alexie! ang piping sigaw ng isip ko.
Ang mga ito ang madalas kong maabutan noon sa Masyon ng mga Mondragon kasama si... Hindi kona nagawa pang ituloy na banggitin ang pangalan nito sa aking isip ng makita ko itong papasok sa glass door na pinanggaling ng anim.
Si Kiel Fuentaville ang lalaking iniiwasan ni Althea.. He really looks so different mula ng huli ko itong makita... Gwapo parin ito at napakalakas ng appeal, kahit pa tila medyo makapal na ang stubbles nito sa magkabilang panga.. At medyo mahaba rin ang unat at itim nitong buhok.
Pinilit kong kinalma ang sarili at maging natural ang kilos, hindi dapat ako nagpapa apekto sa prisensya nya... Ano nalang ang iisipin nito, kung makikita nito na masyado parin akong apektado sa kanya? Na ako parin yong Alexie na baliw na baliw sa kanya?..
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at inabala ang sarili doon.
"Ok ka lang ba mooi?" ang mahina at may pag aalalang tanong ni Rebecca. Marahan akong nag angat ng mukha at ngitian sya.
"Oo naman, ako pa. Don't worry I could handle myself." ang mahina kong sabi. Nag usap pa kami about sa plano namin sa mga susunod na mga araw. Balak nitong umuwi sa Batanggas sa kanyang pamilya. Gusto nitong doon gugulin ang bakasyon. At sinabi ko rin dito ang balak kong pagdalaw sa Hacienda.
**********
Maya maya pa'y narinig kona ang magiliw na pagtawag ng mama ni Althea sa aming lahat para magpunta sa mahabang hapag kain, ng mga ito.
Maraming hinandang pagkain ang mga ito at halata talagang pinaghandaan ang aming pagdating... At ang nakatutuwa pa ay pawang mga pagkain pinoy.. May sinigang na baboy na isa sa paborito ko, kare kare at marami pang iba... Pero ang pinaka da best ginisang ampalaya na may itlog...
Nawala ang atensyon ko sa mga pagkain ng makita kong tila aligaga naman si Althea sa kinauupuan nito, dahil katapat nito mismo si Kiel Fuentaville. s**t! Alexie huwag karin titingin sa tapat mo at baka tumalon ang puso mo. Ang banta ng isang bahagi ng utak ko..
"It was nice to see you again Alexie." ani Noah na siya palang katapat ko.. Napatingin ako sa katabi, niya at halos mabulanan ako. Katabi nito si Roger na parang bulating sinabuyan ng asin sa kinauupuan dahil sa kilig nito para kay Noah. What the heck! Binalik ko ang aking tingin kay Noah.
"Thanks, yeah it's been a while.." ang mahina kong sabi at tipid na nginitian ito at binalik muli ang aking pansin sa pagkain.. Hmmm... Ang lakas naman ng pabango ni Matthew abot na abot nito ang ilong ko.. Wala sa sariling naisip ko ng masamyo ang pamilyar na pabango nito...
"Welcome home babe..." Pakiramdam ko'y biglang nagtayuan ang buhok ko sa batok ng maranig ko ang pamilyar nyang boses..
Fuck s**t!!! He's just sitting beside me.. Ang akala ko si Rebecca at Roger ang nakatabi ko.. But s**t! s**t! why him?! And that f*****g endearment... Biglang naalarma ang buong sistima ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.. To think na nasa tabi ko lamang sya..
Relax Alexie.. Relax... How about, using the art of unaffectedness? Ipakita mo na baliwala na siya sayo. Na hindi kana basta basta naapektuhan ng prisensya nya? It might be the biggest slap on his face! Pero biglang naputol ang pag iisip ko ng maramdaman kong ginagap nito anng aking palad..
Awtomatiko kong binawi ang aking palad, tumingin sa kanyang mga matang malamlam na nakititig sa aking mukha... Pinatapang ko ang aking itsura, how could he just touched me like that? Mataray ko itong tinaasahan ng kilay...
"Please... dont just touch me like that Mr. Mondragon, its making me uncomfortable hindi tayo close.." ang mahina at may diin kong sabi...