“AMELIA GRACE HIDALGO POV”
NANLAMIG naman ako sa paraan ng kaniyang pag titig Sakin, hindi ko lubos maisip bakit siya Ang nasa posisyon ni Mr. Rean Velasco. Nakakapagtaka buong Akala ko ay si Rean ang CEO ng G company.
“No...” bulong ko habang hindi makapaniwala.
Tumayo naman siya at agad na inayos ang kaniyang suot na suit na bagay na bagay sakaniya. “Now—” wika nito at tumingin sa mga mata ko. “ Start your job, be the best employee in this company and make sure hindi mapapahiya ang dating company mo na Ikaw ang pinili nila para maging parte ng G company”
Hindi naman ako nakapag salita, nakatingin lang ako sakaniya ng malamig. How could he act like nothing happened between us, bakit parang okay lang Siya sa lahat ng nangyari samin.
“Are you even listening Miss.” bumalik Naman agad ako sa wisyo ng mag salita siya ulit.
“I-I’m so sorry sir, yes I will do everything to be the best employee here” sambit ko Naman habang casual ko siyang nginitian.
Tumango naman siya at agad ng bumalik sa swivel chair, may chineck naman siyang files at tiningnan ito ng mabuti. Mag sasalita pa sana siya ngunit bigla namang bumukas Ang pintuan. Nanlaki naman Ang mga mata ko ng Makita ko Ang isang lalaki na mala anghel at Modelo Ang tindig. Moreno, Makapal ang kilay, perfect na perfect Ang jawline he has also a curl hair that suits him very well, matangkad at kahit naka salamin siya ay kita ko parin ang Asul nitong mata na magpapahina sa mga tuhod mo.
“Ehem...Hi Amelia” wika nito habang nakangiti.
Hindi naman ako nag alangan na ngumiti pabalik dito at agad ko namang itinaas ang kamay ko at bahagya naman akong kumaway. Agad naman siyang tumabi Sakin, napatingin na lamang ako sakaniya dahil sa height difference namin, sa tingin ko ay bagay na bagay kami.
“ You look so pretty in person” bulong niya Naman sakin, for the first time in 5 years kinilig ulit ako. Sa tingin ko crush ko agad itong gwapong nilalang na ito.
Nag papasalamat na lamang talaga ako sa panginoon dahil gumawa siya ng gwapong nilalang, kahit pa masama ang unang Araw ko sa trabaho ay naibsan naman ito ng dahil sa taglay na kagwapohan ng lalaking nasa tabi ko.
“Thank you ”bulong ko din naman pabalik dito. Nakangiti ako habang nakatingin sakaniya napawi naman Ang mga ngiti na ’yon ng biglang ibinagsak ni Gio ang files na hawak hawak niya.
Inilagay naman niya Ang dalawang kamay sa lamesa at tumingin ito ng masama samin. “No Dating in this office.”
Tiningnan ko naman ito ng nakakunot ang noo. “We didn't do anything sir”
Ikinuyom naman niya Ang kaniyang kamao at bumuntong hininga. “You can go now in your own office Amelia. Ikaw Rean, manatili ka”
Tumango naman si Rean at di na nag salita, kinuha ko naman Ang files na iniabot ni Gio Sakin sobrang Dami nito kaya medyo mabigat.
“Sir, can I help her?” wika naman ni Rean habang naaawa na nakatingin Sakin. Napangiti naman ako ng palihim dahil sobrang gentleman ng lalaking ito, awa nalang sa babaeng Hindi mahuhulog sa isang katulad niyang nilalang.
“No! stay here ako na Ang tutulong sakaniya” wika Naman ni Gio na nag pabigla Sakin.
“W-wag na kaya ko na!” matigas kong sambit, bago pa ako umalis ay ngumiti naman ulit ako Kay Rean at tumalikod na kaagad pagkatapos. Nagmamadali naman akong nag tungo sa office katabi lamang ito ng office ni Gio.
NANG makapasok ay nakangiti Naman ako dahil Malaki ito kumapara sa office ko sa dating kompanya. Maaliwalas at mas maraming space.
Agad ko namang inilagay sa lamesa ang mga files na hawak ko at binaba Ang bag, umupo Naman kaagad ako sa swivel chair.
“What a life!” wika ko Naman habang nakangiti.
Aaminin ko na nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita ko ang unggoy na iyon, pero Kailangan ko Ang trabaho na ito para hindi mapahiya Ang boss ko at para din mas lumago Ang company na yon alang alang sa mga Filipino na workers doon.
Nag simula naman akong mag trabaho, inisa isa ko Naman Ang mga files at gumawa na ako ng mga bagong records. Lahat ng mga record ay inayos ko muna. Ilang Oras akong babad sa computer at sa files na nasa harapan ko Hindi ko nga alam kung kumukurap pa ba ang mga mata ko dahil sa sobrang fucos ko sa trabahong ito. Ilang Oras pa ang lumipas at natapos naman ako.
“Finally!” wika ko Naman at agad na nag unat unat ng kamay. Nabigla Naman ako ng dumako Ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa pader.
“Sh*t nakalimutan ko Ang Oras, alas sais na pala ng Gabi” wika ko Naman at agad ng inayos ang mga nakakalat sa desk. Bago pa ako lumabas ay inayos ko na din ang Mukha ko at Ang suot ko.
NANG mag Mukha na ulit akong tao ay nagmamadali naman akong lumabas, sakto naman at lumabas din si Rean mula sa office niya. Nahihiya Naman akong kumaway dito, ngumiti naman siya agad Sakin ng Makita Niya ako sabay tango.
“ Uuwi kana?” Tanong nito sabay palinga linga at ng masigurado nitong walang tao ay lumapit Naman siya Sakin.
“Bakit parang natatakot ka na lumapit Sakin?”
“Psh, Yung boss natin masyadong protective sa'yo. Ayaw niyang nilalapitan kita” natatawa naman niyang wika pero Hindi Naman ako natuwa.
How dare him! Pagkatapos niya akong iwan tapos ngayon na may lalaking gustong kumausap Sakin pagbabawalan niya! Ang lakas Naman ng trip Niya sa Buhay.
“Hayaan mo siya, Hindi Naman Kailangan siya Ang mag decide sa Buhay ko. ” inis ko namang wika at nag simula na akong mag lakad.
Sumunod Naman siya Sakin at agad Naman kaming nag tungo sa parking lot.
“Ano bang meron sa inyo? Parang banas na banas ka sakaniya at Siya Naman ay over kung maka react”
“Psh, Hindi ko siya kilala.” bahagyang wika ko at tumingin Naman ako sa gawi niya.
“Kumain muna tayo, treat ko” dagdag ko pang wika habang nakangiti ng malapad sakaniya.
“It’s embarrassing, ako nalang Ang manlilibre sa'yo” wika naman niya Sakin at agad na siyang pumasok sa loob ng sasakiyan niya. Pumasok na din Naman ako sa sasakiyan ko at sumunod na lamang sakaniya.
After so much pain, Finally! Nakakaramdam na din ako ng kilig sa Buhay. Ngunit sumasagi parin sa isip ko si Gio at yung sinabi Sakin ni Rean kanina, Hindi ko alam bakit nag rereact ng ganun si Gio hindi ba’t may iba na siyang babae.
Nang makarating na kami sa isang Filipino restaurant ay bumaba Naman kaagad ako, hinintay ko lang na makababa siya at kaagad naman kaming nag tungo sa loob. Siya na ang pumili ng pwesto namin at hinila naman niya kaagad Ang upuan para Sakin.
“Salamat” wika ko naman dito.
Tumango naman siya bilang tugon at umupo na din sa harapan ko.
“So, Anong gusto mong kainin” sambit niya naman Sakin.
Tumingin naman ako sa menu at nag order na lamang ako ng kung ano ano.
“Nahahalata ko na hindi ka komportable sa boss natin” tiningnan ko naman siya at bumuntong hininga naman ako.
“He’s my ex” I admit, wala namang saysay kung itatago ko ang katotohanan matagal na akong nakalaya ngunit aaminin ko na andun parin ang sakit at mga katanungan.
“Ohhh...that makes sense” bahagyang wika nito at parang nag iba Ang mood niya.
“Pero I'm over it, matagal na din ilang years na ang lumipas” nakangiti ko namang wika.
“Alam mo bang may fiance na siya?” tumingin Naman ako sa Mukha niya.
“Mukha ba akong may pakealam sa Buhay niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng trabaho at Wala akong pakealam sa buhay ng boss natin.” seryuso ko namang wika. Nababanas talaga ako sa tuwing binabanggit Ang babae na iyon.
“I’m sorry” nakangiti namang wika nito.
Tumango na lang ako at buti na lamang sinerve na ang mga pagkaing inorder naming dalawa. Nag simula Naman kaming Kumain, natigil naman ako ng biglang may nag salita mula sa likuran ko.
“Naku Amelia, first day palang ha pero pak! May nakuha kana agad sa G company” napapikit Naman ako dahil sa sobrang inis.
Itong bibig talaga ni hazel, gusto ko tuloy busalan Ang bibig Niya nakakahiya masyado. Tumingin Naman ako sa gawi niya at pinandidilatan ko siya ng mata.
“Hoy! OA mo ha, masyado ka ng matanda kaya deserve mo din yan. Ayy Ikaw beh, alagaan mo yang frenny namin matagal pa Naman yan maka move on” natatawa Naman nitong wika.
“Umalis ka na nga, nakakabanas yang mga pinagsasabi mo” naiinis ko namang wika sakaniya.
Natawa na lamang siya at agad ng nag paalam Sakin.
“Pasensya na ha, masyado kasing madaldal Ang isang ’yon”
Natawa Naman siya ng bahagya ng dahil sa sinabi ko. “Psh, sanay na ako sa mga ganiyan.”
Tumango na lamang ako at agad ng inubos Ang pagkain. Maya maya pa ay natapos na din siya, uminom Naman kaagad ako ng tubig ganun din Naman siya.
“Ihahatid na muna kita sa apartment mo. Bukas, hihintayin kita sa parking lot para sabay na tayong pumasok”
Napangiti Naman ako at tumayo, nag tungo Naman agad ako sa parking lot at dali daling pumasok sa loob. Tumili Naman ako kaagad at parang baliw na hinahampas Ang manobela dahil sa sobrang kilig.