“AMELIA GRACE HIDALGO POV ” NAKAUPO ako dito sa loob ng kwarto ni Mommy gising na ito ngunit sobrang Hina Niya pa para bumangon. Nakahiga lamang siya at nakangiti sakin ng matamlay. “Hindi ba dumalaw Dito Ang mga pinsan ko?” Tanong nito Sakin. Ngumiti naman ako ng malapad Kay mommy. “May tatapusin lang daw po si Tita Beatrix Mommy bago Sila pupunta dito” Di Naman siya umimik, nasasaktan ako ngayon dahil nakikita ko sa ganitong sitwasyon si mommy. Gustong gusto ko na umiyak sa harapan niya ngunit Hindi maari baka Kasi mas Lalo siyang panghihinaan ng loob pag nakikita niyang umiiyak ako at nawawalan ng pag asa. “Anak bakit di ka nakipag bonding sa mga pinsan mo, andito Naman Daddy mo at di Niya ako iiwan Dito sa loob ng hospital. Pumunta ka na muna sa mga pinsan mo at mag saya ka. Al

