Lilith's Point Of View
Malalim akong napabuntong-hininga. Ininat ko ang leeg at blikat ko bago ko ayusin ang pananamit ko. Nagpahinga na kami matapos ng mahabang araw. Napagod ako ngayon lalo na't ang dami nangyari. Wala sa sarili akong napatulala habang nakasilip ako sa bintana.
Bumalik ang mga alaala ng nakaraan na ayoko ng maalala pa. Going to that temple again was really not a good idea. Pero wala na akong magagawa pa dahilan napasukan ko na itong problema na ito at kailangan ko ng panindigan. All I need to do now is to protect that stupid mortal.
Walang gana akong napatingin sa babaeng nakahiga sa kama at nakatilod sa akin. Kahit pagmukhain niyang natutulog siya ay alam kong nakamulat ang mga niya. Kasama ko si Shane sa kwarto at alam kong hindi siya mapakali. Alam kong binabantayan niya ang bawat galaw ko kahit nakaupo lang ako sa isang silya at nakatingin sa bintana. Pero hindi nagtagal ay nakatulog din siya dulot na rin siguro ng pagod.
Sa kabilang banda ay hindi man lang ako umalis sa pwesto ko o natulog man lang. Because we don't sleep. Dahil isang tao ngayon ang katawan ni Shane, nakakaramdam siya ng antok o gutom. Samantalang ako, iba ang katawan na meron ako.
I'm not immortal, but my wounds heals faster than humans. Katulad lang din namin ang mga katawan nila nung una pero dahil nga magkakaba iba kami ng kinalakihan at tinitirahan, nag-iba ang takbo ng mga katawan namin. Unlike humans, we creatures age slower, our body are more durable and our cells are most likely immune to any sickness or diseases.
Pero depende pa rin kung anong klaseng nilalang ka. After all, vampires doesn't age at all, werewolves has the same body as a human but can turn into a wolf, and us devils-
Natigilan ako sa pag-iisip nang tila ba nakaramdam ako ng isang presensya. Mabilis na tumalas ang pakiramdam ko sa paligid at inilibot ang tingin ko sa labas ng bintana.
Someone is here.
Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo at pinakiramdaman ko ang paligid. Unti-unting nilamon ng anino ang kanang mata ko. Lumabas ang mga itim na tinta at iilang mga simbolo.
This power gives me the ability to see dark.
Pilit kong pinakiramdaman ang paligid. Naningkit ang mga mata ko habang nag-iisip ng posibleng indibidual na may gano'ng presensya.
Sino iyon?
Imposibleng isang ordinaryong gorgo lang iyon dahil kakaiba ang presensya niya. Parang pamilyar.
Lumabas ako ng kwarto namin at napatingin ako sa lalaking nakahiga sa isang sofa. Sumalubong sa akin ang nakapikit na mortal na nakahiga.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at humigpit ang pagkakasara ko sa kamao ko.
I'll do my duty as his protector.
It's time to change my life, ung walang magsasabi sa akin kung anong dapat kong gawin.
Kapag nakuha ko na ang dapat na sa akin ay magsisimula ako ulit. Magbabago ako.
And in order to do that, I should protect him first.
Well, siya naman na ang huling na poproktektahan ko.
And I'll do everything para hindi na ulit mangyari ung dati.
Ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko.
I promise to keep him safe.
Iniwas ko ang walang buhay na mga mata kong nakatingin sa kaniya bago ako magpatuloy sa paglalakad. Nang makalabas ako ng apartment ay mas lalong lumakas ang presensya niya. Naningkit ang mga mata ko at kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung kanino ang presensya na 'yon.
Doon ko nakilala kung sino ang bisita namin.
She's here...
Alam kong siya iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Malalim akong huminga bago magpatuloy sa paglalakad.
Nang malapit na ko sa gate ay may nakita akong pamilyar na imahe. Nakumpirme ang hinala ko nang makita ang babaeng nasa itaas nito na may hawak-hawak na napakalaking martilyo. Sumasabay ang mahaba niyang buhok sa paghampas ng hangin at tumatama ang repleksyon ng ilaw sa poste sa likod niya.
"Sabi ko na nga ba at nandito ka." Walang kaemo-emosyong sambit ko.
She flashed a smile, showing her fangs. Sa malapitan ay kitang-kita ko ang itsura niya. Nanatiling natatakpan ng dilim ang mga mata niya at tanging nakakurba niya lang na ngiti ang madaling maaninagan.
Even tho, she looks like a high schooler because she likes wearing uniform, you can easily see her difference to an ordinary student. Sa likod ng maamo niyang mukha ay isang demonyong nakapatay na ng ilang libo. Ang mala inosente niyang mga mata ay napupuno ng panghuhusga. At ang mabubulaklak niyang mga salita ay mayroong masasama at matatalim na kahulugan sa likod.
And on the top of that, she is always a holding a freaking huge hammer.
At isa pa, ang buong kaliwang kamay niya ay bato at sumisilip din sa noo niya ang dalawa niyang sungay.
"Did you miss me, sis?" Malambing sambit sa akin ng babaeng kaharap ko.
Azza is here. The earth demon. Ang panglima sa limang royal leaders.
My little sister.
"Did you come here to threaten me?" Pangunguna ko.
Walang emosyon akong nakatingin sa kaniya. Walang buhay ang mga mata ko at walang ekspresyon ang mukha ko. Nungit mariin ang pagkakagat ko sa ngipin sa kabila ng kalmado kong itsura at tingin. Hindi ko inaasahan na sa aming magkakapatid ay siya ang mauuna kong makakaharap. Pero wala akong magagawa kahit kung sino pa man ang makaharap ko. Nang tanggapin ko ang tunggkulin na ito ay hinahanda ko na ang sarili ko kung sakaling dumating sa punto na kailangan naming maglaban.
"I miss you too." Sarkastiskong sagot niya sa akin.
Casual siyang tumalon sa taas ng gate at naglakad papunta sakin. Habang walang kahirap-hirap niyang winawasiwas ang nakapa-laking martilyo na halos doble ang laki kaysa sa kaniya.
Huminga ako nang malalim at pigil hiningang naghintay sa posibleng mangyayari. Hinanda ko na ang sarili ko para sa maari niyang gawin sa akin. Pero agad din akong natigilan nang tuluyan siyang napunta sa harapan ko.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay roon ko nakita ang malungkot na ekspresyon niya.
Her expression changed and her face softened. Nagtama ang mga tingin namin at kita ko ang nangungusap at puno ng emosyon niyang mga mata.
"What are you doing, sis?"
***
"Ama!" Bati ng batang babae papalapit sa lalaking kasama ko ngayon. Casual lamang ang pananamit niya habang nakatirintas sa dalawa ang mahaba at itim na itim niyang buhok.
Habang sa kabilang banda, walang tigil ang panginginig ng mga kamay ko at hindi ko magawang tignan ang paligid. Hindi ko man lang maiangat nang maayos ang ulo ko dahil sa sobrang kaba.
Natatakot ako. Ayoko sa lugar na ito.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ay mabilis na nalipat ang tingin niya sa akin.
"Who is she?" Marahan niyang tanong. Nagtataka siyang napatingin sa akin na puno ng kuryosidad.
Naramdaman ko ang paghawak ng lalaki sa balikat ko.
"From now on, she's going to live here with us. She's going to be your big sister."
Lumiwanag ang ekspresyon ng batang kaharap ko.
"Yehey! My new sister! May bago na akong ate! She's pretty and mukha siyang mabait hindi tulad ni ate Amy!"
Nagpatuloy sa pagpalakpak ang kaharap ko hanggang sa malipat ang mga atensyon namin.
"A fallen angel?" Sambit ng bagong dating na lalake.
"Oh, Loki meet your new sister. She's a year older than you so you should treat her like a big sister."
Walang ganang tumango ang lalaking nangangalang Loki.
"You shouldn't pick broken things dad." Sambit ng isang babae na kakadating lang din.
"She's not broken." Sagot ng lalaki nasa tabi ko. "She doesn't have a home." Dagdag nito.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakayuko. He's right. I don't have a home.
Pinatapon nila ako.
"She doesn't belong here." Pahabol ng babae bago umalis.
Umirap ang batang babaeng kaharap ko bago niya hawakan ang dalawang kamay ko.
"Don't mind her, ganiyan talaga kasungit yan!"
"Btw, I'm Azza. Nice to meet you sis!"
Masigla niyang inilahad sa akin ang kamay niya. "And you are?"
"Lilith." Pagsingit ng isang boses.
Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot na ang lalaking katabi ko. Walang ekspresyon akong napatingin sa kaniya.
Para bang tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Lilith? I guess that's okay. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang totoong pangalan ko habang nandito ako.
I'm in their territory.
"Welcome to the family!" Masiglang bati ni Azza at mahigpit akong niyakap.
"Where's Caim?" Tanong ng lalaki sa tabi ko.
"Hindi pa po siya nakakauwi galing sa misyon niya ama."
Tanging pagtango lang ang sinagot ng lalaking kaharap ko bago ito naglakad papalayo.
"He's the eldest son." Bulong sa akin ni Azza nang tumabi siya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at nanatiling nasa malaking lalaking naglalakad papalayo ang tingin ko. Habang pinagmamasdan ko siya ay unti-unting nagsi-sink in sa utak ko ang buhay na meron na ako ngayon. Kasama na nila ako at dito na ako mananatili habang buhay... dahil wala naman na akong mababalikan pa.
I guess kailangan ko ng masanay Rito. Well, this is going to be my new home.
***
"I'm sorry." Iyon lamang ang nasagot ko sa kaniya.
Napayuko ako at pilit kong umiwas ng tingin. Ayokong makita ang magiging reaksyon ni Azza sa sinabi ko. Kahit na pa hindi na 'ko kabilang sa kanila- hindi ako naging kabilang sa kanila... hindi maitatangging sa kanilang lahat, si Azza ang pinaka-tinuring akong kapatid. Maybe the only one.
Utang na loob ko pa rin sa kanila ang mga meron ako ngayon.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng babaeng kaharap ko. Tila natigilan ako sa inakto niya. Agad na napaangat ang ulo ko at namilog ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
"Well, that's your choice. I'm still glad that you became my sister." Nagpakita siya sa akin ng isang sincere na ngiti.
"I only came here to see you."
"Don't worry I won't tell anybody." Dagdag niya.
I was taken aback by what she said. Nabunutan ng tinik ang lalamunan ko. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Parang nawala ang mabigat na bagay na dumadagaan sa dibdib ko at nagpapahirap sa akin huminga.
"But that doesn't mean na hindi nila malalaman." Seryosong sambit ni Azza.
"Hindi ito palalagpasin ni ama alam mo iyan." Dagdag niya.
Napalunok ako nang malalim at tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Of course I know. And I'm ready. Nung pinasok ko ang bagay na ito ay matagal ko ng alam na aabot at aabot din ang lahat sa paghaharap namin. Imposibleng palampasin nila ito at imposible ring matakasan ko ang magiging kapalit ng mga desisyon na ginawa ko.
"Kapag nalaman nila iyon ay asahan mo na maraming maghahabol sa buhay mo." Muling sambit ng nakababatang kapatid ko.
"At magiging isa ako roon."
I bit my lower lip as I continue to listen. Nakaramdam ako nang kaunting kirot sa sinabi niya.
Inaasahan ko na mangyayari iyon nang nagdesisyon ako.
Hindi imposibleng makaharap ko ang isa sa mga kapatid ko. After all, they are the royals at alam kong sila ang ipapadala ni ama para kitilin ang buhay ko.
But I will not let them beat me, because I have someone to protect to.
At hindi ko siya mapoprotektahan kapag nauna akong mamatay sa kaniya.
Seryoso kong tinapunan ng tingin ang babaeng kaharap ko.
"I'm prepared." Maikling sagot ko.
Muling napabuntong hininga si Azza sa sinabi ko. Ilang segundo kaming nagkatinginan na para bang pabigat nang pabigat ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pero tila natigilan ako nang bigla siyang natawa.
"You are still too serious. I hope na hindi to ang huling magkikita at makakapag-usap tayo." Natatawa niyang sambit.
Parehong tumaas ang kilay ko dahil nabigla ako sa inakto niya. Hindi niya na ako hinintay pang makasagot nang sinimulan na niya akong talikuran.
"See you soon, sis." Nakangiti niyang pagpapaalam.
"And please don't die." Pahabol niyang sambit.
Nang kumurap ako ay tuluyan ng nawala sa harapan ko si Azza. Humampas sa akin ang malamig na hangin at naiwan akong mag-isa sa labas. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magpaalam muna o magsalita man lang sa huling pagkakataon.
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kawalan. Naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa balat ko at ang pagsabay rito ng mga buhok ko.
"I won't." Bulong ko sa hangin.
Bumalik na ako sa loob ng apartment room at nakita kong gising ung mortal. Nakatulala ito habang nanginginig ang mga kamay at nakahawak sa baso.
Namumutla ito na para bang nakakita ng multo.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad papasok.
"You saw it." Malalim na sambit ko.
I saw his eyes widened. It's obvious that he's guilty. Agad siyang napatingin sa pwesto ko at umiling. Kahit kabaliktaran ng inaakto niya ang pinapakita ng ekspresyon niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Balisang sagot nito.
Napangisi na lamag ako sa kaniya. I know his lying.
Muling sumagi sa isipan ko ang usapan namin ng kapatid ko. Tila pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Kahit papaano ay siya pa rin ang pinaka-close ko sa aming magkakapatid. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
I really missed her. Matagal siyang nakabalik matapos siyang utusan ni ama para gawin ng isang misyon at ito pa ang maabutan niya pagbalik.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Kunot noong giit ng mortal.
My smile faded as I gave the mortal an irritated look.
"Buti na lang at hindi niya napansin ang presensya mo. Kung hindi baka napatay ka na niya." Pananakot ko.
Casual akong bumalik sa kwarto at iniwang nakaawang ang bibig ng mortal sa salas.
Alam kong alam rin ni Azza na nando'n siya kanina pero hindi lang siya pinansin. Siguro ay nandito nga lang talaga siya para makita ako.
Humiga na ako ng dahan-dahan sa kama para hindi ko magising ang anghel na nagpapahinga sa gilid ko. Nakamulat ako at napatulala sa kisame at hindi ko mapigilang mapaisip.
Makakaya ko kaya silang apat?
I know them and they're too strong. And the fact that, sa kanila galing ang mga kapangyarihan na meron ako ngayon. Hineram ko lamang ito sa kanila bilang isang patunay na kabilang ako sa mga royals at meron akong kakayahan. Pero paano ngayong hindi na ako kabilang sa mga gorgo?
Nagbago ang ekspresyon ko nang maalala ang sinabi ni azza.
Sana nga maulit pa ulit ang pag-uusap namin.
But I'm sure that the next time we meet,
We'll be enemies.
•••