“GIO ZION HARKIN POV”
HINDI ako makagawa ng decision, Hindi dahil ayuko kundi dahil gusto ko munang dahan dahanin alam ko na mahihirapan ako ng husto kung patatagalin ko pero Kailangan ko munang dahan dahanin kasi ayukong biglain Ang Sarili ko.
“Kung Yan Ang decision mo Wala na kaming magagawa diyan.” seryuso namang wika ni Angelo.
Bumuntong hininga naman ako bilang tugon sa sinabi sakaniya. “Hindi ko alam kung matatanggap ito ni Eivon pero Kailangan, Hindi pwedeng unahin ko siya lagi—ginawa ko na noong una kaya Sarili ko Naman Ang pipiliin ko ngayon”
Tinapik Naman ni Thaddeus Ang balikat ko. “Naka supporta kami sa kung Anong gusto mong mangyari, if you need help just tell us”
Tumango lang Naman ako bilang tugon sa sinabi niya. Nang lumalim na ng husto Ang Gabi ay nag paalam na muna Sila dahil may mga anak daw Silang babantayan.
“Alis na kayo baka kung ano pang mangyayari sa mga pamangkin ko” sambit naman ni Tristan habang nakahiga sa sofa.
“Samahan mo ito baka tatalon pa yan dahil broken hearted” natatawa namang wika ni Angelo Kay Tristan.
“Psh, ako na Ang bahala oh siya alis na!”
“Tsk! Kung makabugaw ka samin!” banas na wika ni Thad sakaniya at umalis na Sila ng tuluyan.
Nakatingala lang Naman ako sa blangkong kisame, Hindi alam kung Anong unang hakbang para makausap ko si Amelia.
“Oh Tama na yang overthink, inuman muna” wika naman ni Tristan Sakin at pinilit Naman Niya akong tumayo.
Para Naman akong lantang gulay na nag pahila kay Tristan at hinayaan ko lamang siya na dalhin ako kung saan. Nang makarating kami sa bar ay Puno ng tao at sobra ng ingay kaya Naman ay niyaya Niya ako sa VIP room.
Sumunod na lamang ako at nang makarating kami ay binigay Naman samin ang pinakamahal na alak. Binigay ko Naman kaagad Ang card ko dahil alam ko na sobrang kuripot ni Tristan.
“Ayan Ang gusto ko nililibre ako pag broken Ang kasama ko!” wika nito habang tatawa tawa pa. Di ko Naman siya pinansin at hinayaan ko na lamang.
Nasa isip ko parin kung bakit mag papakasal ng ganun kadali si Amelia. Hindi ko na napigilan Ang Sarili ko tinanong ko na si Tristan.
“Bakit mag papakasal si Amelia sa ibang lalaki ng ganun ganun lang?” kunot noo ko namang Tanong, sakto Naman at dumating na Ang alak namin agad Naman akong uminom.
“Eh dahil sa company daw ng mommy niya, Kailangan daw Kasi para maisalba Ang Company.”
“I can help her naman ”sambit ko habang nakatulala.
“ Sa tingin mo Ikaw Ang lalapitan ni Amelia? Gio, Hindi na siya lalapit sayo dahil Hindi kana safe place Niya. Hindi na Ikaw iyong taong sandalan Niya, you left her years ago”
Napakuyom naman ako ng kamao ng dahil sa sinabi Sakin ni Tristan para akong sinampal ng pa ulit ulit.
“I know Tristan, pero gusto ko siyang tulungan. Ayukong ikasal siya sa lalaking yan lalo at Hindi Niya pa ito Kilala”
“Psh, Kilala mo iyon. Ewan ko lang Kay Amelia pero sa tingin ko Kilala niya na ito.” kunot noo ko namang tiningnan si Tristan, I'm so confused on what he said.
“Anong Kilala ko Ang taong gustong pakasalan ni Amelia?”
“Psh, kilalang Kilala mo kalaban mo lagi e. Pati sa babaeng mahal mo kalaban mo parin siya” napahigpit naman Ang hawak ko sa kupita.
“Is it Dark Nicholas Ty? ” tatango tango Naman si Tristan habang nakangisi at umiinom ng alak.
Pabalang ko namang inilagay sa lamesa Ang baso. “Mas lalong ayuko siyang ikasal sa iba! Kung si Dark lang naman makikipag p*****n muna ako bago Niya makuha si Amelia sakin” wika ko habang Galit na galit.
“Psh, you sound so desperate bro kung di mo Kasi iniwan edi sana di ka mag kakaganiyan ba’t ba ayaw mong iwan si Eivon para ka namang Tanga kung mag isip!” inis na wika ni Tristan Sakin. Ayaw na ayaw Niya talaga Kay Eivon kaya kahit Anong sasabihin ko tungkol Kay Eivon ay Hindi siya naniniwala. May trust issue ata Ang lalaki na ito sa babaeng iyon.
“Psh, kung sasabihin ko Naman Hindi ka maniniwala” wika ko habang natatawa at uminom ulit ng alak.
“Paano ako maniniwala e Nakita ko post Niya sa insta healthy Naman siya baka nga Ikaw lang pinag lalaruan nun! Umayos ka Naman, Yung decision mo sa Buhay baliko na” wika nito habang banas na banas Sakin.
Bumuntong hininga na lamang ako at di na sumagot dahil may punto Naman siya, mahirap na makipag talo sa ulol na ito.
Nang mag sawa na kami kakainom ay niyaya ko na siya umuwi. Lasing na lasing kami kaya nakahiga na kaming dalawa sa floor.
.....
Maaga akong nagising dahil may naninipa sa tagiliran ko. Banas Naman akong bumangon, sobrang sakit ng ulo at katawan ko nilalamig pa ako at mukhang pinasukan ng maraming hangin Ang katawan ko.
“Ano!” inis ko namang wika Kay Tristan.
“Psh gumawa kana ng hakbang Umaga na oh. Sige na, suyuin mo na si Amelia gawin mo na Ang nararapat problemahin mo nalang si Eivon sa susunod na” natatawa nitong wika.
Binato ko Naman siya ng tsenilas at agad Naman akong tumayo.
“Ako na Ang bahala...” wika ko Naman at agad ng tumayo.
Hinanap ko Naman kaagad Ang cellphone ko at tinawagan kaagad si Amelia.
“Ano?” wika nito mukhang banas siya dahil tinawagan ko.
“Good morning love, miss me” nakangiti ko namang wika.
“ Lasing ka ba o sira ulo ka lang?” inis na wika Naman Niya Sakin.
“Psh, pumunta ka dito may ipapagawa ako sa'yo. Pinagbigyan na kita kagabi dahil alam ko na pumunta ka sa kabit mo”
“Ano bang pinagsasabi mo diyan, mag hintay ka may inaalagaan pa ako pupunta ako sa company mo pag natapos na ako sa pag aalaga kay mommy”
“Psh, 9 dapat andito kana— no buts I’m the boss here Amelia Grace” bumuntong hininga naman ako at agad na niyang pinatay Ang tawag.
Napangiti Naman akong inilagay Ang cellphone sa lamesa. “Ano na, pumayag na ba na makipag kita sayo?”
Tumango Naman ako bilang tugon Kay Tristan. “Umalis kana pupunta ako ng company Kailangan akong mauna para Makita Niya kaagad ako pagkarating Niya doon”
“Psh, g*go ka talaga kahit kailan. Oh siya, susunduin ko pa Ang princess ko” wika nito at tumayo na, nag paalam Naman siya Sakin bago ito lumabas.
Nang Wala na si Tristan ay nag mamadali Naman akong nag tungo sa loob ng kwarto ko at naligo na kaagad ako ng matapos na ay nag bihis na din ako. Nag pa order na lamang ako ng pagkain sa secretary ko, nag mamadali Naman akong nag tungo sa sasakiyan at nag tungo na kaagad sa company.
8:57 na ng makarating ako sa company, kunot noo Naman akong nakatitig ng Makita ko si Amelia na bumaba sa isang mamahaling sasakiyan. Lumabas din Naman Ang lalaki na nag pa init ng ulo ko gusto ko siyang sugurin at sapakin pero Anong karapatan ko?
Nanonood lang ako sakanila habang nasasaktan, bago pa umalis si dark ay ginulo Niya Ang buhok ni Amelia. Para Naman akong sasabog dahil sa sobrang selos.
Nang makaalis na Ang halimaw na iyon ay bumaba na din ako, Wala ako sa mood makipag usap sa lahat kaya naka poker face lamang akong pumasok sa company at nilampasan ko kaagad si Amelia. Banas na banas Ang buong pagkatao ko at para na akong lalamunin ng Galit.
Just wait dark! Hindi ko hahayaan na makuha mo Sakin si Amelia you once got Eivon ngunit di ko hahayaan na makuha mo Sakin si Amelia.