Amy's Point Of Views Natigilan ako sa biglaang nang yari. Sobrang bilis ng pang yayari sa puntong kumurap lang ako at tapos na ang psng yayari. Unti unti akong napa lunok nang malalim bago unti unting napa lingon sa kamay kong naka hawak sa buhok ni Lilith. Napa kurap kurap ako at nag simula akong manginig na lang bigla. A-Ang kamay kong... hindi na naka dikit pa sa braso ko. "Sinong hangal, babae?" Rinig kong sambit ni Lilith... pero may pag ka lalim ang boses niya at parang garagal. Hindi kaagad ako naka kibo at naka galaw sa pwesto ko. Ilang segundo akong natulala at napa kurap kurap habang pilit na pino proseso ng utak ko ang nangyari. P-Paanong- Anong nang yari?- Mabilis na namilog ang mga mata ko nang maka ramdam ako ng biglaang kaba. Parang kusang binagsakan ako ng mabibigat n

