(*Alexie Balbuena*) "Tay, uwi na po ako ah. Salamat nga po pala sa pag iimbita." " Naku ie, ako nga dapat ang magpasalamat at napaunlakan mo kami dini... Oh siya, teka at tatawagin ko lang si sir Matthew. " "Ho? Matthew? Sino hong Matthew." Ang gulat kong tanong, at baka naman e, namali lamang ako ng pagkakarinig. At baka ibang Matthew naman ang tinutukoy ni Tatay Sonny.. "E, si sir Matthew Mondragon. Ang kasintahan mo? Narito nga lang yon kanina e, gusto ka raw surpresahin kaya hindi ko nalang binanggit sayo kanina na narito siya." Ang masaya nitong sabi.. Laglag panga akong nakatingin lamang kay tatay Sonny. Ni hindi ko alam kung ano ba dapat kong sasabihin or kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon. Bakit ba parang ang lahat ay iniisip na may namamagitan nga sa amin ni Matthe

