Lilith's Point Of Views Parang bumagal ang pag takbo ng oras at unti unting namilog ang mga mata ko sa nangyari. Sa kabilang banda, nanatiling naka kurba ang labi ni Amy sa isang ngisi. "Anong masa sabi mo, kapatid?" Malamig pero may tono ng pag babanta sa boses niya. Tanging pag ismid ang na gawa kong i sagot bago mabilis na sinubukang iwasan ang pag atake niya sa akin. Wala ng silbi ang pag sangga ko gamit ang kamay kong bato hanggang sa buto dahil ibang iba na ang pisikal na lakas niya ngayon. Kung gusto kong tumagal pa 'tong laban namin ay kailangan kong iwasan ang mga atake niya. Iniwasan ko ang pag atake ni Amy at saktong pag iwas ko ay naka ramdam ng pag kirot ng likuran ko. Kung na saan ang marami rami kong bali baling mga buto. Mariin akong napa kagat sa ibabang ngipin bago

