Ano bang dadalhin kila Gav, bukas?” tanong ni Reed sa aming lahat. Tapos na ang klase namin, nag-uusap usap na lang tungkol sa party na gaganapin sa condo ni Gavin. Ang may ari ng bahay ay busy sa kaniyang cellphone. “Mag-iinom ba tayo bukas o kakain lang?” tanong ni Evan. “Syempre, mag-iinom.” masiglang sagot ni Arkin pero bigla itong binatukan ni Trixie. “Mukha kang alak e, ‘no?” “Grabe ka naman sa akin!” reklamo ni Arkin rito. “Seryoso na guys sa mga ito.” “Ako na sa drinks.” sabi ni Tristan. “‘Yon, iba ka talaga!” tinapik tapik pa ni Evan ang braso nito. “Sagot ko na ang pizza.” sabi ko naman sa mga ito. “Miss, pwede bang magdala ng pagkain mula sa resto niyo?” tanong ni Reed. “Sure! Ano ba’ng gusto mo?” nakangiting sabi ko rito. Nagustuhan talaga nito ang pagkai

