(*Matthew Mondragon*) Labis labis ang pag aalala ko ng hindi na muli pang nagsalita si Alexie, simula pa kanina ng aminin ko sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ko siyang saktan noon... Hanggang sa makarating kami sa bahay bakasyon sa tagaytay ay wala parin itong imik... Kaya labis labis ang kaba at pag aalalang nadarama ko... Ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya kung maaari ayaw ko na sanang sabihin pa sa kanya ang totoong dahilan, dahil alam kong malaki ang magiging epekto nito sa kanya... Alam kong sisihin nito ang sarili, idagdag pa ang kahihiyan na mararamdaman nya para sa kanyang sarili... Knowing na may nakakita at nakaalam sa ginagawa naming yon, at ang masaklap pa, ay nakunan pa ito ng vedio.. Kung ako lang, alam kong hindi naman ako maapektuhan para sa saril

